Chapter 34

5.2K 66 1
                                    

LISA'S POV

Kanina pa kami naghahanap kay Jennie. Naghiwa-hiwalay na nga kami ng direction para mas mapabilis ang paghahanap. Dito ako sa mapunong lugar napunta. Sinusubukan namin syang tawagan kanina kaso di nya pala dala ang phone nya.

Hayst. Ano ba kasi ang pumasok sa isip ng babaeng yun at umakto sya nang ganun. Nag-aalala na ang lahat lalo naman ako. Madilim na ang paligid dahil wala naman masyadong ilaw sa gawing ito.

Sa totoo lang di ko naman ginusto na sumama dito sa Zambales. Kasi pagkatapos nung ginawa nyang pagtutulakan papalayo sa akin nun, kahit papaano naman naging okay na ako magsimula nung umuwi ako sa Pampanga. Medyo gumaan na yung pakiramdam ko kasi nakahinga ako from everything. I really had a great time spending my vacation with my family.

Pero pagbalik sa Manila and sa pagresume ng klase, yung kung anong trip ni Jennie ang sumalubong sakin. Ako liligawan nya? As if naman sincere sya. Seryoso ba sya pagkatapos nya akong ipagtulakan papalayo at isampal-sampal sakin na hindi nya ako mahal at hindi naman talaga nya ako minahal?

Pero everyday unti-unti kong nararamdaman yung sincerity nya sa ginagawa nya. Natutunaw yung galit sa puso ko.

Yung pagmamahal ko sa kanya? Hindi naman nawala yun eh. Mas nangingibabaw pa naman yun kesa sa galit. Tinitignan ko lang kung hanggang saan ang kakayanin nya.

At ayun na nga, sabi ko na nga ba hindi sya magtatagal at magsasawa rin. Biglaan na naman yung hindi nya pagpaparamdam sakin. Dun sya magaling eh. Tapos ang sasalubong pa sa akin dito, e yung galit nyang mukha? At tinatanong pa kung bakit ako nandito? Ayun na eh, bumibigay na ulit ako sa kanya kaso biglang bumalik ulit yung inis.

Pero inaamin ko na napawi ulit yung inis at lumambot ang puso ko nang oo ang sagot nya dun sa tanong na mahal pa ba nya ako.

Pakiramdam ko nabuhay lahat ng paro-paro sa tyan ko. Parang aatakihin na ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Pero hindi ko ipinahalata sa kanya kaya nagkibit balikat na lang ako.

Panaka-naka akong sumusulyap sa kanya magsimula nung sabihin nya na mahal pa nya ako. Hinintay ko ngang gawin nya sakin yung dare na lap dance HAHAHA. Kaso di nya ginawa. Halata ngang inis sya eh at hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa ayun na nga umalis na lang sya bigla at nawala sa paningin namin.

Kanina habang magkakasama pa kaming lahat sa paghahanap sa kanya. Kinwento at sinabi nila ang lahat sakin. Yung mga dahilan ni Jennie kung bakit si Jisoo ang pinili nya. Yung mga dahilan nya kung bakit nya ako pinagtulakan papalayo. At maging yung dahilan kung bakit hindi na naaman sya nagparamdam kahapon.

Ngayon, isa lang muna ang gusto kong mangyari. Ito ay ang mahanap sya. Kanina pa ako nag-aalala at hindi tumitigal sa pagdarasal na sana makita ko na sya.

Makita ko lang talaga sya ulit, aayusin ko na ang lahat. Ayoko na syang mawala ulit sa akin.

"Tuloooong! May nakakarinig ba sakin?" Rinig kong sigaw sa may hindi kalayuan. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Alam kong si Jennei na 'to kaya mabilis akong pumunta dun sa pinaggalingan nung sigaw.

"Jennie! Nandyan ka baaa!?" pasigaw kong sabi dahil wala pa rin akong makita ni anino nya.

"Jennie!!!" palinga-linga ako sa paligid at pilit syang hinahanap. Wala akong masyadong makita dahil ang ilaw lang galing sa flashlight ng phone ko ang nagbibigay ng liwanag dito.

"Jennie! Asan ka na ba!? Nag-aalala na ako sayo!" sumisigaw pa rin ako and I feel like my voice is already cracking dahil naiiyak na ako.

"Jennie ano ba. Nandito na ako oh." Sa pagkakataong ito hindi ko na magawang sumigaw dahil sa panghihina. Tuloy-tuloy na ang pagtulo ng mga luha ko.

May naramdaman akong yumakap sakin mula sa likod. Nakasubsob ang kanyang mukha saking likuran. I know that she's crying and sobbing. At alam ko rin na si Jennie na 'to kaya humarap ako sa kanya.

Hindi nga ako nagkakamali kaya niyakap ko sya nang mahigpit.

"Pinag-alala mo kami. Pinag-alala mo ako nang sobra. Wag ka nang mawawala ulit sa akin ha. Hindi ko pala kaya, hindi ko kakayanin." Mas lalo pa akong naiyak ngayon. Para kaming nagpapaligsahan sa pag-iyak.

"Thank you. Lagi ka na lang dumadating when I needed you the most." She sincerely said. Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi para titigan sya.

"Because my heart says so. Lagi ka nyang nahahanap eh." Parang natunaw ang puso ko dahil dun sa pinakita nyang ngiti kaya hinalikan ko ang noo nya.

Naglakad na kami pabalik dun sa cottage dahil mas lalo nang dumidilim ang paligid. Ang higpit nang kapit netong katabi ko sa braso ko HAHAHA takot na takot.

Nakalabas na kami dun sa mapunong lugar at sumalubong sa amin ang tahimik na dagat.

"Upo na muna tao dun. Please?" sabi ni Jennie habang tinuturo ang tabi ng dagat.

"Okay po mahal na prinsesa" kelan ko pa ba nagawang tanggihan ang babaeng 'to? Kaya umupo na kami habang nakasandal lang ang ulo nya sa may balikat ko at akbay-akbay ko sya.

Pareho lang naming pinapakiramdaman ang isa't isa habang pinapanggan ang panaka-nakang paghampas ng alon. A soft night with the love of my life.

"Love" tawag ko sa kanya. Namiss ko syang tawagin ng ganito.

Umalis sya sa pagkakasandal sakin tsaka ako tinignan na parang nagtatanong kung bakit ko sya tinawag. Inalis ko na rin ang pagkakaakbay ko sa kanya at hinawakan na lang ang kamay nya.

"Uhm. Bakit naman hindi mo sinabi kaagad?" mahinahon kong tanong habang nakatingin lang din sa kanya. Binigyan nya lang ako ng nagtatakang tingin. "I mean, lahat lahat. Mga reasons mo kung bakit mo ginawa yung mga ginawa mo."

Umiwas sya ng tingin bago nagsalita "Wala akong lakas ng loob eh" bakas sa mukha nya ang lungkot habang nakatingin lang sa dagat kaya naman pinisil ko nang bahagya ang kanyang kamay.

"Buti na lang hindi sumuko ang mga kaibigan mo para sating dalawa." Binaling nya ulit ang tingin nya sa akin na may mukhang parang may gustong itanong. "Sinabi na nila lahat. Lahat ng reasons mo. Sila na ang nagsabi para sayo."

Parang nangingilid na naman nag luha nya. "Don't worry, I understand everything."

"I'm sorry. Pinagsisihan ko lahat ng decisions ko. Maging yung hindi ko pagsabi sayo kaagad ng mga reasons ko nung time na niniligawan pa kita, kaya ayun, hanggang sa umabot pa ulit sa hindi pagkakaintindihan."

Natawa ako bigla dahil sa sinabi nya. Naalala ko kasi nung nililigawan nya ako HAHAHA. Ang cute nya nun, halatang hindi sanay manligaw.

"Ouch!" ayan na, bumabalik na sya sa dati. Nagiging sadista nanaman sya.

"Bakit ka ba kasi tumatawa dyan ha. Seryoso ako dun sa sinabi ko eh!" inis nyang sabi pagkatapos ay nag pout.

Aww, I really missed this girl. Ginulo ko nang bahagya yung buhok nya bago ko sya niyakap nang mahigpit. Hmmmn, sobrang miss ko sya. Ang cutie nya, nakakagigil.

"Hindi mo na ba itutuloy yung panliligaw mo sakin, love?" seryoso kong tanong pero nakatanggap lang ulit ako ng hampas sa braso na ikinatawa ko ulit HAHAHA

She looks so embarrassed right now. Pero bakit? "Heh! Hindi nga ako marunong eh. Trying hard yung panliligaw ko sayo nun, nakakahiya. Tapos ikaw naman di mo man lang naappreciate."

"Hay naku, love. Kung alam mo lang. Hindi ko lang pinapakita sayo."

"Ice princess ka kasi. Hmp!"

"Sorry na. Nagpakipot lang naman nang konti eh."

"Konti pa ba yun?"

"Oo. Tapos tinulungan ko lang si Daisy sa project nila selos ka naman kaagad."

"Project mo mukha mo! Ang sweet sweet nyo kaya."

Niyakap ko sya nang mahigpit tsaka ko ipinatong ang baba ko sa balikat nya bago nagsalita. "Tinulungan ko lang talaga siya and yung groupmates nya sa project nila. Nakita mo ba lahat?" umiling-iling naman 'to.

"See? Kaya love, pag mga ganung pagkakataon or kahit tungkol saan pa yan basta kapag may gusto kang sabihin sakin, magsabi ka lang ha? Please? Ayoko na kasi yung bigla bigla ka na lang hindi nagpaparamdam. Wala akong kaalam-alam kung ano ang nangyayari. Gusto ko mang ayusin ang mga bagay bagay kaso wala akong idea."

Hinawakan nya ang kamay kong nakayakap pa rin sakanya at bumaling ng tingin sakin "Yes po, love. Narealize ko rin na sobrang immature ko na ganun ang ginagawa. Magsimula ngayon, sasabihin na natin lahat sa isa't isa. And we will fix things together."

Napangiti ako nang sobrang lapad dahil dun sa sinabi nya. "Promise?" nakangiti ko pa rin na tanong.

"Yes, love. Promise."

"Onto more ups and downs with you, love. I love you." Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at unti-unting nilalapit ang mukha ko sakanya hanggang sa magdikit na ang mga labi namin.

Dahan-dahan kong iginagalaw ang mga labi ko na sinasabayan naman nya. Pakiramdam ko may fireworks ngayon sa paligid namin. Nandito na naman ang mga paro-paro sa tyan ko na nagkakagulo. Ewan, basta ang alam ko lang mahal na mahal ko ang babaeng hinahalikan ko ngayon.

"I love you too." Nakangiting sabi nya nang maghiwalay ang mga labi namin. Ano pa ba ang hihilingin ko? I just shared a soft kiss with my love in this soft night. Hayst. Everything's just so perfect.

Kaso may biglang umepal. "Okay na ba guys? Nagkakainan na kayo dyan samantalang kami gutom na gutom na kakahintay sa inyong dalawa habang nag-aalala." Masungit na sabi ni Xyrene na nakapamewang pa.

Natawa na lang si Jennie pero ako medyo nahiya. Kasi naman eh! Tumayo na kami para sundan na si Xyrene na medyo naiinis samin. HAHAHA

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon