Chapter 4

5.4K 78 1
                                    

LISA'S POV

Pabalik na kami ngayon sa sasakyan ko para ihatid na sya sa kanilang bahay.

"Uy Lisa!" masayang tawag nya sakin na may kasama pang paghampas sa braso ko.

May pagkasadista rin tong babaeng to. Tsaka parang ewan. Kanina lang umiiyak ngayon naman ang saya saya. Pero syempre natutuwa ako na makita syang ganto ngayon.

"Lisa ano baaa" iritang sabi nya sabay pout dahil di ko pa sya sinasagot. Pasalamat sya at ang cute cute nya kundi tinapon ko na to, papalit-palit kasi ng mood.

"Anong ano ba? Ano ba rin. Wag ka ngang mag pout dyan baka halikan kita" tuloy tuloy na sabi ko at mahinang sinabi yung mga huling salita.

"Ha? Ano ulit sabi mo? Di ko narinig, ang hina naman kasi magsalita eh" irita pa ring sabi nya.

"Wala. Ano ba kasi yung sasabihin mo bakit tuwang tuwa ka at may pag hampas pa. Tapos ngayon irita na naman."

"May dumaan kasing ice cream. Di mo naman ako pinansin ayan tuloy wala na. Nakakainis ka." Sabi nya at nag pout ulit.

"Hahahahaha yun lang pala. Smile na dyan please. Bilhan na lang kita kahit ilang litro pa dyan ang gusto mo." Natatawa kong sabi kasi ang cute cute talaga nya. Ang sarap panggigilan.

"Heh. Di kita bati. Wag mo akong kakausapin." Pagsusungit nya. Tapos ay nagtuloy tuloy na sa paglalakad. Hay, bakit ang cute nya pa rin kahit nagsusungit. Binilisan ko ang paglalakad ko para maabutan sya. Nang nakalapit na ako sakanya ay inakbayan ko kaagad.

"Bati na tayo. Pleaaase. Bawi ako sayo. Dalhan kita maraming ice cream sa bahay nyo bukas tutal saturday naman walang pasok." Pagpapacute ko sa kanya.

Tinanggal nya ang pagkakaakbay ko sa kanya tsaka sya humarap sakin na naka pout. Shet naman Jennie wag kang ganyan baka halikan kita.

"You promise?" Sabi nya sakin na parang bata. But i find it really cute.

"Yes. Promise." Sabi ko naman at nagpakita ng matamis na ngiti. "Tara na hatid na kita sa inyo. Basta promise dalhan kita ng maraming ice cream bukas, okay?" Sabay akbay ulit sa kanya.

Sumakay na kami sa loob ng sasakyan. Sinabi nya na sakin kung san banda ang bahay nila. Tahimik lang ang byahe namin. Sumusulyap sulyap ako sa kanya. Hay, if I could just have this girl. Pero alam kong hindi mangyayari yun, hindi pa nga sya nakakapag move on sa ex nya eh. Sa ngayon, ang gusto ko lang mangyari ay ang mapasaya sya.

Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila. Mabilis akong bumaba at umikot para pagbuksan sya ng pinto. "Halika pasok ka muna sa loob" sabi nya pagkababa nya ng sasakyan.

"Uhm hindi na. Bukas na lang." sagot ko naman sa kanya.

"Sigurado ka ba? Ayaw mo bang magjuice muna?" Tanong naman nya sakin at umiling ako. "Wag ka nang mag abala. Bukas na lang, pupunta rin naman ako dito bukas."

"O sige. Basta text mo na lang ako bukas ha. Mag text ka pag papunta ka na." Ngayon naman ay tumango tango ako sa sinabi nya. "Yes ma'am. Noted." Sabay smile sa kanya at wink.

"Thanks for today Lisa." Sabi nya at tsaka nya ako binigyan ng mabilis na yakap. Nagbigla naman ako sa ginawa nya kaya hindi kaagad nakapagrespond ng salita.

Tinulak tulak naman nya ako papasok sa sasakyan. "Osige na sige na alis ka na. Uwi ka na." Napakamot na lang ako sa ulo at pumasok na sa loob ng sasakyan ko.

Nagpaalam na ako sa kanya at dumiretso na pauwi.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon