Chapter Forty Six

1.5K 78 9
                                    

Finally the most awaited day came... Makakaharap na din ng kambal ang prinsipe.

Ayon kay Mr. Petunia Cervantes, dumating na kagabi ang prinsipe. Nong ika three days ng Royal Prince sa New York, nagyaya na di umano agad itong bumalik ng Kingsland. Kaya napaaga ang kanilang uwi.

Nagmamadali pang mag almusal ang dalawa sa Royal Kitchen. Napag alaman din nila na ang trabaho ni Hanabi ay hindi taga gayat ng sibuyas at patatas kundi taga bilang lang ng mga rekados sa kusina.

In short, sya ang taga inventory ng mga kakailanganing sangkap sa royal kitchen. Taga lista, taga inbentaryo ng mga stocks.

"Bunso, magpapakabait ka dito ah. Kailangan na namin pumunta sa office. Ngayon daw ang dating ng prinsipe."

Kita nilang bahagyang natigilan si Hanabi. Tila may gustong sabihin, ngunit tumango na lang sa dalawa. Bumuntong hininga pa ang dalaga bago pumasok sa malaking walk-in freezer ng royal kitchen dala dala ang kanyang inventory sheet.

Sa walk-in freezer nakalagay ang lahat ng stocks ng kusina upang mapanatili ang freshness ng mga gulay, prutas at iba pang rekados.

Dumiretso na ang dalawa sa opisina subalit gayon na lang ang gulat nila sa loob nito. Parang dinaanan ng ipo-ipo ang loob. Gulo gulo at bali pa ang paa ng mesita.

Mabuti na lamang at wala pa ang prinsipe kundi lagot silang dalawa kaya pambilis nilang nilinis ang loob ng opisina.

Binuksan ang kurtina para lumiwanag sa loob ng room.

Samantalang ang Royal Prince ay pumunta sa Kingsland garden. He was wearing his morning exercise outfit. Rubber shoes, white shirt and running pants.

Tuwing umaga, tumatakbo ang prinsipe sa garden. Kung gaano kalaki ang palasyo, ganundin ang harapan nito. Makikita ang napakagandang scenery sa labas ng kaharian.

May malaking maze garden, may malawak na fish pond sa east wing. Madaming klase ng koi fish ang naglalangoy dito.

May isang malaking lake din ang makikita sa west wing. May tulay na bato ang nagsisilbing daan para makapunta sa mga tower ng palasyo. Sa ilalim nito, may sikreto g lagusan patungo sa dungeon ng palasyo.

Lahat ng aapakan ay napapalibutan ng bermuda grass. May mga pavillion din ang makikita.

Ang mga pavillion ay dinisenyo ng mga tanyag na architect sa London. Ito ay open space at pahingahan ng mga naiinitan.

May isang napakalaking pavillion kung saan ang mga royals lamang ang pwedeng pumunta. Sa likod nito ay ang green house garden. Sa loob nito ay hindi lang mga halaman ng reyna kundi may malaking fish pond din.

Humihingal na nagpahinga si Rhapael sa field. Nahiga sa bermuda grass at pinagmasdan ang kalangitan.

May nakikita siyang hugis tao na may pakpak na tila isang anghel  sa ulap. Sa tuwing ginagawa niya iyon, iniisip niya si Hara Isis.

Five years na ang nakakalipas subalit parang malinaw pa rin ang alaala ng dalaga sa kanya.

"Are you happy now?" nakangisi niyang wika sa langit. "Too bad, I miss you so much, Osama."

Bumuntong hininga siya at tumayo na. Masakit na sa balat ang sikat ng araw. Mabagal na naglakad at binaybay ang tulay na bato.

Tinungo niya ang dungeon. Napapailing na lumabas siya. Naalala niya ang kapatid nya sa lugar na ito kung saan kinulong ng reyna.

Nagulat pa ang mga royal guards pagkakita sa kanya. Mabilis na sumaludo subalit hindi niya pinansin.

Siguradong hinahanap na siya nina Seymour, Karim at Kith lalo na ang reyna. Magtatanong marahil ang mga ito kung bakit hindi niya kasamang umuwi sa London si Princess Harriet.

Tinatamad siyang magreport sa reyna. Naiinis pa rin siya kung bakit nag hire na naman ng secretary ang palasyo. Hindi na sila nadala, kawawa lang ang kung sino mang secretary na tinanggap ng mga ito.

Ayaw nya na may nangingialam sa kanya, ayaw nya din ng may kasama. He respects his privacy so much.

Namalayan na lang niya ang sariling pumapasok sa loob ng Royal Armoury. Nagulat din ang mga manggagawa sa loob. Ang iba ay tila nangingilag sa kanya. Tama lang!

Samantalang may isang matanda ang napukaw ng atensyon niya. Busy ito sa pagsusukat ng bakal gamit ang metro.

Pailing iling pa ito. Hindi namamalayan na nakalapit na siya.

Akmang babatiin siya ng mga manggagawa subalit sinenyasan nya na manahimik ang mga ito at ituloy ang mga ginagawa.

Kakamot kamot sa ulo ang matanda. Tila namomroblema sa ginagawa.

May suot itong apron kagaya ng uniform ng iba pang manggawa.

Umubo siya para pukawin ang atensyon ng matandang lalaki. Subalit hindi pa rin siya pinansin nito.

Kaya inulit nya ang pekeng pag ubo.

"Magpagamot ka na, baka TB na iyan." tila wala sa sariling sabi ng matanda na naka pokus pa rin ang paningin sa bakal.

Si Rhapael naman ang nabigla. Hindi dahil sa sinabi nito, kundi dahil tagalog ang lenggwahe ng matanda. Kung gayon ay may tauhan pala ang palasyo galing Pilipinas?

"Hand me the meter." seryoso niyang utos dito. Pinatapang nya pa ang boses para matakot ito.

Sa wakas ay napansin na rin siya ng matanda. Siguradong mamumutla ito pagkakita sa kanya. Siya ang Royal Prince at lahat ng tao sa palasyo ay takot sa kanya.

Ngunit napanganga siya nang hindi nagulat ang matanda sa kanya. Halatang hindi siya kilala ng kaharap dahil tila naiinis siya sa presensya niya. Nakakunot pa ang noo nito na pinagmamasdan siya.

Mas lalong napangisi si Rhapael. Nakaisip ng kalokohan. Hinintay niya ang sasabihin nito.

"Ahh ehem." bahagyang tumagilid ang matanda. Kumamot ng ulo. "Paano ko ba sasabihin sa batang ito na hindi pwede?" pabulong na wika pa ng matanda. "Ehem, hehe."

Grade six lang ang natapos ni Mang Benjie dahil mahirap mag aral sa probinsya. Tatawid pa ng dagat ng Sta. Teresa para makapunta ng paaralan.

"What?" kunwaring hindi naiintindihan ni Rhapael ang binulong ng matanda.

"Ehehehe, N-no. Y-you y-ou s-sick." pabulol at patabingi ang ngisi ni Mang Benjie. Tila hirap mag english.

"Fuck, I can handle it." kunwaring inis na wika niya. Ngumisi ng bahagya. Ano bang sinasabi nitong may sakit siya? "Give me the meter!" sabay lahad ng palad.

"E-ehehehe. Kulit mo, bata." bubulong bulong na anas ng matanda. "W-what is y-your name, bata?" tila nang-uuto na tanong ni Mang Benjie. Bahagya pa nitong itinago sa likod ang metro.

Doon na nainis si Rhapael. "Bullshit!" sabay hawak sa kamay ng matanda. Hinablot ang metro.

"Bolshet?" nag-aalangan na ulit ni Mang Benjie. "Kakaiba ang pangalan mo iho."

Sino kaya ang naghire sa matandang ito? Halatang hindi marunong kahit basic na english.

Inis na hinawakan ni Rhapael ang bakal subalit nabigla siya dahil napakainit nito. Napaso ang kamay nya!

"Bullshit! Bullshit!" mura niya at inihagis ang metro. Hinawakan ang kamay na napaso! "Fucking fuck!"

"Iyan ang sinasabi ko sayo, Bolshet. Hindi laruan ang metro." galit na singhal ni Mang Benjie. "Kakasalang lang sa apoy ang bakal na ito." sermon pa ng matanda.

Mabilis na hinawakan ni Mang Benjie ang palad ni Rhapael. Tiningnan ang parteng nalapnos.

Hinila niya ang binata patungo sa gripo. Hindi na makahuma si Rhapael. Tinanggap ang lahat ng sermon. Kasalanan naman niya.

Samantalang ang mga tauhan at manggagawa sa loob ay nakatingin sa kanila.

Pare parehas ng reaksyon. Nakatulala, nakanganga at tila takot na takot.

Sino ba ang hindi matatakot na ang Royal Prince ay nasugatan? Isang malaking kasalanan sa palasyo ang manakit ng isang royal blood!




itutuloy...

Badass Ninja PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon