LESSON 07- Seek Help

3.6K 160 17
                                    


ILANG araw na lang at final exam na. Napapansin ni Teacher Catherine na parang wala palagi sa sarili at matamlay si Damian kapag nasa school ito. Hindi naman ito ganoon kahit na alam niyang nagtatrabaho ito sa gabi hanggang madaling araw. Humahanga nga siya dito dahil nakakapasok pa rin ito ng maaga sa kabila ng lahat. Kahit na sigurado siyang ito na ang valedictorian ay mas maganda pa rin naman kung mataas ang makukuha nitong grado sa final exam.

Ngunit paano kaya niya ito mapapaamin sa tunay na dahilan kung bakit ito ganoon? Sa pagkakatanda niya, nang huling beses niya itong punahin dahil sa pagiging matamlay nito ay umiwas ito. Hindi nito sinabi ang dahilan. Sana naman ay magkusa itong lumapit sa kaniya at magsabi.

“Class, final eaxm na natin next week at Sabado na bukas. Gamitin ninyo ang weekend ninyo sa makabuluhang bagay katulad ng pagre-review. Kailangan ninyong galingan dahil final exam na ito. Last chance niyo na para makabawi…” Paalala ni Catherine bago matapos ang klase niya para sa araw na iyon.

“Pakialamera naman kung paano namin i-spend ang weekend!” Hindi nakalagpas sa tenga ni Catherine ang sinabing iyon ni Georgina. Sa iba ito nakatingin habang ngumunguya ng bubble gum.

“Anong sinabi mo, Georgina?” Naniningkit ang mata na tanong niya. Pinipigilan niya ang sariling mapagtaasan ito ng boses.

Humarap ito sa kaniya at pilit na ngumiti. “Ah, nothing po! Pero, hindi pa po ba kayo mag-go-good bye? Uwing-uwi na ako, e!” Mataray nitong wika.

Upang hindi na sila magkasagutan pa ay pinalampas na lang ni Catherine ang pagsagot nito ng pabalang sa kaniya. Tutal naman ay kaunting araw na lang ang titiisin niya at hindi na niya ito magiging estudyante. Ang mga katulad talaga ni Georgina na estudyante ang nagpapasakit sa ulo niya.

“Okay, class… Good bye! See you next week!” Nakangiti niyang pagtatapos.

“Good bye, Teacher Catherine!” Sabay-sabay na tumayo ang lahat at kinuha ang bag at lumabas.

Dahil sa may kailangan pa siyang tingnan sa lesson plan ay hindi muna umalis si Catherine. Isinubsob muna niya ang sarili sa kailangan niyang gawin. Nasa ganoon siyang pwesto nang may tumawag sa kaniyang pangalan.

“Teacher Catherine…” boses ng isang lalaki.

Napaangat ang mukha niya at bahagya siyang nagulat nang makita na nasa harapan ng table niya si Damian. Magkasalikop ang dalawa nitong kamay. Halata sa mukha nito ang pagiging balisa. Namamaga ang paligid ng mata nito na hindi niya mawari kung dahil sa kakulangan ng tulog o pag-iyak.

Itiniklop niya ang lesson plan upang bigyan ng pansin si Damian. “Damian. Bakit?”

“M-may gusto po kasi akong sabihin sa inyo…” Bakit may nararamdaman siyang takot sa pagsasalita ni Damian. Sa palagay niya ay seryosong bagay ang sasabihin nito sa kaniya.

“Ano iyon?” tanong dito ni Catherine.


-----ooo-----


KASAMA ni Georgina ang mga kaibigan niya na nakaupo sa isang mahabang bench na nasa ilalim ng isang mayabong na puno ng mangga. Ayaw pa niyang umuwi sa totoo lang. Sinabi lang niya kay Teacher Catherine na gusto na niyang umuwi para asarin ito. Mainit kasi talaga ang dugo niya sa adviser nila dahil palagi na lang siya nitong sinisita at kinokontra. Iyon ang nararamdaman niya na ginagawa nito.

Masaya na naman siya na kahit papaano ay nakaganti na siya dito dahil naging matagumpay naman ang prank nila dito. Ang talagang pinoproblema niya ngayon ay ang pagiging valedictorian niya. Si Damian ang mahigpit niyang kalaban at wala siyang maisip na paraan para maungusan ito nang husto. Kailangan niyang maging valedictorian para naman matuwa na ang mga magulang niya. Naiirita na siya sa pressure na dinudulot ng mga ito sa kaniya. Imbes na na-e-enjoy niya ang ilang araw na natitira sa pagiging high school student niya ay hindi. Napipilitan siyang mag-aral nang maigi dahil sa mga ito!

School Trip 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon