Chapter 20

4.7K 69 9
                                    

This chapter contains foul words so read at your own risk.

LISA'S POV

Balak kong dalhin sa isang restaurant si Jennie for our dinner date. Nakapagprepare na ako at nakapagbihis. Sunduin ko sya sa kanila before 6pm.

4pm pa lang ngayon kaya pumunta muna ako dito sa mall para bilhan sya ng something na magugustuhan nya. Honestly, hindi ko pa alam kung ano. Kaya naglalakad lakad ako ngayon para maghanap. I want to make this night special. I want to fix things between us. Sana pagkatapos ng gabing 'to maging maayos na ang lahat dahil sobrang miss ko na sya.

Sa loob ng department store ako ngayon naglalakad at nakakita ako ng stuffed toy na unicorn. Biglang nagliwanag yung ilaw sa ulo ko HAHAHA sigurado akong magugustuhan nya 'to dahil favorite nya ang unicorn!

Kinuha ko yung medyo malaki at pumunta na sa counter. Habang nagbabayad ako, nakita ko ang necklace ni ate na kaharap ko ngayon kaya bigla kong naisip na bilhan si Jennie.

Naglakad na ako palabas sa department store at naghanap ng pwedeng pagbilhan ng magandang necklace.

-----

"Ahh ito po ma'am. For sure magugustuhan po ito ng pagbibigyan nyo." sabi nung nag aassist. Kasalukuyan na akong pumipili ng necklace na ibibigay kay Jennie.

"Ah- uhm. Wala bang iba?" nahihiya kong tanong. Kanina pa kasi may sinasuggest 'tong si ate pero wala akong mapili. Gusto ko kasi sana yung simple lang pero maganda.

"Ma'am ganto po, gusto nyo? Ano po bang pangalan ng pagbibigyan nyo?" hawak hawak ni ate yung necklace na may pendant na letter A. Napangiti naman ako kasi nagustuhan ko.

"Meron po ba kayong letter J?" nakangiti kong tanong kay ate. Dahilan para ngumiti rin sya nang malapad HAHAHA siguro sinasabi nya ngayon sa utak nya na sa wakas nakapili na rin ako dahil pagod na sya. Sorry na ate, gusto ko lang kasi talaga yung magugustuhan ng mahal ko.

Inabot naman sakin ni ate yung may pendant na letter J at tinignan ito tsaka ko sinabing bibilhin ko na.

Pagkatapos kong bayaran ay lumabas na ako sa mall dahil 5:20 na at dadaan pa ako sa flower shop para bilhan ng bulaklak si Jennie.

Pagkarating sa flower shop, pinili ko yung bouquet of roses na may isang sunflower sa gitna na agaw pansin. Pinalagyan ko ng note na 'you're my sunflower in a garden full of roses. I love you'

Nagmadali na akong nagdrive papunta sa kanila dahil malapit nang mag 6 at ayokong nale-late sa mga gantong usapan.

Si tita ang nagbukas ng gate pagdating ko sa kanila kaya naman nagmano ako at bumati ng good evening since alas sais na.

"Good evening din hija" bakas ang pagtataka sa kanyang mukha.

"Ah- eh- susunduin ko po sana ang anak nyo?" nahihiya kong sabi sa kanya.

"Aba'y umalis na si Jennie ngayon-ngayon lang. Paalam nga nya na may date sya ngayong 6pm. Kaya nga nagulat ako na nandito ka at nag-aalala ako na baka nagkasalubong na kayo sa daan at di nyo lang napansin ang isa't isa" ang kulit naman kasi nya eh. Sabi ko naman kasi sa kanya kahapon na susunduin ko sya dito pero nagpumilit pa na wag na lang. Hayst. Ayaw talagang magpasundo.

Nagpaalam na ako kay tita at pumunta sa restaurant. Binilisan ko ang pagdadrive dahil ayaw ko syang paghintayin nang matagal doon at baka'y mainip.

Pagkarating sa tapat ng restaurant bumaba na ako kaagad at binitbit ang mga binili ko para sa kanya. Tinignan ko kung anong oras na at medyo maaga pa naman. 6:15 palang kaya kahit papaano hindi pa ganun ka-late.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon