LESSON 03- Perfect Boy

5.1K 192 19
                                    

MASAYA si Damian nang sabihin sa kaniya ng guro nila na maaaring siya ang mag-valedictorian. Masaya siya hindi lang dahil siya ang nangunguna sa kanilang klase ngunit dahil na rin sa full scholarship na makukuha niya sa college school na gust niyang pasukan pagkatapos ng sekundarya. Malaki ang maitutulong niyon sa kaniya kaya naman hinusayan niya ang pag-aaral simula first year high school. Sa tingin niya kasi ay wala namang balak ang itinuturing niyang nanay na pag-aralin siya dahil wala man lang itong nababanggit tungkol doon kahit na ilang linggo na lang ay magtatapos na ang school year.

Ano nga ba ang maaasahan niya sa kaniyang “ina” gayong alam naman niya na sa simula pa lang ay hindi siya nito tunay na anak. Anak siya ng kabit ng asawa nito. Nang mamatay ang totoo niyang nanay noong limang taon siya ay kinuha na siya ng tatay niya. Dinala siya nito sa bahay nito at tumira siya kasama ang tunay nitong pamilya. Sadya nga yatang malas sa buhay si Damian dahil pagtuntong niya sa edad na sampu ay namatay naman ang tatay niya. Naiwan siya sa pamilyang hindi naman siya dapat kasali. Doon na niya naramdaman ang kalupitan ng asawa ng tatay niya at ng tatlong anak nito na puro lalaki. Literal na ginawa siyang alila ng mga ito. Sa murang edad niya ay nagawa niyang pagsabayin ang pag-aaral at gawaing bahay. Siya ang naglalaba, naglilinis ng bahay at kung anu-ano pa.

Kaya naman nang magkaroon siya ng trabaho noong second year high school siya sa isang patahian ay humiwalay na siya sa mga ito. Wala man lang siyang naramdaman na lungkot nang umalis siya. Inaasahan na naman niya iyon dahil nararamdaman na niyang gusto na talaga ng mga ito na umalis siya.

Ala-sais ng gabi hanggang alas dos lang naman ng madaling araw ang trabaho niya. Nakakatulog pa siya ng tatlo hanggang apat na oras bago pumasok sa eskwelahan. Tuwing Sabado at Linggo naman ay wala siyang pasok. Iyon ana ang pinaka pahinga niya sa nakakapagod niyang weekdays. Ngunit minsan ay nawawalan din siya ng pasok sa kaniyang trabaho kapag weekdays dahil sa madalas ding mawalan ng tela ang patahian. Mahirap ngunit kinakaya niya para sa kaniyang sarili lalo na’t wala na siyang ibang pwedeng asahan. Sa ngayon ay umuupa siya sa isang maliit na apartment na malapit trabaho at eskwelahan niya. Napili niya ang apartment na iyon dahil bukod sa mura ay malapit pa sa school at trabaho. Hindi na niya kailangang gumastos sa transprotasyon. Malaki rin ang natitipid niya dahil doon.

Hindi ikinahihiya ni Damian ang buhay na meron siya bagaman at hindi rin naman niya ipinagmamalaki lalo na’t marami ang humahanga sa kaniya. Bukod kasi sa masipag, matalino ay marami rin ang nagsasabi na gwapo siya. Sa edad niyang labing lima ay may taas na siyang limang talampakan at sampung pulgada. May tamang pangangatawan at maputing balat na namana niya sa kaniyang inang mestisa. Ang matangos na ilong, makapal na kilay, mapupungay na mata at manipis na labi ay sa ama naman niya namana. Kaya naman hindi rin lingid sa kaniyang kaalaman na marami ang humahanga sa kaniya sa school at kahit sa labas.

Ngunit sa kabila ng paghangang natatanggap ni Damian ay may inggit pa rin sa puso niya para sa iba niyang kaklase. Na-e-enjoy kasi ng mga ito ang kabataan habang siya ay hindi. Nakakagala ang mga ito, nagkakaroon ng mga kaibigan at karelasyon habang siya ay tutok sa pag-aaral at pagbabanat ng buto na kailangan niya talagang gawin upang mabuhay. Gusto rin naman niyang maranasan ang mga normal na ginagawa ng mga kabataang katulad niya pero ito na yata talaga ang tadhana niya-- ang magkaroon ng malaking pasanin sa edad niya.

Sa totoo lang ay may crush din naman siya sa school. Isa sa mga kaklase nila. Si Lena. Napakaganda kasi ni Lena. Simple, tahimik at mabait kahit na kaibigan nito ang itinuturing na school’s bully na si Georgina. Iyon nga lang, hanggang ligaw-tingin lang ang maaari niyang gawin sa dalagita. May nobyo na kasi ito. Si Julian. Wala siyang laban dito dahil sa bukod sa gwapo ay mayaman ito. Kuntento na siya na pasulyap-sulyap lang siya kay Lena.

“'Ayan. Ang gwapo mo na lalo, Damian!” Kinikilig na sabi ng baklang parlorista matapos siya nitong gupitan. Nilagyan na siya nito ng pulbo sa batok at pinagpagan ang buhok niya doon.

School Trip 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon