Chapter 10

5.5K 77 9
                                    

LISA'S POV

Naglakad naman na ako papunta sa building namin baka kasi ma-late pa ako sa class namin.

Thank God pagkarating ko sa room wala pa si prof.

Mabilis lang natapos ang first class namin tsaka na pumunta sa next class. At kagaya sa unang klase. Discuss, discuss, discuss. Tsaka na namin narinig ang professor na nag dismiss.

Nagpaalam na ako kay Cindy tsaka naglakad papunta sa building nina Jennie.

Kinuha ko phone ko para sana itext si Jennie pero sakto may message from her.

Lili, sa cafeteria mo na ako sunduin maaga kasi dismissal namin kaya pumunta ako dito, bumili ako ng water hehe"
received 3:41pm

Naglakad na ako papuntang cafeteria nang mabasa ang kanyang text.

Nakita ko naman sya kaagad na nakaupo dun sa usual table namin. Napangiti naman ako nang maalala yung araw na nagkakilala kami. Hindi maganda yung unang encounter namin since umiiyak sya nung time na makita ko sya but not until ilibre nya ako sa cafeteria. Yang inuupuan nya ngayon, yan yung pwesto kung san ko sya unang nakita na ngumiti tho hindi pa abot sa mata ang ngiti nya ng mga oras na yun.

Nakangiti tuloy ako habang palapit nang palit sa kanya dahil sa naalala ko.

"Baka mapunit na yang mukha mo sa sobrang lapad ng ngiti mo, Lili." natatawang sabi ng Nini ko pagkalapit ko sa kanya hahahaha. Masisisi ba nya ako? Eh I can't help myself but to smile every time I think of her.

"Ikaw kasi eh. Just the thought of you makes me smile." sabi ko sa kanya na todo pa rin ang ngiti.

"Then think of me often para lagi kang nakasmile. Nakakahawa yung smile mo eh. And you're prettier pag may ngiti dyan sa mukha mo." Namula ako dahil sa sinabi nya. Hinay hinay lang naman Jennie, kulay kamatis na ako.

"Are you blushing?" nang aasar na sabi nya sakin tsaka sya tawa nang tawa kaya lalo tuloy akong namumula.

"HAHAHAHA if you could only see your face right now, Lili. YOU LOOK LIKE A TOMATO" panggigigil nyang sabi habang kinukurot ang magkabila kong pisngi.

"Ikaw naman kasi eh. Pano ako di magmumukhang tomato, you're making me blush!" Sabi ko sabay pout.

"Aww. Are you even aware that you're super cute right now? You're like a tomato with a bangs HAHAHAHAHA" at lalo pang pinanggigilan ang pisngi ko.

"Heeeey. Can you stop that?" nakapout ko pa rin na sabi kasi ang sakit na ng pisngi ko at di ko na rin mahandle ang kilig dahil sa mga sinasabi nya.

"Nooo HAHAHAHA my cutie tomato" di pa rin binibitawan ang pisngi ko.

"Stop naaaa!"

"No!" pecks my nose
"No!" then pecked again my nose
"No! No! No!" then pecked again and again my nose

Fuck. Feel ko lalo yung pamumula ko.

"HAHAHAHAHAHAHA what a cute tomato. Tara na nga may date pa tayo eh." Sabay hila sakin para lumabas na ng canteen. Nagpapahila lang ako kasi feeling ko wala pa ako sa sarili ko, wala pa ako sa tamang katinuan. Gahd she's making me feel crazy.

Tahimik lang ako while driving samantalang sya di pa rin humihinto sa pang aasar sakin. She keeps on calling me tomato hanggang sa makarating kami sa mall :(

Mabuti naman at huminto na sya nung pumasok na kami at pumuntang sinehan.

"Anong gusto mong panoorin?" tanong ko sa kanya.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon