LESSON 25- Is It Him?

3.4K 151 15
                                    


MATAGAL na nakatayo si Lena sa harapan ng pinto ng vacation house. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang pumasok pa sa loob o huwag na dahil maaaring isa sa mga nasa loob ang nais siyang mawala na. Kung iisipin, si Julian lang naman ang nagsabing papatayin siya kapag nagsumbong siya sa iba ng tungkol sa totoong nangyari kay Damian. At ginawa niya ang ayaw nitong gawin niya. Sa lahat, ito lang ang may motibong patayin siya! Kung ganoon ay malaki ang posibilidad na si Julian nga ang sumaksak sa kaniya.

Napaka hayop talaga ng lalaking iyon. Inakala pa naman niya na pananakot lang ang pagbabanta nito sa buhay niya. Wala sa hinagap niya na tototohanin nito ang bagay na iyon.

Gulat na gulat si Lena nang may bigla na lang na humawak sa balikat niya mula sa likuran. Mabilis siyang humarap at itinutok dito ang kutsliyo.

“Teacher Catherine!” bulalas niya nang malaman na ang dating guro lang pala nila. Dala nito ang mga pinggan at mga baso na ginamit nila kanina sa pag-iinom.

“Lena, bakit ka may hawak na…” napahinto sa pagsasalita nang makita nito ang kamay niyang may benda. Dahil sa walang tigil ang pagdurugo ng sugat niya ay tumagos na doon ang dugo. “Diyos ko! Anong nangyari sa iyo?!” Nag-aalala nitong turan.

Nabitawan nito ang mga hawak. Nabasag ang mga ilan doon pero hindi nito iyon binigyan ng pansin. Nilapitan siya nito at tiningnan ang kamay niyang may benda.

“Anong nangyari? Sabihin mo sa akin!” Puno ng pag-aalala nitong tanong ulit.

“May gusto pong pumatay sa akin kanina sa gubat.”

“Ano?! Sino?!”

Umiling siya. “H-hindi ko po kilala. Nakasuot siya ng itim na maskara kaya hindi ko nakita kung sino. Pero may hinala ako kung sino.” Tumiim ang bagang ni Lena.

“Sino?”

“Si Julian! Siya lang ang may motibo para patayin ako. Pinagbantaan po niya ako na kapag sinabi ko sa inyo ang ginawa namin kay Damian ay papatayin niya ako. Akala ko naman kasi ay tinatakot niya lang ako. Hindi ko naman akalain na--” Hindi pa man siya tapos sa pagsasalita ay bumukas na ang pinto.

Si Georgina ang nagbukas niyon at nasa likuran nito sina Roxy, Celine at Carlson.

“My God! Kayong dalawa lang pala ang nag-uusap diyan. Akala naman namin kung sino na!” maarteng turan ni Georgina.

Naningkit ang mata niya. Pumasok na sila ni Teacher Catherine sa loob.

“What happened to your hand?” usisa ni Celine.

“Nasaan si Julian?!” imbes na sagutin ito ay iyon ang sinabi niya.

Pumunta sa harapan niya si Georgina at pinameywangan siya. “Excuse me! At bakit mo naman hinahanap ang boyfriend ko, Lena? Don’t tell me may balak kang landiin siya. FYI lang, matagal na kayong wala ni Julian kaya move on, girl!” Itinulak pa siya nito.

Napaatras si Lena ngunit hindi siya nagpatinag. Itinutok niya sa mukha ni Georgina ang hawak na kutsilyo. “Sasabihin mo ba kung nasaan ang hayop mong boyfriend o hindi?!” sigaw pa niya.

Takot na takot na itinaas nito ang dalawang kamay. “H-he’s upstairs! Ano ba? Ilayo mo nga sa akin 'yang knife at baka itulak ka ng demonyo!” Nanginginig nitong wika.

“Walang demonyong tutulak sa akin dahil ikaw na mismo ang isa sa mga dmeonyo dito!” Itinapon niya sa kung saan ang kutsilyo at tinungo na niya ang hagdan paakyat.

Gusto niyang harapin si Julian upang sa bibig mismo nito manggaling kung ito ba talaga ang nagtangkang pumatay sa kaniya. At kapag napatunayan niyang totoo ang kaniyang hinala ay hindi siya magdadalawang-isip na isuplong ito sa pulis pag-alis nila sa islang ito.

School Trip 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon