Chapter 37

5.1K 60 16
                                    

JENNIE'S POV

Wala na si Lisa. Wala na ang mahal ko. Wala na sya at parang di ko kakayanin 'to. Naninikip ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit. Pakiramdam ko hindi ako makahinga. Okay na rin siguro 'to. Mas gugustuhin kong mamatay na lang din para wala nang maramdaman na sakit. To feel nothing at all.

"Eyyy. You okay?" Nag-aalalang sabi ng isang pamilyar na boses. Nararamdaman ko ring niyuyugyog ako at tinatapik-tapik ng bahagya sa pisngi.

"Love, wake up." Sunod-sunod pa rin ang natatanggap kong pagtapik sa pisngi dahilan para magmulat ako ng mata at bumungad sakin ang mukha ni Lisa na nag-aalala.

Para bang may sariling buhay ang katawan ko dahil nalaman ko na lang na nakayakap na ako nang mahigpit sa mahal ko habang umiiyak.

"What happened, love? Kanina pa kita ginigising, nasa Manila na kasi tayo. But seems like you are having a bad dream." Tuloy-tuloy lang sya sa pagsasalita. Habang tuloy-tuloy lang din ako sa pag-iyak.

Thanks God, panaginip lang ang lahat. Nahimasmasan na ako nang bahagya pero ramdam ko pa rin yung paninikip ng dibdib ko dahil dun sa masama kong panaginip. Hindi ko kakayanin kung totoo man na wala na sya.

"Love, why are you crying? Hush now. Everything's fine. You can talk to me about it. May masama ka bang napanaginipan?" Sabi nya to comfort me pagkatapos nyang alisin ang pagkakayakap ko sa kanya to cup my cheeks and wipe my tears.

I can't stop myself from crying and sobbing kaya napapikit na lang ako habang hawak-hawak pa rin ni Lisa ang magkabila kong pisngi.

"Love. Promise me that you'll never leave me. Dito ka lang ha. I love you." Naiiyak kong sabi nang buksan ko ang mga mata ko at makipagtitigan sa kanya.

"I won't, love. Never. Bakit ko naman gagawin yun. I love you more. Tahan na love ha. Ano ba kasi yung napanaginipan mo?" nag-aalala nyang sabi.

"Napanaginipan ko kasi na naaksidente tayo tapos iniwan mo na ako." Nakapanlabi kong sabi pero di kagaya kanina ay nahimasmasan na ako nang tuluyan.

"Aww. Panaginip lang naman yun love. Andito ako oh. Dito lang ako. I love you so much, smile ka na please." niyakap muna nya ako nang mahigpit bago pisilin ang mga pisngi ko dahilan para mapangiti na ako dahil sa comfort na binibigay nya.

Dahil dun sa napanaginipan ko, mas lalo kong narealize kung gaano ko kamahal si Lisa. That bad dream seemed so real that I got hurt so bad dahil sa thought na wala na si Lisa. Mas lalo kong napagtanto na grabe ang magiging sakit pag nawala si Lisa sakin.

---------------

16th day of February 2019. Our relationship is going well. Things are getting better and better between the two of us. Time flies so fast. Today is our first month of being together.

Nag dinner date lang kami nung Valentine's Day. For our first monthsary naman, mag dinner lang kami with my family.

"Jennie, matagal ka pa dyan? Nandito na si Lisa." Rinig kong sabi ni mama sa baba.

Nandito pa kasi ako ngayon sa kwarto ko. Nag-aayos pa ako ng sarili. Syempre hindi naman pwedeng haharap ako kay Lisa na hindi man lang nag-ayos for our first monthsary kahit dito lang kami sa bahay.

Naabutan ko si Lisa sa may sala habang nakikipaglaro kay Jasmin. Sa sobrang close nila kung hindi ko lang talaga kapatid 'tong si Jasmin at hindi sya bata magseselos talaga ako HAHAHAHA joke lang. Ang cute nga nilang tignan eh. Natutuwa ako pag nakikita ko silang masaya habang naglalaro o kung ano man ang ginagawa nila.

"Sa wakas bumaba ka ring bata ka. Pinaghintay mo pa ang girlfriend mo. Hali na kayo dito. Kain na tayo." Sabi ni mama habang may hawak hawak na bowl at inilapag sa dining table.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon