LESSON 13- Bitch's Karma

3.3K 139 17
                                    


“ALAM niyo bang bakla daw si Damian? Look at these pictures!”

Napahinto si Teacher Catherine sa pagpasok sa classroom niya nang marinig niya ang sinabing iyon ng babae niyang estudyante sa mga kasama nitong dalawa pang babae. Nakatambay ang mga ito sa may gilid ng pinto sa labas kaya dinig na dinig niya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Nakita niya na may hawak na picture ang estudyanteng nagsalita at alam niya kung ano ang nasa picture na iyon.

Walang sabi na kinuha niya sa naturang estudyante ang litrato at pinagpupunit iyon. “Hindi ba’t kinausap ko na kayo kahapon tungkol dito? Na huwag niyong huhusgahan si Damian base sa mga litratong iyon? At bakit may picture ka pa niya? Kinumpiska ko na lahat iyan kahapon, a!” Tumiklop ang tatlong estudyante sa mga sinabi niya.

“N-namigay po kanina si Georgina…” Nakayukong sagot nito.

Napailing na lang si Catherine. Hindi siya makapaniwala na hindi pa rin pala tumitigil si Georgina sa pamimigay ng maseselang litrato ni Damian. Napaka-insensitive naman nito para gawin iyon. Kung alam lang nito kung gaano kabagsak ngayon si Damian. Muntik pa nga nitong kitilin ang sariling buhay kahapon. Mabuti na lang at napigilan niya ito bago pa nahuli ang lahat.

“Nasaan si Georgina?”

“I’m here, Teacher Catherine. Why are you looking for me?” Naglalakad si Georgina kasama sina Roxy at Celine palapit sa kinaroroonan niya. May dala itong envelope. Sigurado siyang ang mga picture ni Damian ang laman niyon.

Malalaki ang hakbang na nilapitan niya sina Georgina. Aagawin niya sana mula dito ang envelope ngunit mabilis nitong iniiwas iyon sa kaniya.

“Ibigay mo sa akin 'yan, Georgina.”

“Ayoko nga! Gumastos ako dito para magkpa-print ng maraming copies, 'no!”

Naningkit ang mata ni Catherine sa inis. “Alam mo bang mali ang ginagawa mo? Ikinakalat mo pa rin ang litrato ni Damian!” Naiinis na turan niya.

“It’s fun kaya!” Baluktot nitong katwiran.

“Fun? Fun para sa inyo na isa sa mga kaklase ninyo ang hindi na makalabas ng bahay at muntik nang magpakamatay dahil sa ginawa ninyo? Fun ba iyon para sa inyo? Ha? Georgina?”

“You are so over reacting, teacher! Choice niyang hindi lumabas ng bahat or mag-suicide, 'no! And besides, nakakatawa lang na iyong akala nating mabait na student ay may itinatago palang baho. As in, sobrang baho! Bakla pala siya--”

“Hindi bakla si Damian!” Huminga nang malalim si Catherine. Kung hindi lang kasalanan ang manakit ng estudyante ay baka kanina pa niya nasampal si Georgina dahil sa kasamaan nito ng ugali. Bigla niyang naisip na kung malalaman siguro ng mga ito ang tunay na nangyari kay Damian at ang kwento sa likod ng mga litratong iyon ay baka tumigil na ang grupo ni Georgina sa pagpapakalat ng maseselang litrato ni Damian.

“Damian is gay! Sino ba naman kasing lalaki ang makikipag-sex sa kapwa niya lalaki, 'di ba? Mga bakla lang naman!” pilit pa rin ni Georgina.

“Hindi bakla si Damian! Biktima siya ng rape!” deklara niya. Lahat ng estudyanteng nakarinig sa kaniya ay napatingin sa kaniya at sa mukha ng mga ito ay halatang hindi makapaniwala ang mga ito. Sina Georgina naman ay napanganga sa sinabi niya. “Oo, Georgina… Iyong Damian na pinagtatawanan ninyon bakla ay biktima ng panggagahasa at pananakot ng lalaking kasama niya sa litrato!”

Inaasahan niya na maaawa sina Georgina sa sinabi niya pero tumawa lang ang mga ito.

“For real? Lalaki? Ni-rape?” ani pa nito.

“Ayaw mong maniwala? Totoo ang sinasabi ko. Rape victim si Damian at iyang mga litratong hawak ninyo ay kagagawan ng nang-rape sa kaniya.”

Patuloy lang sa pagtawa sina Georgina. “Alam mo, teacher, magkape ka muna. Mukhang puyat ka, e. Sino naman ang maniniwala sa iyo na ni-rape si Damian? Alam mo, matagal ko nang napapansin na parang palagi mong ipinagtatanggol si Damian. Wait… Don’t tell me na may gusto ka sa kaniya or may relasyon kayo? Hala… That’s forbidden! Pwede kang mawalan ng lisensiya as a teacher!” May himig pananakot na sabi ni Georgina.

School Trip 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon