Chapter 30

5.3K 61 1
                                    

JENNIE'S POV

Parang bumalik na ulit kami sa dati. Same routine. Ang kinaibahan lang, ako lang ang sweet hayst. Paano naman kasi sobrnag cold pa rin ng pakikitungo nya sa akin. Pero hindi ako susuko hanggang sa maprove ko sa kanya na ginagawa ko ang lahat ng ito to win her back at mafeel nyang mahal ko sya.

Di gaya ng dati, ako na ang naghihintay sa kanya sa may gate every morning. Hayst. Yes guys, that's right. Kaya ang aga ko nang gumising ngayon kasi dapat mauna ako na makarating sa school kesa sa kanya. Sabay kaming naglalakad papasok ng school pero hindi ko sya hinahatid sa room nila dahil ayaw nya. Sabay kaming nagllunch lagi. Ayaw nga nyang sumabay sa akin eh. Pero wala syang choice dahil kinukulit ko sya hanggang sa wala na syang nagawa kaya pumayag na lang din. Di ko na rin sinusundo sa room nila after class. Hintayin ko na lang daw sya sa parking area.

Last time kasi na sunduin ko sya ulit sa room nila nagalit sya sakin. Pinagtaasan pa nga nya ako ng boses dahil sa inis. Pero nag sorry naman sya kaagad, ayaw lang daw kasi nya na mabastos ako ulit. Honestly, lalo akong lumambot nun sa kanya. Kasi alam kong nagccare pa rin sya sakin. Lalo pa akong naging desidido na ligawan sya.

May area sa school na may maraming table with chairs. Yung gawa sa bakal? Nakadugtong yung upuan sa table tapos may bubong din. Basta ganon. Tapos malilim din kasi surrounded with trees. Kaya na rin siguro tinawag na tree park 'to dahil maraming puno. Intended yung area para sa mga estudyante na gustong magreview or gustong tumambay lang ganon kasi walang mapuntahan.

Pinuntahan ko si Lisa dito kasi nagrereview sya for their exam later. Dinatnan ko sya na seryosong nagbabasa. Nakapatong ang siko sa mesa habang sinasalo ng kamay nya ang kanyang noo.

"Take this" nilagay ko sa harapan nya ang strawberry smoothie tsaka na umupo sa tabi nya.

"Thanks" tipid nyang sabi at tumingin lang saglit sa akin tapos ay nagbasa na ulit.

Tinititigan ko lang sya habang busy sa pagrereview. Dati hindi ko masyadong nagagawa sa kanya 'to. Hindi ko sya masyadong natititigan kasi sya madalas ang gumagawa neto sakin hahahaha charot. Pero seryoso, ngayon ko lang nagagawa sa kanya 'to. Pati maging sweet sa kanya. At ang sarap sa pakiramdam na malaya ko nang ipafeel sa kanya ang nararamdaman ko. Kasi dati may pumipigil sa akin na maging sweet sa kanya. Hindi pa naman kasi ako sigurado nun kung nakapag move on na talaga ako kay Jisoo. At kung mahal ko na ba talaga sya.

Ngayong pinaparamdam ko na sa kanya sana lang ramdam nya. Sana mapawi ko na yung sakit na ipinaramdam ko sa kanya. Sana mapatawad na nya ako.

Tinititigan ko pa rin sya at hindi ko maiwasang mapangiti sa loob loob ko. Mukha syang angel. Ang haba ng mga pilik mata nya na lalong nagpapaganda sa eyes nya. Ang cute cute ng nose nya parang ang sarap pitikin. Ang soft din tignan ng lips nya na soft naman talaga dahil ilang beses ko nang nafeel sa lips ko HAHAHAHA

Nakita ko syang ngumisi after sipping her strawberry smoothie dahilan para umiwas na ako ng tingin. Hmp. Napansin siguro nya na nakatitig ako sa kanya.

Patay malisya naman syang tumingin sakin tsaka nagsalita. "Uhm. Tapos ka na?"

"Tapos saan?" nagmamaang-maangan kong tanong.

"Sa pagpapantasya sakin" kibit balikat nyang sabi na walang emosyon. Kelan ba sya babalik sa dati? :(

"Hmp! Feeler." tapos naalala ko bigla na bumili nga pala ako ng chocolates kanina kaya kinuha ko sa bag ko.

"Lisa, here oh. Kainin mo dali. Sabi nila maganda raw na kumain ng chocolates habang nagrereview." sabi ko sa kanya habang nakangiti nang mas matamis pa kesa sa chocolates hahahaha

Kinuha naman nya tsaka kinain. Anubayan tagal nya magreview. Kaya ako heto tinititigan lang sya o kaya nakikibasa sa nirereview nya hanggang sa inihiga ko ang ulo ko sa aking bag na nakapatong sa mesa.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon