Chapter 39

5.6K 65 10
                                    

LISA'S POV

Nang tawagin ko si Jennie sa loob ay umalis na kami para gumala. Okay na rin 'to para makita niya ang lugar namin.

"Insan sama naman ako sayo minsan sa Manila para makahanap ako ng chics." Biglang sabi ni Miguel habang naglalakad-lakad kami.

"Magbago ka na. Please lang." parang nagmamakaawa ko pang sabi sa kanya HAHAHA

"Matuto ka na kasing magseryoso" dugtong ko pa.

"Wait lang insan. Mukhang nahanap ko na ang seseryosohin ko." Tuwang-tuwa nyang sabi at parang nagniningning pa ang mga mata.

Sinundan ko naman ang tingin nya at nakita si Daisy na papalapit na sa amin. Naramdaman ko namang parang humigpit ang pagkakahawak ng kamay na kanina pa nakahawak sa braso ko.

Tinignan ko ang may-ari ng kamay at sumalubong sa akin ang mukha ni Jennie na hindi mawari. Uh-oh, nalagot na.

"Hi, Lisa. Umuwi ka rin pala." Rinig kong sabi ni Daisy kaya binaling ko ang tingin ko sa kanya.

"Ah- eh- uhm oo. Sayang din kasi eh. Wala namang klase kaya naisip ko na umuwi na lang muna dito."

Parang mas lalong humihigpit ang hawak ni Jennie sa braso ko. Okay, oo nga pala, di ko pa nababanggit sa kanya na dito na rin nakatira sina Daisy at nagkita kami nung Christmas vacation.

"Oo nga. Madalang lang yung mga gantong pagkakataon HAHAHA." Itong pinsan ko naman sa tabi ko grabe kung makatitig habang nagsasalita si Daisy.

"Daisy, si Jennie nga pala.Tsaka pinsan ko, si Miguel." Pagpapakilala ko sa mga kasama ko. "And guys, si Daisy."

Mabilis pa sa alas kwatro ang pakikipagkamay ng pinsan ko kay Daisy samantalang si Jennie halos di nya abutin ito.

Nakipagkwentuhan pa ako saglit kay Daisy. Panaka-naka ring nagtatanong si insan pero si Jennie tahimik lang sa tabi ko. Pagkatapos ay gagala pa sana kami kaso nagyaya nang bumalik sa bahay ang mahal ko na sobrang tahimik ngayon. Hayst.

"Love, pasok lang muna ako sa kwarto." Walang emosyong sabi ni Jennie nang makarating na kami sa bahay.

Sinundan ko naman sya to talk about it, if what is the matter.

"Eyy love, are you mad?" paglalambing ko sa kanya.

"I am not"

"Seems like you are"

"I said I am not" pero wala pa rin syang pinapakitang emosyon.

"Oh, maybe you are jealous" pang-aasar ko sa kanya na dahilan para irapan nya ako.

Di pa rin sya kumikibo kaya nilapitan ko na sya at umupo sa kama katabi nya.

"I love you" I sincerely said nang yakapin ko sya sa bewang at ipinatong ang aking baba sa kanyang balikat.

"I love you. And I'm sorry. It's just that, I wasn't comfortable a while ago." Sabi nya at humarap sakin.

We did talk about things. Kinwento ko sa kanya na dito na nga sila nakatira. Kinwento ko rin yung pagkikita namin nung Christmas vacation na dahilan bakit ko sya tinulangan sa project nila nun. Naging vocal din si Jennie sa nararamdaman nya. That she's somehow jealous and kind of mad.

Nakakatuwa kasi alam kong we're getting mature. Hindi kagaya dati na hindi kaagad pag-uusapan ang mga bagay-bagay tapos lumalala ang di pagkakaintindihan.

I know that we're already getting there. We're learning now huh.

---------------

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon