Chapter 3

6.4K 91 3
                                    

LISA'S POV

Tinext ko si Cindy na hindi ako makakapasok sa mga susunod naming klase. Nabanggit din ni Jennie na hindi sya pumasok kanina sa first class nya dahil late na nakarating sa school kaya pala hindi ko nakita kanina. Pinilit lang din daw nyang pumasok dun sa iba pa nyang klase pero ngayon ay hindi na raw talaga nya kayang pilitin ang sarili nya na pumasok sa natitira pa nyang klase after lunch. Kailangan daw muna nyang huminga.

Ngayon ay balak ko syang dalhin dun sa isang tahimik na parke na alam ko. Wala rin kasing masyadong tao na nagagawi roon. Malawak, maraming puno kaya malilim, may damo rin na pwedeng higaan.

Bago kami makarating doon ay hininto ko muna ang sasakyan ko sa gilid para bumaba at bumili ng pwedeng kainin. Di pa kumakain si Jennie kaya siguradong gutom na ito.

Bumili lang ako ng bottled water tsaka sandwich at mabilis nang bumalik sa sasakyan.

"Jennie, kain ka na muna oh" sabi ko sabay abot sa kanya ng sandwich na binili ko. "Heto rin ang tubig"

"Wala pa akong ganang kumain eh" sabi nya habang nakatingin lang sa may labas ng bintana ng sasakyan.

"Eyyy" suyo ko naman sa kanya "kain ka na, please?" pero hindi pa rin talaga sya lumilingon sa akin.

"Okay ganito. May joke ako sayo. Pag havey kailangan mo nang kumain. Kailangan mong ubusin 'tong binili ko. Deal?" pagkasabi ko naman nun ay kaagad syang humarap sakin.

"Okay, deal. Sigurado ako waley yan." sabi nya at mapapansin mong walang bakas ng saya ang kanyang mukha.

"Anong isda ang may maraming butas?" Tanong ko na sobrang sigla.

"Uhm. Ano?" Wala pa ring emosyon na tugon nya.

"Edi, fishnet hahahahahaha" Napapapikit pa ako sa katatawa at naramdaman ko na lang na may tissue na dumapo sa mukha ko.

"Ang bad neto. Binato pa ako ng tissue. Bakit di mo na lang sabihin na havey ang joke ko hahahahaha" sabi ko. Alam kong kahit papano napangiti ko sya. Hindi man abot sa mata yung ngiti nya pero okay na yun. Ang importante ay napangiti ko kahit papano at kakain na sya.

"Hindi naman kasi havey eh. Corny mo. Waley yung joke kaya natawa ako tsaka ang lakas kasi ng tawa mo." sabi nya na nakangiti.

"Pano ba yan? I don't accept that kind of excuse. Ngumiti ka kaya ibig sabihin nun havey. Kainin mo na to" sabay abot sa kanya ng sandwich na natatawa pa.

"Maduga. Oo na." Sagot nya na naka pout pa. Ang cute naman neto kaya kinurot ko ang pisngi nya na lalong nagpa pout sa kanya. Tapos ay kinuha naman na yung sandwich. At ako naman ay nag drive na papunta dun sa park.

Mabilis lang kaming nakarating sa park at tapos na rin kumain si Jennie. Mabuti naman at naubos nya. Bumaba na ako at mabilis na umikot para pagbuksan sya ng pinto.

"Tara na doon" sabi ko habang nakaturo dun sa may lilim.

"You fine?" Tanong ko kaagad pagkaupo namin sa may ilalim ng puno. At tinignan ko sya sa mata. 'Kailan ko kaya makikitang masaya ang mga matang 'to?' tanong ko sa isip ko.

"Kahit papaano gumaan naman na ang pakiramdam ko" sabi nya habang nakatingin din sa mga mata ko pero umiwas din kaagad ng tingin.

"Ang sakit maiwan sa ere" simula nya habang nakatingin sa malayo. "Ang sakit na ni isa dun sa mga pangako nya walang natupad. Wala syang tinupad. Ang sakit na lahat ng ayaw nyang mangyari sakanya ay sakin nya ginawa. Ang sakit na lahat ng hate nya na gawin sa kanya ng ibang tao ay sya ang gumawa. Ang sakit na pagkatapos ng lahat ng mga ginawa ko para sakanya ganun ganun na lang. Ang sakit na kung kailan sa wakas okay na lahat at sobrang saya na namin tsaka naging ganun." tuloy tuloy na sabi nya habang nakatingin pa rin sa malayo. Ibinaling naman nya bigla sakin ang kanyang tingin at ngumiti nang mapait.

"She promised me that she will never leave me. She promised me that she will never hurt me. She promised me that she will never make me cry. But look, she left me hanging and I'm now hurt. Really hurt that I can't stop from crying. Fuck promises. Fuck shitty promises. Fuck her shitty promises." habang sinasabi ang mga 'yon ay nag uunahan na naman ang mga luha nya.

"And what is worse? I've never imagined that she is capable of doing that. I've never imagined that she will break all her promises. Because I once asked her kung ano ang mga kinakatakutan nya, mga bagay na ayaw nyang mangyari sa kanya, mga bagay na hate nya na gawin sa kanya. And she told me that she is afraid to be left hanging. That she don't want to be left and feel like she's abandoned. That she hate that feeling. Feeling unworthy. But look, sakin nya ginawa." hawak hawak nya ngayon nang mahigpit ang kanyang damit na malapit sa dibdib na animo'y sinasalo ang kanyang puso dahil baka mahulog na ito sa sobrang sakit na nararamdaman.

"She left me. She left me hanging. She left me without words." at mas lalo pang humagulgol sa pag-iyak. "Ang tagal ko syang ipinaglaban sa mga magulang ko. Ang tagal naming hinintay na matanggap nila kami. Kung kelan natanggap na nila kami at naging masaya na nang buo para sa amin tsaka pa sya nang iwan at wala pang pasabi. Sobrang sakit dahil di ko man lang alam ang dahilan." Pagkasabi nya nun ay mas lumapit pa ako sa kanya para yakapin sya. Nasasaktan ako na nasasaktan sya nang sobra. Kung pwede ko lang hugutin yung sakit na nararamdaman nya at palitan ng saya ginawa ko na ito. Hinigpitan ko pa ang pagyakap ko sa kanya at itinaas baba ang aking kamay sa may likuran nya para kahit papano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

Bukod sa sakit na nararamdaman ko ngayon dahil nakikita kong nasasaktan sya. May galit din akong nararamdaman. Galit sa ex nya dahil sa ginawa nito. Nakakatulog pa ba sya tuwing gabi sa ginawa nyang iyon?

"Iiyak mo lang yan. Para mabawasan yung bigat na nararamdaman mo. Andito lang ako ha? I don't have any idea kung ano ang reason nya kung bakit nya ginawa yon but I'm hoping na isang araw ay maging 'man enough' sya para harapin ka at ipaliwanag lahat. Para masagot na rin ang mga tanong sa isip mo. Para ma-heal na yung mga sugat dyan sa puso mo." Kumalas na ako sa pagkakayakap at hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi. Pinunasan mga luha nya gamit thumb ko at tinitigan sya sa mga mata.

"Tahan na ha? Andito lang ako. Hindi kita iiwan hanggang sa maging okay ka na. Gagawin ko yung best ko para mapasaya ka." sabi ko habang nakatitig pa rin sa mga mata nya at ngumiti ng matamis para ipakita na sincere ako sa pagsabi ng mga yun. I also kissed her forehead.

Nasasaktan ako na nasasaktan sya. At nasasaktan din ako dahil ngayon pa lang alam ko nang wala akong pag-asa sa kanya. May mahal syang iba. May mahal pa syang iba. Sigurado ako na mahal nya pa ang ex nya dahil hindi sya masasaktan nang ganto kung hindi na nya mahal. Pero kahit alam kong walang pag-asa, hindi ko sya iiwan. Mas lalo ko pang pipiliin na manatili sa tabi nya dahil alam kong ngayon yung oras na kailangan nya ng tao na sasamahan sya. Siguro isasantabi ko na lang itong nararamdaman ko sa kanya.

She held my hands and looked at me sincerely "Thank you, Lisa. Thank you for being here with me. Kung tutuusin di mo naman kailangang gawin to pero ginagawa mo pa rin."

"No worries. I got you, okay?" at pinisil nang bahagya ang kanyang kamay at ngumiti nang matamis.

"Tara na" sabi ko sabay tayo at inalalayan na rin sya sa kanyang pagtayo.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon