Chapter 9

5.1K 66 3
                                    

LISA'S POV

"Mukhang may Andres Bonifacio dito ah. Under~" patay malisyang sabi ni Xyrene pagkatapos ng bangayan namin ni Jennie.

"Parang ikaw lang" sabat naman ni Samantha dahilan para magtawanan ang lahat HAHAHAHA tignan mo nga yan, sya pala ang under.

"Ikaw pala ang under eh hahahaha hindi ako under. Sadyang pinagbigyan ko lang sya ngayon. Baka umiyak pa eh." nakangiti kong sabi at humarap kay Jennie tsaka ako nag wiggle ng kilay.

Inis pa rin ang mukha nya. Ano bang problema neto binigay ko na nga smoothie ko eh :(

"Yabang mo!" tsaka nya hinilamos ng bahagya ang kanyang kamay sa mukha ko.

"Ano ba!" may konting inis kong sabi na nakapout.

"Sinisigawan mo ako ha?" magkasalubong pa rin ang kilay na tanong nya.

"Ha? Ako? Sinisigawan ka? Symepre hindi! Hehe" malambing kong sabi.

Niyakap ko naman sya nang mahigpit tsaka isiniksik ang ulo sa may leeg nya. "Biro lang naman kasi Nini. Sorry naaaa. Please?"

Wala pa rin akong naririnig kahit isang salita galing sa kanya kaya naman iniangat ko na ang aking ulo at humarap sa kanya.

Kung kanina medyo may lakas pa ako ng loob na tarayan sya ng konti, ngayon naman ay parang maamong pusa na naglalambing. Ang sungit naman kasi ng prinsesa ko eh. Kanina lang ang clingy nya na todo pa ngumiti tapos ngayon wagas naman ang kasungitan. Pero syempre love ko pa rin sya. eehee eehee.

"Sorry na kasi. Smile ka na, please? Bati na tayo, Nini ko" nakapout kong sabi sa kanya.

"Oo na" cold nyang sabi

"Ihhh. Di mo pa rin ako bati eh." di pa rin nawawala ang pag pout ko.

"Bati na nga sabi" Kainis. Wala namang emosyon pagkakasabi nya eh. Di nya pa rin ako bati :(

"Smile na kasi ikaw. Bati na tayo." paglalambing ko at tinutusok tusok pa ang pisngi.

"Arte mo ha, Jennie!" natatawang sabi ni Beatriz sa tabi ni Jennie na may mahinang sabunot pa.

Nagtawanan silang lahat kaya natawa rin ako ng bahagya.

"Tawa ka naman dyan" masungit na sabi neto sakin.

"Magtigil ka nga dyan Jennie. Agawin ko yang si Lisa sayo eh. Pabebe ka masyado." Tumatawang sabi ni Chelsea.

"Heh! May jowa ka na. Ikaw ang magtigil dyan." Sabi nya sabay yakap sakin nang mahigpit. Ayon naman pala. Ayaw nya akong ishare eehee eehee. HAHAHAHA

"De, guys. Under lang talaga 'tong si Lisa kay Jennie. Kaya wala syang magawa eh hahahahaha" tawang tawa na sabi netong si Xyrene. Kaya ayan, ako na naman ang tinatawanan.

"Naman. Subukan lang talaga nya. Malalagot sya sakin." Sabat netong Nini ko na kumalas na sa pagkakayakap. Nubayan magsusungit na naman to kaya inunahan ko na. "Ihhh. Di na nga aangal eh." sabi ko sa kanya at itinaas pa ang dalawang kamay sign of surrender.

"See?" natatawa nanamang sabi ni Xyrene.

"Nagsalita ang hindi under. Pero de, prinsesa lang talaga natin sila diba? Kaya di na tayo umaangal." sabi ko kay Xyrene tsaka kami nag apir.

"Oo naman" sang ayon nya sakin tsaka umakbay kay Samantha.

"Ang sabihin nyo, brat lang talaga 'tong si Jennie at yang si Samantha." sabi ni Beatriz kaya tumawa kaming lahat liban kay Jennie at Samantha na masama ang tingin kay Beatriz HAHAHAHA

Asaran, pikunan, batuhan ng crumpled tissue pero nauuwi rin sa tawanan. Ang saya nilang kasama. They didn't make me feel na hindi ako belong sa friendship nila. They didn't make me feel na ngayon lang nila ako nakilala.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon