LAKAS-LOOB na pumasok si Damian kinabukasan sa school. Kahit pa pagpasok niya sa classroom nila ay pinagtitinginan siya ng lahat ay inisip na lang niyang mag-isa siya. Nagbuklat at nagbasa siya ng notes nila dahil balak niyang kumuha ngayon ng final exam.
May mga bulungan siyang naririnig pero isinara na lang niya ang kaniyang tenga. Wala na rin naman siyang magagawa kung ipagtanggol niya ang kaniyang sarili. Hindi na niya mabubura ang imaheng nasa isipan ng mga kaklase niya. Magfo-focus na lang siya sa exam upang makakuha siya ng mataas na marka. Ipapakita niya sa mga ito na kahit na may nangyaring hindi maganda sa kaniya ay kaya niya pa ring magtagumpay sa buhay.
Maya maya ay dumating na rin si Teacher Catherine. Ngumiti ito sa kaniya nang makita siya nitong nakaupo sa unahan. Alam niyang masaya ang kanilang guro dahil pumasok na ulit siya. Umayos na ng upo ang mga kaklase niya. Napayuko na lang siya nang pumasok na rin ang grupo nina Georgina. Masama ang tingin sa kaniya ni Georgina at alam niyang dahil iyon sa nangyari kahapon. Naisip din kasi ni Damian na siya rin ang talo kung magpapaapekto siya sa mga tanong nanghuhusga sa kaniya.
“Good morning, class. Pasensiya na kung na-late ako ngayon. Nag-check pa kasi ako ng final exam ninyo. Tinapos ko na rin kagabi ang pagku-kwenta ng grades ninyo at nakuha ko na ang results,” ani Teacher Catherine. May inilabas itong papel mula sa bag nito.
“Guys, invited kayong lahat sa bahay namin. Celebration kasi ako ang class’ valedictorian!” confident na singit ni Georgina.
Labis na pinanghinaan ng loob si Damian dahil nakwenta na pala ni Teacher Catherine ang kanilang grades nang hindi man lang siya nakakakuha ng final exam. Sabagay, kasalanan naman niya dahil nag-walk out siya ng araw ng exam. Walang dapat na sisihin kundi siya lang. Wala nang iba.
“Sasabihin ko na ngayon kung sino ang valedictorian at salutatorian para makapaghanda na kayo ng speech ninyo for your graduation next week. And our class’ valedictorian is none other that… Mr. Damian Oliver. And Georgina Villaflor is our salutatorian. Iyong mga sumunod sa kanila ay tingnan niyo na lang sa bulletin natin after ng break--”
Biglang tumayo si Georgina na tila umuusok ang ilong sa galit. “This is a big joke! Paano naging valedictorian si Damian kung hindi pa siya nakakakuha ng final exam?! And I am one hundred percent sure na perfect ko ang final exam!” reklamo nito na sinabayan ng bulungan ng ilan nilang mga kaklase.
“Georgina, you are right… Na-perfect mo nga ang final exam pero kahit nangyari iyon ay hindi mo pa rin naungusan sa final grades si Damian. Gusto mo bang pakuhain ko pa ng final exam si Damian para mas maging mataas pa siya sa iyo? Kung hindi ka naniniwala, ibibigay ko sa iyo lahat ng grades ninyo simula first grading hanggang fourth grading at ikaw ang magkwenta. Gusto mo ba?” Mahinahong turan ng kanilang guro.
Halatang nagpipigil ng galit si Georgina. Nakakuyom ang kamao nito at matalim ang tingin. “Fuck!” mura nito sabay kuha ng bag at malalaki ang hakbang na lumabas ng classroom.
“Congratulations, Damian! To be fair, papakuhain pa rin kita ng final exam after ng first break time ninyo. Pumunta ka na lang sa faculty room. Okay?”
“Yes po. Salamat po, teacher…” tugon niya.
“At gusto ko na ding sabihin na walang bumagsak sa inyo sa final exam kaya tuloy ang outing natin sa weekend, class!” Sa sinabing iyon ni Teacher Catherine ay malakas na nagsigawan ang mga kaklase ni Damian sa sobrang tuwa.
-----ooo-----
“FUCK! Fuck! Fuck!” Sa sobrang inis at galit ni Georgina ay pinagtatapon niya ang mga bagay na nakikita niya sa rooftop ng school building kung saan siya naroon. Kasama niya doon sin Celine, Roxy, Lena, Julian at Carlson. Nanonood lang ang lima sa pagwawala niya.