LESSON 06- Hell Starts Here

4.4K 159 28
                                    


“NEXT week na ang start ng ating final exam. 'Yong schedule ng exam ninyo sa bawat subjects ay ilalagay ko later sa bulletin board. Three days tatagal ang final exam. Monday to Wednesday. Morning ang pasok ninyo para may time kayo na mag-review sa hapon hanggang gabi. Galingan ninyo dahil malaking percentage ng final grade niyo ang kukunin dito. Good luck sa inyong lahat!”

Kanina pa nagsasalita sa unahan si Teacher Catherine ngunit hindi iyon masyadong naa-absorb ng utak ni Damian. Nakatulala lang siya habang nakatingin ng lampasan sa guro. Pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga ang nangyayari.

Paano ba naman siya makakapag-concentrate sa pag-aaral kung ngayon pa lang ay natatakot na siyang umuwi sa sariling apartment. Naroon pa rin kasi si Marco. Kung noon ay gusto na lagi niyang makauwi upang makapagpahinga bago pumasok sa trabaho, ngayon ay parang ayaw na niyang umuwi. Pakiramdam niya kapag naroon siya ay nasa impyerno na rin siya.

Natatakot si Damian na baka uliting muli ni Marco ang ginawa nito sa kaniya noong nakaraang gabi. Ayaw na niyang maulit iyon. Pero paano kung pilitin siya nito? Hindi naman siya pwedeng tumanggi dahil ikakalat nito ang mga litratong hawak niya. Malaki ang masisira sa kaniya kapag kumalat iyon o makita ng iba. Siguradong magbabago ang tingin sa kaniya ng lahat. Baka mawala pa ang nakatakdang scholarship niya para sa kolehiyo kung sakaling siya ang maging valedictorian.

“Damian? Damian. Damian!” Tila nagising sa isang mahabang panaginip si Damian nang may marinig siyang tumatawag sa kaniyang pangalan. Dahil nasa unahan siya ay nalaman niya agad na si Teacher Catherine ang tumatawag sa kaniya.

Tumingin siya dito na parang wala pa rin sa sarili. “Teacher?” Napatingin siya sa kaniyang paligid at nalaman niyang naglalabasan na ang mga kaklase niya. Sa sobrang lalim ng kaniyang iniisip ay hindi niya namalayan na uwian na pala.

“May problema ba?” Nilapitan siya ng guro. “Kanina pa kita napapansin the whole class. Ang tamlay mo. Teka, ano 'yan?” Itinuro nito ang mga kiss mark niya sa leeg.

Mabilis niya iyong tinakpan sa pamamagitan ng kuwelyo ng suot na polo. “K-kagat lamang po ng langgam, teacher.” Natataranta niyang sagot sabay tayo. Kinuha niya ang kaniyang bag at isinukbit sa balikat. “Good bye po,” aniya at malalaki ang hakbang na lumabas siya ng silid-aralan.

Ngunit hinabol pa rin siya ni Teacher Catherine. Napahinto tuloy siya sa paglalakad dahil baka isipin nito na bastos siya.

“Damian, kapag may problema ka, sabihin mo lang sa akin. Pangalawang magulang ninyo ako kaya huwag kang mahihiya. Okay?” Inilagay pa nito ang isang kamay sa kaliwang balikat niya sabay ngiti.

Tumango siya at pilit na sinuklian ang ngiti ng guro. “M-maraming salamat po. Huwag po kayong mag-alala, kapag may problema ako at kailangan ko ng makakausap, kayo po ang lalapitan ko,” aniya.

“Mabuti naman kung ganoon. Good luck sa final exam. Sige, makakauwi ka na.”

Nagpaalam na siya sa kanilang guro. Tunay na napakabait ni Teacher Catherine dahil may pakialam ito sa kanila. Hindi lang sa kanilang pag-aaral kundi maging sa mga personal nilang problema. Tinalikuran na niya ito at naglakad na. Paglabas niya ng school ay nakasalubong niya si Lena.

“Pwede ba kitang makausap?” anito.

“Tungkol saan?” tanong niya.

“Damian, sorry nga pala sa inasal ni Julian kahapon, ha. Pinagsabihan ko na naman siya. Naiintindihan na niya na wala naman siyang dapat ipagselos,” ani Lena.

“Wala na iyon. Naiintindihan ko naman siya. Sige, kailangan ko nang umuwi.”

Nilampasan niya si Lena pero hinabol siya nito.

School Trip 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon