Chapter 31

4.7K 62 1
                                    

LISA'S POV

Dala-dala ko ang camera ko. Ngayong araw ko na kasi tutulungan si Daisy and yung groupmates nya dun sa advertisement thingy nila na napag-usapan namin nun sa Pampanga.

"Eyyy. Ikaw palang mag-isa? Wala pa ba groupmates mo?" nakangiti kong tanong nang makalapit ako sa kanya.

"Hay naku. Syempre filipino time." natatawa nyang sabi na ikinatawa ko rin. Totoo naman kasi yung sinabi nya. Ewan ko ba sa mga tao dito sa Pilipinas, masyadong pinapanindigan ang term na yun.

"Eh ikaw bakit ang aga mo? Siguro hindi ka pilipino no?" sabi ko habang kinakalikot ang hawak kong camera.

"Oo. Dahil dyosa ako! HAHAHAHA" grabe talaga kung makapagbuhat ng sariling bangko ang babaeng 'to. Pero hindi naman kasi talaga maikakaila na maganda sya. Kaya nga naging crush ko sya eh.

Tawa lang sya nang tawa kaya kinuhanan ko sya ng litrato gamit ang camera ko HAHAHA in fairness, hindi sya ready na mapicturan pero ang ganda pa rin.

Nagkunwari ako na nakakatawa sya dito sa kinuhanan ko kaya tumawa ako nang tuwa. Kaya ayun, inis sya ngayon HAHAHAHA

"Akin na nga yan!" tinaas ko ang kamay ko para di nya maabot ang camera. Mas maliit pa naman sya sakin.

"Noooo HAHAHAHAHA" inis na inis na sya sakin.

"Akin na nga kasi sabi eh. Idedelete ko lang. Dali naaaa." hawak hawak nya ang braso ko para piliting ibaba ang kamay ko. Tumitingkayad pa sya pero di talaga nya maabot HAHAHAHAHA

Natatawa talaga ako sa mukha nya ngayon. Ang sarap din sanang picturan kaso di ko pa maibaba ang camera ko eh.

Dumating na ang iba nyang groupmates kaya tumigil na sya sa pangungulit sakin na burahin yung picture nya. Pero ayun, todo pa rin sa pagbusangot at inis na inis pa rin kaya hindi sya makausap nang maayos.

Nakuha na naming matapos sa project nila na hindi pa rin nya ako masyadong pinapansin HAHAHA asar talo naman ang isang 'to.

Kinausap ko sya para sabihing iniinis ko lang naman talaga sya at pinakita pa yung picture. Nagbati naman na kami pagkatapos ay pumunta na sa kanya-kanya naming klase.

JENNIE'S POV

Hindi ko alam kung medyo late ba akong nakarating ngayon dito sa gate ng school or sadyang di ko lang talaga napansin na dumaan na si Lisa.

Anong oras na kasi at wala pa sya. I'll be honest na medyo nakaramdam ako ng pagod nung Saturday dahil parang hindi pa talaga nya ako mapapatawad sa ngayon. At naisip ko na baka hindi pa talaga sya ready na ibalik ang lahat sa dati. Sinabi ko kina Xyrene pero ayun tinalakan lang ako ng mga gaga. Kasi hindi daw ganito ang ugali ng manliligaw. Hindi ka raw dapat marunong mapagod pag may nililigawan ka. Siguro raw pwedeng mapagod nang konti pero bawal sumuko.

Napag isip isip ko naman na tama ang mga kaibigan ko. Tsaka si Lisa yung taong di dapat sinusukuan. Kaya naman, fighting!

Anong oras na pero wala pa rin talaga sya kaya pumasok na ako sa loob ng school. Baka kasi hindi sya papasok ngayon. Text ko na lang sya mamaya.

Papunta na ako sa building namin nang makasalubong ko ang isang classmate nya kaya tinanong ko kung nakita ba nya si Lisa. Magbabaka sakali lang naman.

"Uh, hindi ako sigurado kung sya yung nakita ko kanina sa may tree park eh. Check mo na lang." alanganin nyang sabi.

Bago ako naglakad palayo nag thank you muna ako sa kanya at ngumiti. Hindi sigurado kung sya nga ang nakita ng classmate nya pero wala namang mawawala kung sakaling icheck ko kaya pumunta ako sa tree park.

Pero mali eh. Mali ako. May mawawala pala sakin kaya dapat pala hindi na lang ako pumunta. Pakiramdam ko nawawala ang puso ko at may dumukot dito dahil hindi ko sya maramdaman sa dibdib ko. Parang namamanhid ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Nag-uunahan na rin ang mga luha ko sa pagtulo.

Nakikita ko sya ngayon na nakikipagtawanan kasama si Daisy. Pero dahil dakila akong tanga hindi pa ako umalis para panoorin sila. Kinuhanan pa nya ng litrato si Daisy at masayang tinitignan yung kinuhanan nya. Lumapit si Daisy sa kanya para agawin yung camera pero itinaas niya ang kanyang kamay.

Magkadikit na magkadikit ang katawan nila ngayon habang di pa rin humihinto sa kakatawa si Lisa.

Ang sakit naman. Kung makatawa sya ngayon kasama si Daisy wagas. Samantalang pag magkasama kami halos himala na lang kung magpakita sya ng ngiti.

May nagpapasaya naman na pala sa kanya pero bakit hinahayaan pa rin nya ako na suyuin at ligawan sya? Para masaktan ako bandang huli dahil wala naman talaga akong pag-asa sa kanya? Para makaganti sya sakin? Para ibalik sa akin lahat ng sakit na pinaramdam ko sa kanya?

Kinapa-kapa ko ang puso ko kung nawawala pa rin ba 'to. Alam kong nandito pa rin pero parang tinutusok naman ng libo-libong karayom.

Tinawagan ko si Xyrene dahil hindi ko na kaya ang sakit.

"Napano ka? Ano ang nangyari?" nag aalala nyang tanong sakin pagkalapit nya kahit halatang hinihingal pa rin dahil sa pagtakbo.

"Ayoko na. Pagod na talaga ako. Suko na ako." di pa rin ako humihinto sa pag-iyak. Kahit gusto ko nang huminto dahil hindi na ako makahinga ay wala naman akong magawa dahil kusang tumutulo ang mga luha ko.

"Ha? Ano nga kasi ang nangyari?"

"Nakita ko sya na kasama si Daisy. Masaya silang nagtatawanan. Alam mo naman kung pano sya makitungo sa akin diba? Akala ko sadyang naging ganun na sya. Pero sa iba pala, kaya naman nyang maging masaya."

"Kausapin mo sya. Nagpapadala ka na naman sa emosyon mo."

"No! Ano pa ba ang dapat naming pag-usapan? Look, malinaw naman na diba? Hindi na nya kayang maging masaya kasama ako. Kasi puro galit na lang ang natitira sa puso nya para sa akin. Iba na ang nagpapasaya sa kanya, okay? May iba ng nagpapasaya sa kanya."

"So ano ang balak mo ngayon? Suko na talaga?"

"Oo. Tama na. If I know gusto lang nyang gumanti sakin. Gusto lang nyang ibalik lahat ng sakit sa akin."

Umiling-iling lang si Xyrene bago nya ako yakapin. "Basta nandito lang ang buong barkada ha?" tumango tango naman ako sa kanya.

Kay Daisy na talaga sya magiging masaya? Okay. Galit pa rin talaga sya sakin? Okay. Dahil ayoko na talaga. Tama na, suko na ako. Ang sakit sakit. Ang tagal kong nagtiis sa malamig nyang pakikitungo sakin. Ginawa ko ang lahat kahit na pakiramdam ko parang hindi ako nageexist pag magkasama kaming dalawa. Pero tinuloy-tuloy ko pa rin ang mga ginagawa ko dahil alam kong malaki ang kasalanan ko. At para na rin iparamdam sa kanya na mahal ko sya.

Pero siguro kailangan na muna naming huminga mula sa isa't isa. Mukhang pareho na lang namin nasasaktan ang isa't isa.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon