Chapter Thirty One

1.5K 71 5
                                    

Sta. Teresa, Occidental Mindoro

"Tatay, anong gagawin natin sa kanya?" nag aalalang tanong ni Kobe.

Nakahiga ang biktima sa kanilang papag na gawa sa kawayan. Wala pa rin malay subalit humihinga na.

Basa ang kanyang damit at sira sira, gusto sana nilang palitan subalit pare parehas silang mga lalaki sa bahay. Kaya kinumutan na lang nila.

"Hihingi tayo ng tulong kay Kapitana." desididong pasya ng kanilang ama. Lumabas na ito ng bahay upang tunguhin ang bahay ng nasabing kapitana.

Ilang sandali pa ang lumipas, kasama na niya ang kapitana, gayundin ang mga tanod at ilang Barangay Officials.

May mga tao na din na nagkukumpulan sa labas ng kanilang bahay.

"Aba'y basang basa ang bata, palitan na ng damit." wika ng butihing kapitana.

Nagtinginan silang magkapatid.

Samantalang si Mang Benjie ay kumuha ng lumang duster ng namayapang asawa. Buti na lang at hindi pa nila tinatapon, balak kase nilang gawing basahan.

Lumabas muna sila ng bahay habang binibihisan ng kanilang kapitan ang babae.

Pagpasok nila, gising na ang biktima. Nakatingin sa kanila na tila inaalam kung ano ang ginagawa niya sa lugar nila.

"Alam mo ba ang nangyari sa iyo, iha?" Panimulang tanong ng kapitana.

Hindi sumagot ang batang babae. "Ano ang pangalan mo?" dagdag tanong pa.

Ngunit hindi pa rin sumagot.

"Sa tingin namin ay anak mayaman ang batang ito. Sigurado kami na tinapon ng malaking yate-

"Shh. Baka natrauma kaya hindi makapagsalita."

Samantalang si Stephen ay biglang nagsalita. "Wh-what is your name?"

Kinutusan siya ng tatay niya. "Puro ka kalokohan-

"Tatay naman eh. Kung mayaman yan, malamang sanay sa english yan!"

"I don't remember." sagot ng batang babae.

Na shocked ang lahat. Lalo na ng muling humiga sa papag ang batang babae. Ipinikit ang mata na tila dini dismiss na sila.

Kinabukasan, nagpasya ang kapitana na ipa blotter sa Laiya, Batangas ang batang babae. Baka may naghahanap na na pamilya.

Pansamantala, sa bahay muna nina Mang Benjie nakatira ang batang babae.

Subalit, umabot na ng isang buwan wala pa rin naghahanap sa kanya. Ipinagtanong na din sa Laiya kung may yate na dinescribe sina Mang Benjie na kabilang sa beach resort, subalit wala din silang nakuhang sagot.

Samakatwid, wala silang ideya kung sino, taga saan, kaninong anak ang batang babae. Walang naghahanap sa kaniya.

Kaya naman, napilitan kupkupin ni Mang Benjie ang batang babae.

"Simula ngayon, Hanabi na ang pangalan mo. Ayos ba?" nakangiting wika ni Kobe kay Hara Isis. habang hawak hawak ang cellphone.

Pagkatapos ay nakarinig sila sa background ng
You have been slain.

Samantalang nakatingin lang ang batang babae. Hindi nila akalain na ang "I don't remember" niya ay ang una at huling katagang bibigkasin niya sa loob ng limang taon.


Present Day....

Walang pakinabang si Hanabi sa loob ng bahay. Walang alam na gawain. Bukod pa doon, hindi siya nagsasalita. Tahimik lamang siya.

Para siyang manikang de susi.

Frustrated na si Mang Benjie. Naghihikahos ang kanilang pamilya, sa panahon ngayon, hirap na hirap ang buhay nila. Walang makain.

Hindi naman nakapag aral ang kanyang dalawang anak dahil sa pagkain palang wala na silang pang tustos. Isa pa, ang paaralan ay tawid dagat pa, kung hindi man, aakyat at babain pa ang bundok makarating lang ng San Jose.

Kaya naman ang mga anak niya ay puro nakapagtapos ng elementarya at highschool sa ALS or Alternative Learning System. Natutong magbasa at magsulat, salamat sa programa ng gobyerno.

"Limang taon na, hindi pa rin nagsasalita ang babaeng yan." naiinis na singhal ni Mang Benjie habang hawak hawak ang bote ng gin.

Nakatingin lang si Hara kay Mang Benjie. Walang reaksiyon.

"Hanabi, gusto mo bang maligo sa dagat?" maya maya ay tanong ni Stephen.

Napatingin si Kobe kay Stephen. Kadalasan, nagagalit din si Stephen kay Hanabi dahil nga hanggang ngayon ay wala silang magawa sa batang babae.

Hindi pa rin nagsasalita si Hara. Kaya hinawakan na ni Stephen sa kamay ang dalaga.

"Stephen." Nagbabanta ang tingin ni Kobe. Kilala nya ang kapatid, baka gawan ng kalokohan ang dalaga.

Inis na hinatak ni Stephen palabas ng bahay si Hanabi.

Nakasuot ng lumang blouse at short ang dalaga. Karamihan sa damit na suot nya ay mula sa donations ng kanilang kapitana. Ang madami ay binili ni Kobe.

Tinuturing na ni Kobe na nakababatang kapatid ang dalaga, samantalang su Stephen ay hindi matanggap.

"Tsk. Maliligo lang sa dagat, wala akong gagawing masama." Nagagalit na singhal ni Stephen.

Walang nagawa si Kobe. Hinayaan na lang niya ang dalawa na umalis.

"Kobe anak, huwag mo masyado ilapit ang loob mo sa kanya, darating ang panahon, iiwan din tayo ni Hanabi." wika ni Mang Benjie bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Napailing na lang si Kobe. Kilala niya ang tatay nya. Mabuting tao at maprinsipyo. Alam din niya na nag aalala lang ang ama sa dalaga sapagkat hanggang ngayon ay wala pa ding improvement dito.

Badass Ninja PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon