Chapter 23

4.6K 59 1
                                    

A/N: Ang shunga, ngayon ko lang napansin na epilogue pala yung nilagay kong title dun sa first page instead of prologue HAHAHAHA pero pinalitan ko naman na guys hehe

---------

LISA'S POV

First friday of December na, ibig sabihin 1 week na lang at Christmas vacation na namin.

Hayyy. Napabuntong hininga na lang ako nang maisip na kabilang ako sa samahan ng mga malalamig ang pasko. Akala ko pa naman magiging special ang Christmas ko this year. Ang dami ko kasing plans sa vacation with Jennie. Ni isa sa mga yun walang matutuloy. Pero yung pag-uwi ko sa Pampanga, ayun tuloy na tuloy. Miss ko na rin kasi sina Mama.

"Lalim naman yata ng iniisip mo bes. Baka malunod ka nyan." sabi ni Cindy sakin nang makalapit sya sa pwesto ko at umupo sa tabi ko. Nasa loob kami ngayon ng classroom namin. Hindi daw makakarating si prof. Buti na lang dahil tinatamad akong makinig sa lessons ngayon. Hay.

"Wag kang mag-alala marunong naman akong lumangoy." tumingin lang ako sa kanya tsaka nagpakawala ng mahinang tawa. Tapos ang babaeng 'to naman hinampas ako sa braso. Napaka sadista eh parang si ano. Ano ba yaaan. Hindi sya mawala wala sa isip ko. Kainis!

"How are you?" seryosong tanong nya sa akin. Luminga linga naman ako sa paligid para tignan kung marami bang tao ang nandito ngayon. Hindi pa kasi namin napag-uusapan ng bestfriend ko ang tungkol dito. Kaya naman tinignan ko kung maraming tao baka kasi maiyak ako habang pinag-uusapan namin ni Cindy ang mga bagay bagay. Syempre ayoko naman na may maraming makakita na umiiyak ako. Buti isang grupo lang ang nandito ngayon bukod sa aming dalawa ng bestfriend ko.

"Uhm. I guess, I'm good?" kibit balikat kong sagot sa kanya.

Umiling iling lang sya at alam kong hindi sya naniniwala sa sagot ko. Sya pa? Kilalang kilala na ako neto. "You can't lie to me." nag iwas lang ako ng tingin sa kanya dahilan para magsalita ulit "What now, bes? Hay. Sige if ayaw mo talagang pag-usapan."

"Honestly, sobrang sakit bes. Sobrang sakit." tinatap ko ang mga daliri ko sa arm desk para pakalmahin ang sarili ko at hindi maiyak.

Naramdaman ko ang kamay nya sa likod ko. She's caressing it to comfort me "Alam mo namang lagi akong willing makinig diba? Kaya kung gusto mong magkwento para kahit papaano mabawasan yung bigat na nararamdaman mo. Go lang bes"

"Doble doble yung sakit bes. Ang sakit kasi pinaniwala nya ako na mahal nya rin ako. Ang sakit kasi mahal nya pa pala ang ex nya. Ang sakit kasi panakip butas lang pala ako. Ang sakit kasi akala ko di nya ako magagawang saktan kasi alam nya kung gano kahirap na masaktan at hindi nya ipaparanas sakin yun."

"Alam kong alam mo that hurting is the shadow of loving. Nasasaktan ka ngayon but I will not tell you na kalimutan mo na sya at maging masaya na lang na wala sya kasi alam kong hindi ganun kadali. Instead, I'll ask you to feel the pain na muna. Kasi at least alam mong tao ka pa rin na nakakaramdam ng pain. Eventually, maffigure out mo rin kung bakit ka nasasaktan nang ganyan." tumango tango lang ako. Parang nauubusan ako ng salita. Wala akong masabi. Hinawakan ko lang ang kamay nya at pinisil ito. Alam nya na ang ibig sabihin nun, na sobrang thankful ako that I have a bestfriend like her.

"Pero ano ba ang balak mo ngayon? Wala na talaga? Finish na?"

Napaisip ako sa tanong nya. Gaya kasi nung inilagay ko dun sa sulat na pinabigay ko kay Jennie, maghihintay pa rin ako sakanya.

Binanggit ko sa bestfriend ko yung about sa letter "Kaya ayun, umaasa ako na sana bumalik sya sakin. Sana marealize nya na ako na pala talaga at hindi na yung ex nya. Sana bawiin nya yung sinabi nya sakin na hindi raw talaga nya ako mahal at minahal. Sana lang talaga. Hay." napabuntong hininga na lang ako kasi parang imposible pero syempre fighting pa rin "Kasi bes alam mo ba, tatanggapin at tanggapin ko sya basta bumalik lang sya kahit sobra yung sakit na binigay nya sakin." naramdaman kong may luha nang tumulo.

"Sobrang selfless talaga. Hay. Basta kung babalik man sya dahil ikaw na pala talaga ang mahal nya. Then go, susuportahan kita. Pero kung babalik lang sya dahil iniwan sya ulit or baka dahil naawa lang sayo, naku bes, alam mong never kitang susuportahan sa ganun. Self love na muna kung nagkaganon."

"Noted bes. Pero ayun nga, nandito na 'to. Sumugal na kasi ako, nasimulan ko na kaya ipagpapatuloy ko ang pag taya." pagkatapos ay binigyan ko lang sya ng tipid na ngiti.

"Basta nandito lang ako lagi ha. I got you, always."

Sobrang laking pasasalamat ko talaga na may bestfriend akong kagaya ni Cindy. I don't know how to get through this life without her. Kaya andito lang din ako lagi para sa kanya pag nagkakaproblema sya sa lovelife nya.

-------

"Lisa!" rinig kong tawag sakin bago magtungo sa aking sasakyan dahil balak ko nang umuwi.

Luminga linga naman ako at nakita si Xyrene na papalapit sa akin.

"Eyyy. Anong meron?" tanong ko sakanya dahil sa pagtataka kung bakit nya ako tinawag.

"Sama ka naman samin bago mag bakasyon. Miss ka na kasi ng buong barkadahan." may pagpupumilit nyang sabi. Pero buong barkadahan daw eh. So ibig sabihin kasama si Jennie. Kamusta na kaya sya? Di ko pa sya ulit nakikita eh. Miss na miss ko na sya. Para namang lumundag bigla ang puso ko sa ideya na makikita ko sya pag sumama ako kaya may ngiting sumilip sa labi ko pero kaagad din nawala nang maisip na baka kasama rin si Jisoo.

"Sino-sino ba ang mga kasama?" tanong ko sa kanya.

"Huh? Tayo tayo lang. Buong barkadahan nga."

"I mean, si Jennie. Baka may isama sya."

At mukhang nakuha naman nya ang ibig kong sabihin kaya nagsalita kaagad "Si Jisoo ba? May mga kachenahan pa yun sa school nila by that time kaya di makakasama. And by the way, dun lang naman tayo sa bahay nina Jennie."

"School nila?" napakunot ako ng noo.

"Uhm yeah? Why? Hindi mo alam na from other school sya?" napa 'oh' na lang ako. Kaya pala hindi talaga pamilyar ang mukha nya sakin. Never ko pa syang nakita dito sa school kaya nagtaka ako nung time na bigla bigla na lang syang sumulpot nang nagkakamabutihan na kami ni Jennie. Kasi diba? Within 3 months na okay kami ni Jennie wala akong makita ni anino nya dito sa school tas bigla biglang sumulpot at nung nga sumunod na araw di na naman mahagip ng paningin ko.

"Hindi ko alam eh" nahihiya kong sabi tsaka napakamot na lang sa ulo "Oo nga pala, anong araw ba tsaka anong oras?"

"So, go ka na?" nakangiti nyang tanong habang hinihintay ang sagot ko. Tumango na lang ako.

"Osige. Asahan ka namin ha. Sa Saturday, mga 6pm ganon. Sleepover tayo."

Umalis na sya pagkatapos naming mag-usap. Sa totoo lang di ko rin alam kung ano ba 'tong ginagawa ko. Kung ano ba talaga ang balak kong gawin. Malaki ang posibilidad na lalo lang akong masasaktan pero sige bahala na. Ready na ako ulit na makaharap sya. Nakaipon na ako ng lakas ng loob pagkatapos ng ilang araw na pag-iwas. Sana magkaron kaming dalawa ng pagkakataon na makapag-usap. Sana maayos pa namin yung sa aming dalawa. Alam kong binalikan na sya ng ex nya kaya sobrang liit na lang ng chance. But still, I'll give it a try.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon