Chapter 28

4.9K 69 5
                                    

JENNIE'S POV

Iniisip ko pa rin hanggang ngayon yung mga sinabi ni Papa kahapon. Tsaka grabe, Christmas na Christmas wala akong ibang ginawa kung hindi umiyak. Hay.

Magkikita kami ni Jisoo mamaya since hindi kami nakagala kahapon together dahil she's with her family and ganun din ako. Pero bago kami magkita, kikitain ko muna ang buong barkada ngayon.

"Sige Kuya Anthon. Salamat, ingat po kayo." sabi ko pagkababa ng sasakyan. Nagpahatid ako sa bahay nina Xyrene dahil dito namin napag-usapan na magkita-kita.

"Oh gosh, Jennie. Anong ginagawa mo sarili mo at bakit ganyan ang itsura mo???" bungad sa akin ni Beatriz pagpasok ko sa loob ng bahay nina Xyrene.

"Bakit ba ha? Eh wala akong tulog. Pero mas maganda pa rin naman ako sayo. Duh." inis kong sabi pagkaupo ko sa tabi nila. Nakaupo sila sa sala habang nanonood ng tv at kaharap ang maraming pagkain. Pizza, mojos, fries, popcorn, ice cream at kung ano ano pa. Kumuha ako ng pizza tsaka sinimulang kainin ito.

"Umayos ka nga, Jennie. Shunga shunga ka kasi eh. Ganyan ba talaga ang gusto mo? Shunga na nga pangit pa?" natatawang sabi ni Chelsea kaya natawa ang lahat.

"Pakyu gayo, guys. Okay? Pakyu kayo." inirapan ko lang sila at nagpakabusy na lang sa pag kain ng pizza.

"So ano na nga kasi ang balak mo? Ipagpapatuloy mo talaga yang kashungahan mo?" tanong sakin ni Samantha. Hindi kumikibo 'tong si Xyrene dahil sawa na yan sa pagkumbinsi sa akin na gawin ang tama.

"Tinatanong pa ba yan? Di yan titigil. Kaya hintayin na lang natin na magising sya sa kashungahan nya. Himbing nang pagkakatulog eh kaya career kung career sa pagkashunga." ayan nagsalita na sya sa wakas. Maloko 'tong si Xyrene. Pero pagdating sa mga ganitong usapan nagseseryoso sya at sya ang pinakamaaasahan. Sadyang matigas lang ang bumbunan ko kaya di ako nakikinig sa kanya.

Aminin nyo, sadyang nagiging tanga lang talaga tayo pagdating sa pag-ibig. Diba?

"Grabe naman kayo sakin." sabi ko dahilan para tumingin silang lahat sa gawi ko.

"Kami pa talaga ang grabe sayo, Jennie? Look who's talking? Mas grabe ka sa sarili mo girl" nakataas ang kilay na sabi ni Chelsea. Potek na yan. Sasabihin talaga nila lahat ng gusto nilang sabihin sakin para lang tumigil na sa kashungahan.

"Alam mo kasi Jennie? Ayaw mong makasakit pero mas lalo ka lang nakakasakit dahil sa mga ginagawa mo. Matalino ka diba? Mag-isip ka nga." kelan pa natutong magtaray 'tong si Beatriz? Hayst.

"True. Pero kahit sino naman kasi ang piliin mo makakasakit ka eh. Tapos pipili ka na nga lang yung mali pa. Yung di mo na mahal. Yung taong di ka magiging masaya sa kanya. Yung mas magiging komplikado lang ang sitwasyon. Nasaan ang utak dun ha?" konti na lang sasapakin ko na 'tong si Chelsea. Napaka hard sa akin. Hindi ko naman kasi inaakalang ganto ang mangyayari.

Kelan ko na lang din narealize ang mga bagay bagay. Na hindi ko na pala mahal si Jisoo. Pilit ko na lang pinapaniwala ang sarili ko kasi yun ang sa tingin kong tama. Siguro dahil na rin sa guilt kaya sya ang pinili ko. Guilt dahil may mahal na akong iba, may iba nang nakakapagpasaya sa akin, may pumalit na sa kanya sa puso ko. Samantalang sya pinatunayan nya kay Papa kung gaano nya ako kamahal at patuloy pa rin nyang pinapatunayan.

"Alam ko naman na kasi kung ano ang tama, okay? Alam ko naman na kung sino ang dapat piliin. Pero di ko lang alam kung ano ang gagawin para itama ang lahat." mahinahon ko lang na sabi.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon