Chapter 27

4.7K 61 7
                                    

JENNIE'S POV

*continuation of flashback*

Habang pauwi ako di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Sumasakit ang ulo ko dahil sa mga nangyayari. Oh gahd pls. Pano ko sasabihin 'to kay Lisa. Pano ko sasabihin na bumalik na si Jisoo. At lalong sumasakit ang ulo ko dahil kay Papa. Di ko rin maitatanggi na galit ako sa kanya.

Pag siniswerte ka nga naman oh. Mukha pa talaga kaagad ni Papa ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa loob ng bahay.

Alam kong may sinasabi sya pero di ko lang talaga maintindihan dahil lutang ako kaya di ko sya pinapansin at tuloy tuloy lang sa paglakad papunta sa taas para pumasok na sa kwarto ko.

Naramdaman ko na lang bigla na mayroong kamay na humawak sa braso ko. "Kailan ka pa natutong bastusin ako? So disrespectful."

Paglingon ko sa kanya, isang galit na mukha ang nakatitig sa akin pero hindi ko hinayaang magpadala dito at matakot.

"Alam ko na ang lahat, Pa." mahinahon lang na sabi ko sa kanya na dahilan para matigilan sya.

"Know about what?" Not now, Pa. Please lang. Hay, umaakto pa na parang walang alam. I don't have time for this kind of drama. Masyado nang masakit ang ulo ko.

"Your agreement with Jisoo." mahinahon ko pa ring sabi dahil pakiramdam ko wala akong energy para makipagtalo.

"What agreement?"

Fuck. Kasasabi ko lang na wala akong oras para sa gantong kadramahan. Nainis na ako at parang nangingibabaw na ang galit. "Seriously, Pa!? Can you please stop acting as if you don't know about anything!!? I've had enough for this day. Just please!?"

Napabuntong hininga na lang sya bago ipaliwanag ang lahat. Nagtugma naman lahat ng sinabi nya sa mga sinabi sakin ni Jisoo.

"I'm sorry, 'nak. I'm really sorry. Hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa yun. Mapapatawad mo pa naman si Papa, diba?" malungkot nyang sabi habang nakatitig sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya napayuko na lang ako dahilan para hawakan nya ang baba ko para itaas ang mukha ko at tignan sya.

"I'm sorry. Alam ko kung gaano ka nasaktan. Hindi mo alam kung gaano rin ako nasaktan bilang ama mo habang nakikita kita na nasasaktan. Kaya sinubukan kong gawan ng paraan kaso di ko sya macontact."

Malungkot na nakatitig lang ako sa kanya at wala pa ring lumalabas na salita sa bibig ko kaya nagpatuloy sya sa pagsasalita.

"Di ko tinigilan ang pag contact sa kanya not until dalhin mo dito sa bahay si Lisa at ipakilala sa amin. Nakita ko na masaya ka sa kanya. Alam kong napapasaya ka nya nang sobra. Masaya na kayo sa isa't isa kaya hinayaan ko na lang kayong dalawa."

"Pero Pa. Si Jisoo, paano naman si Jisoo? Pinalayo mo sya at hindi ka pa nakakahingi ng tawad sa kanya tapos hinayaan mo na ako sa iba." Hindi naman sa nag ddisagree ako sa sinabi nyang masaya ako kay Lisa. Masaya ako with her, I swear. I just find it unfair to Jisoo.

"I'll make it up to her. Sana mapatawad nya ako. At mapatawad mo rin ako." nilapitan nya ako para bigyan ng halik sa noo. Hindi ko naman kayang magtanin ng sama ng loob sa kanya. Nakaramdam ako ng galit pero hindi ko naman hahayaan ang galit na yun para masira ang relasyon ko kay papa. Naiintindihan ko rin naman sya sa ginawa nya bilang ama.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon