Chapter 21

4.7K 75 19
                                    

LISA'S POV

Bawat estuyanteng makasalubong ko ngayon hindi pwedeng hindi sila mapatingin sa akin. Siguro dahil sa namumugto kong mga mata.

Buong araw lang kasi akong nagkulong kahapon sa kwarto ko habang umiiyak lalo na kagabi dahil kahit anong gawin kong pagtext at pagtawag ay wala na yata talagang balak si Jennie na pansinin ako.

Lunes na lunes hindi ako pumasok sa unang subject ko sa umaga. Wala rin naman kasi, kahit na pumasok ako wala rin akong matututunan dahil lutang ako. Naglalakad lakad lang ako ngayon sa loob ng school hanggang sa makita ko si Jennie na nakaupo at may kasamang babae na hindi pamilyar ang mukha sa akin.

Naglakad ako papalit sa gawi nila at tinawag si Jennie. Tumingin sila sa akin at napansin kong may halong pagtataka sa mukha ng kasama nya.

"Lisa" banggit ni Jennie na hindi ko mabasa ang emosyon sa kanyang mukha.

"Pwede na ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya na may lungkot.

Tumayo naman sya tsaka lumapit sa akin at dinala sa pwesto na malayo sa kasama nya kanina.

"Lisa. Even if we will talk right now or tomorrow or the next day at kahit ilang beses pa tayong mag-usap nang paulit-ulit. I will just tell you one thing. Tama na, Lisa. Look at you, you don't deserve this kaya kalimutan mo na lang ako." mahinahon nyang sabi sa akin.

"Kung ganun lang sana kadali, Jennie. Ginawa ko na. Sino ba kasing may gusto ng ganito? Sino ba ang may gusto na masaktan? If I don't deserve this then stay. In that way hindi na ako masasaktan nang ganito." nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita.

"Lisa..." may awa sa mga mata nya na dahilan para mapayuko ako at mapapikit.

"Please stay" mahinang sabi ko.

Tumugon naman sya kaagad na may halong lungkot "I can't"

"Why?" tumingin na ulit ako sa kanya habang nasasaktan at gustong umiyak pero wala akong maramdaman na namumuong luha sa mga mata ko siguro dahil naubos na kahapon. Pero sigurado akong punong puno ng kalungkutan ang mga mata ko ngayon.

"Nasabi ko na sayo. You deserve someone better, Lisa."

"Nasabi ko na rin sayo. You're already the best."

"No. Not yet. I know for sure that there is someone out there who's capable of giving the kind of love that you truly deserve. Yung buong pagmamahal na deserve mo. Yung pagmamahal na kagaya ng binibigay mo sa iba"

"Pero hindi naman ako humihingi ng sobra sobra, Jennie. Enough na sakin yung kaya mong ibigay."

"Ayun na nga, wala akong kayang ibigay sayo."

May pagtatakang nabuo sa aking mukha at tinanong sya "What do you mean? Mahal mo na nga ako diba? Akala ko bang mahal mo ako? Sabi mo mahal mo ako."

"Akala ko rin" umiwas sya ng tingin sa akin at yumuko.

Ang akala ko namang kanina na naubos ko ng luha ay nararamdaman ko na sa aking pisngi. "So hindi mo pala talaga ako mahal? Hindi mo ako minahal?"

"Mahal ko pa si Jisoo" tumingin na sya sa akin na parang may guilt sa mukha.

"Jisoo? Yung kasama mo kanina?" alanganin kong tanong pero tumango naman sya.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon