Chapter 29

4.9K 68 4
                                    

JENNIE'S POV

Nag resume na ang classes. Kinakabahan ako ngayon. Pakiramdam ko babagsak ako anytime because my heart beats so fast. Hindi ko kasi alam kung ano ang balak nina Xyrene. Pupuntahan daw kasi nila si Lisa at dadalhin sa akin. Mag-isa akong nakaupo ngayon dito sa tambayan malapit sa building namin. Habang ang buong barkada ayun hinahagilap si Lisa sa Comm Arts building.

Ngayon ko na lang ulit sya makikita pagkatapos nung ano. Nung nag ano kami. Basta ayon! Kinakabahan ako kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko kasi excited na akong makita sya ulit at dahil na rin sa kaba.

"Ano ba guys. Bitawan nyo nga ako. Ayoko nga kasi sabi." rinig kong pagpupumiglas ng isang tao. At alam ko kung kaninong boses yun kaya napapikit ako nang mariin dahil lalo akong kinabahan. Malapit na sya, malapit na sila.

Pagbukas ko ng mga mata ko nakatayo na ang buong barkada sa harap ko kasama si Lisa. Napatitig ako sa mata nya at parang nagrambulan naman ang lahat ng pwedeng mag rambulan sa loob ng katawan ko. Gusto kong tumakbo papalapit sa kanya at yakapin sya nang mahigpit dahil miss ko na sya.

Tumayo ako at akmang lalapit na sana habang nakatitig pa rin sa kanya nang irapan nya ako. Ouch. Taray naman.

Binitawan na sya ng mga kaibigan ko na nakatayo lang ngayon at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa na para bang naghihintay sila kung sino ang unang magsasalita sa aming dalawa.

Gusto kong basagin ang katahimikan pero ano ba ang dapat kong sabihin? Nakakainis naman kasi ang mga kaibigan ko. Masyadong padalos-dalos. Wala pa ngang maayos na plano eh kung ano ang gagawin ko.

Wala pa ring emosyon ang mukha ni Lisa pero bigla syang nagcross arms dahilan para malaman kong medyo inis na sya. "Ano ba kasi ang pumasok sa utak mo para ipakidnap ako sa mga kaibigan mo tapos tititigan mo lang pala ako?" Ang lamig ng boses nya. Wala na bang mas cold pa dito? Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Ah. No, no! May sasabihin kasi sana ako?" di ko siguradong sabi kasi fuck. May sasabihin nga ba talaga ako? Ano ba ang sasabihin ko?

"What?" mas lalo akong nattense dahil sa lamig nang pakikitungo nya sa akin.

Tinitignan ko ang mga kaibigan ko para humingi ng tulong pero ang mga gags umiiwas ng tingin. So ganyanan? Wala kayong balak na tulungan ako? Kainis!

Binaling ko ang tingin ko kay Xyrene at binigyan ng 'what should I do now? help me pls' kind of look. Pero nagkibit balikat lang ang gaga.

"Uh- uhm ano! Pwede ka bang ligawan?" fuck! What did I just say? Wait, what??? Lumabas na lang bigla sa bibig ko dahil sa sobrang kaba. Alam ko kasing inis na si Lisa at naghihintay na sya nang sasabihin ko.

Tumaas lang ang isa nyang kilay dahil sa sinabi ko. Nakita ko naman ang mga kaibigan ko na nagpipigil ng tawa. Mga pakyu talaga kayo!

"Kung sabihin kong ayoko. Ano ang gagawin mo?" naghahamon nyang sabi pero blanko pa rin ang mukha.

"Uhm. Liligawan pa rin kita. Hindi kita titigilan. Gagawin ko pa rin ang lahat to make you feel na nagsisisi ako sa decisions ko at sa ginawa kong pananakit sayo." tuloy tuloy kong sabi with sincerity. Lalo lang tumaas ang kilay nya na parang hindi naniniwala.

"I don't think na kaya mong gawin yan." mataray nyang sabi tsaka tumalikod para humakbang na paalis.

"Wait up. Hatid na kita sa building nyo?" Sabi ko na parang hindi sigurado? fuck. Manliligaw nga diba. And I'm doing the right thing naman yata? So basically kailangan ko syang ihatid dahil yun ang ginagawa nya sakin dati.

Naglakad na ako papalapit sa kanya samantalang 'tong mga kaibigan ko naghihiyawan. Gusto ko silang ihagis isa isa palabas sa earth. Kasalanan nila 'to. Shit, di naman ako marunong manligaw eh.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon