Chapter 19

4.4K 60 0
                                    

LISA'S POV

Sobrang unforgettable nung 4 days trip namin ng love ko sa Baguio. After ng Baguio trip naming yun mas naging comfortable pa kami lalo sa isa't isa. Yung happiness ko halos di ko na nga macontain dahil parang to the highest level na.

Halos every day na kaming magkasama. During weekdays, yung classes lang namin ang nakakapagpahiwalay sa aming dalawa. During weekends naman, pupunta ako sa kanila or sya ang pupunta sa amin.

Pero sabi nga nila, after mong maging sobrang masaya asahan mo nang pagkatapos nito babawiin lahat at kabaliktaran na ang mararanasan mo.

-----

"Love here oh" tinatry ko syang subuan ngayon. We're currently having our lunch dito sa school cafeteria. Pero ayun, tinanggihan lang nya yung pagkaing isusubo ko sa kanya.

I feel like there's something wrong. Ilang araw na syang cold sa akin. Ilang araw na syang tahimik. Ilang araw na syang medyo distant. Ilang araw na rin na parang mga pilit na ngiti lang ang ipinapakita nya sa akin. Inisip ko na rin kung may oras ba na sa di sinasadya ay nagkita kami ni Daisy at baka nakita ulit kami ni Jennie, pero wala talaga. Dahil hindi ko pa sya nakikita ulit.

Gusto kong magtanong. Pero natatakot ako. Natatakot ako sa maaari nyang isagot. Mas gugustuhin ko na lang na ganito kami. Baka sakali pang bumalik kami sa dati. Kesa sa tanungin ko sya at tuluyan na nyang gustuhin na lumayo na lang muna kami sa isa't isa. Pinipilit ko ang sarili ko na baka pagod lang sya sa acads kahit na alam kong hindi at may ibang dahilan.

"Strawberry smoothie, love. Gusto mo? Bilhan kita. Mag take out ako hehe" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Okay na ako sa water" pilit na ngiti nyang sabi tsaka uminom.

"Dessert. Do you want any dessert? Pila ako dun. Bilhin ko kahit ano pa ang gusto mo" di pa rin nawawala ang ngiti sa mukha ko. I'm trying to make the atmosphere a lot less heavy. Ganto lagi ang scenario. I'm trying to crack a joke. I'm asking her if may gusto ba sya. I'm telling her random stories. I'm always showing her my sweetest smile. Every time na magkasama kami ganun ang ginagawa ko para lang hindi maging awkward at mabalot ng katahimikan ang paligid. Pero ang tanging natatanggap ko lang lagi? Pilit na ngiti, pag tango pag sumasang-ayon sya sakin at pag iling naman pag hindi.

Honestly, pinipilit ko na lang talagang ngumiti pero sa totoo lang masakit na. Mabigat na sa pakiramdam. Ano ba kasi ang mali? Nagsasawa na ba sya sakin? Siguro oo. Pero parang di ko kayang marinig sa kanya yun kaya ayakong magtanong.

I'm always at the edge of breaking down pag sinasagot nya ako with her cold voice na para bang wala lang ako para sa kanya.

"Wag na. I'm good." she said without looking at me.

"You sure? I'll buy anything pa naman para lang sa love ko." sabi ko sweetly with a smile then I rested my head on her shoulder.

Dito ako magaling, sa magpakawala ng magandang ngiti kahit na sa loob loob ko parang tinutusok tusok na ang puso ko sa sakit.

"Tara na. Baka ma-late pa tayo." hindi na nya pinansin yung sinabi and sweet gesture ko.

Nauna na syang tumayo at naglakad palabas ng cafeteria. Huminga muna ako ng malalim para makaipon ng lakas at nagpakawala ng hininga na puno ng sakit para naman mabawasan ito. Medyo nakakalayo na sya kaya tumakbo na ako para maabutan sya.

"Love! Hindi mo ako hinintay." nakapout kong sabi. Acting like there's nothing wrong between us. Tinignan lang nya ako na walang emosyon sa mukha at umiling-iling.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon