Chapter 13

4.7K 61 0
                                    

LISA'S POV

May itotodo pa ba ito? Sagad na yata ang pagkainlove ko kay Jennie eh. Pero everyday ko na lang yan sinasabi. Sasabihin ko ngayon na todo na pero kinabukasan mas maiinlove pa pala lalo HAHAHAHA

Nandito ako ngayon sa cafeteria ng aming school, hinihintay ko ang big princess Nini ko.

Excited akong makita ang Nini ko ngayon. Ewan ko kung bakit. Actually lagi kaming magkasama pero lagi ko syang miss. Miss ko sya kaagad pag di kami magkasama. And it excites me every time magkikita kami eehee eehee. May ibibigay nga ako sa kanya ngayon kaya mas lalo akong naeexcite. Matutuwa sya for sure.

Lumabas kasi ako kanina sa school bago ako pumunta dito sa cafeteria. Nag take out ako ng strawberry smoothie sa Owl Café hehehe. Para naman ganahan ang Nini ko na kumain. Tsaka may long quiz kasi sila mamaya, kaya para ganahan na rin sya dun at makakuha ng mataas na score.

While waiting for my Nini dito sa usual table namin, napansin kong naglalakad papalapit sa akin si Daisy. Omg! Omg!! Omg!!!

Did I already mention na Daisy is my ultimate crush??? Gahd, ang ganda nya. Super cute rin! Huhuhu. Calm down, Lisa.

Tsaka may Jennie ka na! Magtigil ka.

Wait up. Uhm, konting crush lang naman eh. Pwede naman siguro yun. Iba naman si Jennie, love ko yun!!!

Di ko namalayan na nakatayo na pala sya sa harapan ko at may malapad akong ngiti.

"Okay lang ba kung makishare ako ng table? Wala na kasing vacant eh." alanganing sabi nya at mukhang nahihiya. Hawak din nya sa kanyang mga kamay ang isang tray kung san nakalagay ang kanyang pagkain.

Apat na tao naman ang pwedeng umupo dito kaya pinaupo ko na. Dalawa lang naman kami ni Jennie. Tsaka isa pa nakakahiya naman kung di ko papayagan, may karapatan lahat ng estudyante na makakain nang maayos dito sa cafeteria.

Umupo sya sa tabi ko. Siguro dahil nakita nya na may pagkain nang nakalagay sa harap ng katapat kong upuan. Madalas kasi nag oorder na ako ng food ni Jennie tutal alam ko naman kung ano ang gusto nya para pagkarating nya ay kakain na lang kami at hindi na pipila.

Nagsimula nang kumain 'tong katabi ko. "Di ka pa ba kakain?"

"Uh-uhm ano. Kasi ano. Uh- wala pa yung kasama ko hehe" awkward kong sagot kasi naman, gosh, is she trynna start a conversation?

"HAHAHAHA ganyan ka ba talaga magsalita?" natawa rin tuloy ako dahil sa pagtawa nya HAHAHA gaga ka kasi self bakit ganun ka nga magsalita.

"Hindi ah. Ano kasi, tinatry ko lang mag rap HAHAHAHA charot" palusot ko sa kanya habang tumatawa. Kasi naman, srsly self? Anong klaseng palusot yun? Anong rap? Nakakaloka ka self.

"Alam mo? Gutom lang yan HAHAHA kaya kumain ka na." ang talented nya in fairness. Kaya nyang pagsabayin ang pagtawa at pag kain.

"Uy. Bakit di ka pa rin kumakain? For sure parating na rin yung kasama mo. Kaya kumain ka na dyan." sabi nya na di pa rin nawawala ang ngiti.

Napilitan naman na akong sumabay na kumain. Anong oras na kasi, for sure ilang minutes lang dadating na rin si Jennie kaya magsasabay pa kaming kumain. Tinext ko na rin sya to ask if where is she or kung parating na ba.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon