LESSON 09- Marco, Maria

3.6K 149 12
                                    


NAPAHINTO si Marco sa tapat ng isang parlor ng umagang iyon. Bibili lang sana siya ng pagkain nang mapadaan siya doon. Mula sa labas ay nakikita niya sa glass wall ng naturang parlor ang isang baklang abala sa paggugupit sa isang babae. Natatandaan niya ang baklang iyon. Iyon 'yong lumalandi nang harap-harapan kay Damian. Sinundan niya kasi noon si Damian at pumasok ito sa parlor. Nagkunwari siyang magpapagupit at nang makita niya kung paano lantarang landiin ng bakla si Damian ay talagang nagalit siya dito.

Habang patagal nang patagal ang pagkakatitig niya sa bakla ay parang mas lalong kumukulo ang dugo niya dito. Sa lahat pa naman ay ayaw niyang may ibang nagkakagusto sa lalaking gusto niya. Si Damian ay kaniya lang! Walang pwedeng magkagusto dito kundi siya lang! Talagang papatayin niya ang kung sino man na umagaw dito sa kaniya.

“Bakit hindi mo na lang patayin ang baklang iyon? Baka magising ka na lang na magkasiping na silang dalawa!” bulong ng isang bahagi ng utak ni Marco.

“Hindi ako papayag na mangyari 'yon!” Mahina ngunit puno ng poot na sagot niya sa bulong na iyon. “Bago pa mangyari iyon ay papatayin ko na ang baklang iyan!” dugtong pa niya.

Kaya naman ng umalis si Damian para pumasok sa trabaho nito ng gabing iyon ay plinano na niya ang gagawing pagpatay sa naturang bakla. Umalis siya ng apartment at nagpunta sa parlor. Ngunit nakita niyang may customer pa ang bakla kaya bumalik muna siya sa apartment para magpalipas ng oras.

Sa ikalawang pagbalik ni Marco sa parlor ng bakla ay mag-isa na lang ito. Mukhang magsasara na ito dahil abala na ito sa pagwawalis. Iyon na ang tamang pagkakataon para gawin niya ang binabalak.

Inubos lang niya ang sigarilyong hinihithit at itinapon iyon sa paanan. Malalaki ang hakbang na naglakad siya papunta sa parlor.

Hinding-hindi siya makakapayag na may umagaw kay Damian! At habang papalapit siya sa parlor ng baklang pinagseselosan ay bumalik sa alaala niya ang madilim at mapait niyang nakaraan…


-----ooo-----


“HAPPY birthday, bakla!!!” Nagulat si Marco nang pagpasok niya ng kaniyang tinitirhang bahay ay naroon ang mga katrabaho niya sa parlor. Tatlong bakla ang naroon at may ilang bisita na hindi niya kilala. Malamang ay hakot iyon ng mga kaibigan niya. May apat na lalaking kasama ang mga ito. Iyong tatlong lalaki ay kilala niya dahil boyfriend ito ng mga kaibigan niya. Iyong isa na mukhang bata pa ay ngayon lang niya nakita.

May dalang cake ang isa at nakita niya ang handang pansit, lumpiang shanghai at juice sa lamesa. Kaya naman pala iniwan siya ng mga ito at hinayaan siyang mag-isang magsara ng parlor ay may pa-surprise ang mga ito. Kinantahan siya ng lahat ng “Happy Birthday”. Matapos ang kanta ay inilapit na ng isa ang cake sa kaniya na may kandilang may sindi.

“Blow mo na ang candle, bakla! Sana naman sa sunod, hindi na lang kandila ang ibo-blow mo!” biro ng may dala ng cake-- si Diday.

Pumikit siya para mag-wish at hinipan ang kandila. “Baklang 'to! Masaya naman akong maging single, e!” Labas sa ilong na sabi niya dahil ang totoo ay gusto na rin niyang magkaroon ng nobyo katulad ng mga kaibigan niya.

Tipikal na bakla si Marco o mas kilala sa tawag na Maria ng nakakakilala sa kaniya. Twenty-five years old na siya. Matangkad at medyo may kapayatan. Malambot siyang kumilos at palaging naka-make-up. Ang damit niya ay sa pambabae at ang buhok niya ay mahaba. Umaabot iyon sa kaniyang balikat.

Eighteen years old siya nang naglayas siya. Bukod sa mahirap ang buhay ay hindi tanggap ng buong pamilya niya ang pagiging bakla niya. Lima kasi silang magkakapatid at puro lalaki pa at siya ang bunso. Pilit naman niyang itinago sa mga ito ang totoo niyang pagkatao ngunit sumingaw din at naamoy ng mga ito kung sino ba talaga siya. Palihim kasi siyang sumali sa isang beauty pageant para sa mga bakla sa kabilang baranggay. Ang buong akala niya ay wala sa pamilya niya ang makakakita ngunit naroon pala ang nobya ng isa sa kuya niya at isinumbong siya nito. Buong pamilya niya ang sumugod doon at ipinahiya siya ng mga ito sa harap ng maraming tao. Hinubad ng mga ito ang suot niyang gown sa stage.

School Trip 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon