Third Person POV
Isang matandang lalaki ang matiyagang nagmamatiyag sa mga kilos, galaw ni Hara Isis Izanagi.
Kasalukuyan siyang nasa itaas ng puno ng mangga na nakatayo sa loob ng North International Academy.
Nakasuot siya ng itim na kimono at may hawak na telescope. Habang pinagmamasdan niya ang haponesang dalaga sa loob ng building, ikatatlong palapag ang room ng dalaga, gamit ang kanyang telescope, mahina siyang kumakanta ng One Day ni Matisyahu.
Sometimes I lay under the moon
I thank God I'm breathing
And then I pray don't take me soon
I am here for a reason
Sometimes in my tears I drown
But I never let it get me down
So when negativity surrounds
I know some day it'll all turn around
Because....May kinapa siyang maliit na papel sa bulsa ng kanyang kimono. Inilabas ang nakarolyong papel at habang kumakanta, nagsulat siya ng kanji (Japanese Writing) sa puting papel.
All my life I've been waiting for
I've been praying for
For the people to say
That we don't wanna fight no more
They'll be no more war
And our children will play
One day One day One day
One day One day One dayNang makontento sa kanyang sulat, mabilis niyang inirolyo muli ang puting papel. Itinago sa kanyang suot na damit, ganun din ang hawak niyang telescope.
Ilang minuto pa, tila siya aninong lumundag sa puno. Paalis na siya!
Marami ang mga estudyante ang nakapalibot malapit sa puno ngunit kahit isa ay walang nakapansin sa matanda. Tila isa lamang siyang hangin na dumaan subalit ang iba ay nanindig ang balahibo dahil may narinig silang tinig na kumakanta.
One day One day One day
One day One day One day"Narinig nyo ba yun?" wika ng isang babaeng namumutla.
"Akala ko, ako lang ang nakarinig ng kumakanta."
"Shit! May multo talaga sa school na ito!" napamurang wika ng isa pang babae.
"Susundan pa ba natin si Rhapael?" kinakabahang tanong ng isa sa babae.
Halos araw araw nilang sinusundan ang binata. Mailap, masungit, suplado at higit sa lahat gwapo. Kaya halos one hundred percent ng female population ng North International Academy ay may gusto kay Rhapael Montoya.
"Sundan natin! Kailangan nating malaman kung saan saan siya nagpupunta." Nawala ang takot, muling kinilig ang babae. Ang kanyang mata ay kumukutitap sa tuwa. Tila na iimagine niya ang gwapong mukha ng binata.
"Sige!" sabay sabay na sigaw ng iba pang babae. Lahat ay kilig na kilig.
Kung tutuusin, wala namang ibang lugar na pinupuntahan si Rhapael. Palagi siyang natutulog sa damuhan sa field, sa benches na nakapalibot sa school, pati sa greenhouse ay nakikita din na natutulog siya. Araw araw ganon ang routine ng binata maliban na lang kung papasok siya sa mga klase na wala din naman siyang ginagawa kundi matulog.
Panakaw nilang kinukuhanan ng litrato ang walang kaalam alam na lalaki. Siguro kapag nalaman niya na isang libo mahigit na ang mga nakaw nilang pictures, magagalit si Rhapael.
Isang buwan mahigit na siya sa North International School at hanggang ngayon, wala pa rin siyang kinakausap na kaklase maliban sa mga pagsusungit niya.
"He's there!" impit na tili ng isa.m, pinipilit pakalmahin ang sarili sa sobrang kilig.
Tulog na tulog si Rhapael habang nakasandal sa puno. Para siyang lalaking model na lumabas sa isang magazine.
"My gosh! Ang swerte ng puno!"
Samantalang hindi nila napansin ang anino ng isang babae na nakasunod din sa kanila.
Nagtataka sa kanilang ginagawa. Kaya ng tiningnan ng babae ang hawak nilang camera, nanlalaki ang singkit niyang mata.
"MONTOYA SAN!" sigaw niya habang nakaturo sa picture ni Rhapael.
"AAaHHhhhhhhhhhhhhh!" sabay sabay na tili ng mga babae sa sobrang gulat.
"Why are you-
"Shut up!" nahimasmasan na wika ng tila leader na babae. "What are you doing here?"
Naguluhan si Hara Isis, tinuro pa ang sarili. "Me?"
"Tonta! Sino pa ba?" nakapameywang na wika ng pangalawang babae.
"I wir practice kendo." tila wala sa sarili na wika ni Hara.
Nagtawanan naman ang limang babae.
Nakasuot si Hara Isis ng over all Kendo armor outfit. Mula headgear hanggang knee cap ay mayroon siya. All black.
May dala dala din siyang parang samurai na gawa sa kahoy. Walang sapin ang kanyang paa, walang sapin kaya kitang kita ang kaputian ng kanyang paa sa damuhan.
"Weird."
"Ridiculous."
"Feeling ninja!" humahagikhik na wika ng isang babae.
Hanggang sa nagkurutan sila dahil biglang tumayo si Rhapael, tila naingayan sa kanila.
Tahimik siyang dumaan malapit sa kanila. Huminto ito ng ilang saglit at tinitigan si Hara Isis, mula ulo hanggang paa.
"Tss. Stupid." mahinang usal ni Rhapael bago tuluyang tumalikod sa kanila.
BINABASA MO ANG
Badass Ninja Princess
ActionHara Isis Izanagi, a ninja wannabe and a self-proclaimed ninja. Laughing stock ng school. Unruly, rebel, notorious, blacksheep, troublemaker. Those adjectives are synonymous to Rhapael Montoya's name, the lost Prince of Kingsland Palace. What if ma...