Chapter 14

4.7K 61 2
                                    

LISA'S POV

Pagkarating ko sa room nila, wala akong Jennie Ruby Jane na dinatnan.

Ah okay. Ganto ba ang gusto nya??? Bahala sya sa buhay nya. Kainis.

Wala akong nagawa kundi umuwi na lang.

Sa kwarto na ako dumiretso pagkauwi dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at walang ganang magkikilos. Hindi na rin ako nakakain for dinner.

---

Maaga pa rin akong nagising kahit late na akong nakatulog. Feeling ko tuloy mukha akong lantang gulay ngayon na naglalakad sa hallway ng school.

Papikit-pikit pa ako dahil sa antok nang mahagip ng mga mata ko ang babaeng dahilan kung bakit kulang ako sa tulog.

"Nini!"

"Heeyyy! Wait up." patakbo akong pumunta sa gawi nya dahil napansin kong bumilis ang kanyang paglalakad nang marinig ang boses ko.

"Eyyy. Can you please stop from walking??" sabi ko na sakto lang para marinig nya.

Nagbibingi-bingihan ito kaya tumakbo na ako nang tuluyan para maabutan sya.

"Hey. What's the matter with you?" kalmado kong sabi nang maabutan sya at hinawakan ang kanyang braso para iharap sya sa akin.

"Why don't you ask yourself?" walang emosyon nitong sabi.

"Huh? Ask what?" sinagot ko lang din sya ng tanong dahil hindi ko sya maintindihan.

Nagpakawala sya ng fake na tawa tsaka muling nagsalita "Really, huh? So you're answering me with another question? Don't act like you know nothing." Akmang tatalikuran nya na ako nang hawakan ko ulit ang braso nya para iharap ulit sakin.

"Gahd, Jennie. What's your problem? Di kita maintindihan." kung kanina kalmado pa ako, ngayon nama'y may konting inis na sa boses ko.

"Hindi mo maintindihan? Okay. It's for you to figure out." bakas na rin ang inis sa way ng pasasalita nya.

Sya pa talaga ang naiinis ha? Aware ba sya na she's giving me a big question sa mind ko??? Ano ba ang problema nya?? Bakit kasi hindi na lang nya sabihin? Naiinis na ako.

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin?? Kesa sa nanghuhula ako dito if what's going on. Hayst" Nakakainis. Pero naiinis ako sa situation at hindi sa kanya. Hindi ko kayang mainis o magalit sa kanya.

"Ikaw pa talaga ang nagagalit ngayon ha!?" tanong nya sakin na may nakakalokong ngiti.

"Huh!? So sino dapat ang magalit? Ikaw? Sino kaya ang hindi pumunta kahapon sa cafeteria at hindi man lang nagsabi? Sino kaya ang hindi nagparamdam? Sino kaya ang hindi nagrereply sa messages? Sino kaya ang hindi sumasagot sa calls at binaba pa??" inis na sabi ko. Nakakainis na rin kasi na dinadaan nya sa nakakalokong ngiti.

Okay. Okay. Parang mas gugustuhin ko pang makita na lang yung nakakaloko nyang ngiti kesa sa galit nyang mukha ngayon.

"I hate you! I hate you for being clueless. I hate it na wala ka man lang alam sa mga ginagawa mo!" tumalikod na sya sakin at mabilis na naglakad. Natulala ako sa sinabi nya kaya hindi ko na nagawang mahawakan ang kanyang braso para iharap sya sa akin kagaya ng ginawa ko kanina.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon