Chapter 32

4.8K 53 0
                                    

JENNIE'S POV

One week na ang nakalipas magsimula nang magresume ang klase. One week na rin ang nakalipas magsimula nang simulan kong ligawan si Lisa. But it's clear na things are not working between the two of us. Kailangan muna naming huminga mula sa isa't isa. Or maybe, just maybe, we're not really meant for each other. Wala nang ibang nangyari kung hindi masaktan kami dahil sa isa't isa.

Buo na ang loob ko magsimula kahapon nang makita ko silang dalawa ni Daisy na masayang magkasama na itigil na ang lahat, tititigilan ko na ang panliligaw sa kanya. Kung kami talaga, kami talaga. Tadhana na siguro ang gagawa ng paraan para magkaayos kami balang araw.

15th day of January 2019, Tuesday. Kasama ko ang buong barkada ngayon liban kay Beatriz. Nauna na kasi sya sa amin dun sa resort nila sa Zambales. Gusto na muna naming mag unwind. Ay mali, gusto ko na munang mag unwind at dahil supportive silang mga kaibigan sasamahan nila ako kahit kakailanganin din nilang mag absent sa school.

Biglaan lang din kasi ang gala na 'to kaya hindi masyadong naplano. Hindi nga namin alam kung ilang days kami mag i-stay dun sa resort nina Beatriz. But yeah, meron naman isang siguradong plano. To enjoy and forget about other things for a while.

"Pakiss na kasi babe." Maharot na sabi netong si Xyrene kay Samantha. Silang dalawa kasi ang katabi ko ngayon dito sa van papuntang Zambales. Gusto ko na nga silang sipain palabas dahil kanina pa naghaharutan. Hayst.

"Pwede ba guys!? Hayst. Nakakaumay kayo." Naiiritang sabi ko sa kanila.

"Inggit ka lang kasi wala kang jowa. Walang yumayakap sayo ngayon. Walang humahalik sayo. Walang nanlalambing. Bleh!" nang-aasar na sabi nya. "Diba Chels?" Dugtong pa nyang sabi nang bumaling ang tingin ni Chelsea samin habang tumatawa.

"Naman!" pagsang-ayon naman nya. Edi kayo na may jowa. Umirap na lang ako.

Pano naman kasi 'tong si Chelsie sinama rin nya ang kanyang jowa. Nakakabadtrip naman kasi si Beatriz, bakit hindi na lang sya sumabay sa amin. Napakasipag naman kasi, sya pa talaga ang mag aayos ng tutuluyan namin doon.

"Pag ako talaga nagkajowa. Who you kayong lahat sa akin. Hintay lang kayo dyan." Mayabang kong sabi sabay crossed arms.

"Talaga ba? Jusko Jennie Ruby Jane wala ka ngang kwents na manliligaw eh. So paano ka magkakajowa? Ikaw nga lang ang kilala kong manliligaw na nang ghost ng nililigawan nya." Natatawang sabi ni Xyrene dito sa tabi ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"What?" dugtong pa nyang tanong kaya lalo ko lang syang sinaaman ng tingin.

"I have my reasons. You know that." Di na nya ako pinansin sa sinabi ko at pinagpatuloy na lang ang panghaharot sa kanyang girlfriend. Samantalang ako naman natulog na lang buong byahe.

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na kalabit sa braso ko. "Nandito na tayo. Sunod ka na lang sa amin ha." Sabi ni Xyrene pagkatapos ay bumaba na para sumunod na kina Samantha na dala-dala na ang kanilang mga gamit.

Binitbit ko na rin ang mga gamit ko para sumunod na sa kanila. Sinalubong ako ng fresh na hangin pagkababa ko sa van.

Pumikit muna ako saglit para ifeel ito. At ipinapaalala sa sarili ko na dapat after ng trip na 'to wala na yung bigat na nararamdaman ko. I'm going to exhale and leave everything here.

"Ouch!" sabi ko sabay pout dahil may pumitik sa noo ko.

"Ano pa ba kasi ang itinatayo-tayo mo dyan ha? At nakapikit ka pa. Para kang tanga HAHAHA." Konti na lang talaga bingo na 'tong si Xyrene sa akin. Akala ba nya hindi ko napapansin na napapadalas na ang pagiging hard nya sa akin. Kainis.

"So wala ka talagang balak gumalaw dyan ha? Hinihintay na nila tayo dun oh." Nakapamewang lang sya habang parang inip na inip na sa paghihintay sa akin. Kinuha nya ang mga bitbit kong gamit tsaka na tumalikod sa akin para maglakad kaya naman sumunod na ako.

"Ang tagal nyo naman. Naghihintay na ang pagkain sa atin." Salubong na sabi sa amin ni Chelsea. Naabutan namin silang nakaupo na kaharap ang mga pagkain.

Nandito kami ngayon sa parang open open na kubo? Basta gawa sa dayami ang bubong. Kawayan ang sumusuporta dito. Gawa rin sa kawayan ang mesa maging ang mga upuan na pahaba.

Pero kakain na ba talaga kami? Wala na talagang pahi-pahinga? HAHAHA. Sabagay lunch time naman na kasi at siguro kanina pa pinrepare 'to ni Beatriz.

Napadako ako nang tingin kay Beatriz at napako ako sa pagkakatayo ko nang makita kung sino ang katabi niya.

Gago ba talaga ang mga kaibigan ko? Shit. No. Never again. Last time na hindi nila sinabing makakasama namin si Lisa may nangyaring hindi maganda.

Okay. I'm not talking about that thingy na ginawa namin. Because I swear, that is one of the best things that have ever happened to me. I'm talking about our conversation after that.

Naaalala ko pa rin kasi yung sinabi nya sa akin na sana hindi na lang nya ako nakilala. Yun na rin kasi yung time na nagsimula syang umakto na parang wala na lang talaga ako sa kanya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Lisa. Dahil kung ang mga kaibigan ko ang tatanungin ko alam kong magkikibit balikat lang sila.

"Aba malay ko. If I know pinakidnap mo lang ulit ako." Masungit na sagot nya.

"Duh. You wish!"

"As if naman Jennie Ruby Jane."

"Problema mo sa mahaba kong pangalan, Lalisa!?"

"Wala akong problema sa pangalan mo. Sayo meron kaya tigil-tigilan mo ako."

"Inaano ba kita? Ako ang tigilan mo."

"Hep hep hep. Sumasakit ulo ko sa inyo guys. Para kayong aso't pusa. Tumigil nga kayo, wala namang kwenta pinagtatalunan nyo eh." Awat sa amin ni Xyrene na may hand gestures pa.

"SYA KASI!!!" sabay pa naming sabi ni Lisa at pareho pang tinuro ang isa't isa.

"Naks. Syncing." Rinig kong sabi ni Beatriz.

"Pwede bang kumain na tayo? Gutom na kasi ako eh." Dahil sa sinabi ni Chelsea nagscan ang mga mata ko ng vacant na pwesto para umupo na, ako na lang kasi ang nakatayo. Pero pag minamalas nga naman, medyo makakaharap ko pa si Lisa sa bakanteng pwesto.

Dalawang mahabang upuan lang kasi ang meron at tig apat lang ang pwedeng umupo bawat upuan. Nakaupo sa isa sina Samantha, Xyrene, Lisa at Beatriz, respectively. Nakaupo naman sa isa si Chelsea at ang kanyang girlfriend na katapat sina Samantha at Xyrene. Kay beatriz na lang ako tatapat.

Di man lang nila ako hinintay na makaupo bago sila magsimulang kumain. Hmp, kainis. Kaya umupo na ako para makakain na rin. Nakalagay lang sa dahon ng saging ang pagkain namin at walang kutsara't tinidor. Sanay naman na kami sa ganito.

Ang sarap ng pagkain. May maalat na itlog, fried chicken, pritong tilapia, chicharon at kung anu-ano pa tapos may kamatis din. Sarap na sarap ako habang kumakain at nakalimutan kong may asungot nga pala kaming kasama. Nakangiti pa ako not until kunin ko yung pritong tilapia na hawak hawak din pala nya.

Nakakunot ang noo ko habang nakikipagsukatan ng titig sa kanya. No, hindi ko bibitawan ang tilapia. Ako ang unang kumuha neto.

Mas lalo pang sumama ang tingin nya sakin nang akma kong hilain ang tilapia kaya tinaas ko ang isang kilay ko. Parang balewala lang sa kanya ang ginawa ko dahil nakuha pa nyang mag make face na ikinainis ko pero ayokong ipahalata sa kanya.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa tilapia dahil sa ginagawa nya ngayon. Ipalobo ba naman nya ang pisngi nya na parang ginagaya ako dahil puno ng kanin ang bibig ko. She's now giving me this kind of look na parang sinasabing 'oh c'mon, I know I'm already winning.'

"Alam nyo kung nagsasalita lang yang tilapia kanina pa sya nagreklamo sa kabilawan nyo. Tignan nyo nga lasog lasog na oh." Hay thanks God. Beatriz saved me from losing this battle with Lisa.

Pareho na lang naming binitawan yung tilapia. Pero hindi nakakaiwas sakin yung mga masasama nyang tingin kaya ginagantihan ko sya ng pagtaas ng kilay.

"Lumipad sana yang isa mong kilay dahil sa kakataas mo." Patay malisya nyang sabi pero halata namang pinaparinig nya sakin.

"Lumuwa sana mga mata mo dahil sa kakatingin mo nang masama." Ganti ko.

"Wow. Akala mo naman kasi sya yung sinabihan. Assuming masyado." Gaya nang inaasahan, di sya magpapatalo. Aba syempre mas hindi ako magpapatalo.

"Wow. Akala mo naman sya rin yung sinasabihan. Assuming din masyado." Paggaya ko sa sinabi nya pati na rin sa pagsasalita na ikinainis nya.

Mabilis nyang itinago ang pagkainis nya para hindi ipahalata sakin kaya nagmake face sya. Hmp! Alam na alam talaga nya kung pano ako inisin.

Nainis ako sa ginawa nyang pag make face kaya dinampot ko yung kamatis at akmang ibabato ko na sa kanya kaya tinakpan nya ang kanyang sarili gamit ang mga kamay nya. Ibabato ko na sana kaso may biglang nagsalita. Panira naman eh!

"Wag nyo akong yamutin. Pag hindi ako nakapagpigil baka pag untugin ko kayong dalawa." Inis na sabi ni Xyrene samantalang yung iba naman natatawa lang.

Para lang kaming aso't pusa hanggang sa patapos kaming kumain at iligpit ang pinagkainan. Bakit ba kasi nandito sya? Balak kong mag unwind at magrelax dito, okay? Pero parang mas lalo pa akong nai-stress. Baka hindi pa masulit ang pag absent ko sa school dahil sa kanya. Kainis!

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon