An Open Letter to Karim Cervantes
Dear Mr. Cervantes,
As the previous Princess of Kingsland Palace, I have a favor to ask. I believe that there is no one except you that can accomplish this request.
Please accept, four people from the Philippines as they need help and protection. I can't think of anyone to be trusted except you. These people are special and valuable for me.
I will be sending you their identities soon. Please kindly accompany them once they reach London.
P.S Please don't tell the Prince and Queen Petunia about them. Make sure that they were hidden in the palace.
Thank you!
Petunia the First
Isang beses lang nakaharap ni Hara Isis Izanagi si Karim Cervantes. Siya ang personal bodyguard, manservant ni Queen Petunia na siyang lola ng bestfriend niyang Si Princess Petunia.
Ngayon ay kaharap nila sa bahay nina Mang Benjie ang matandang Karim. Ipinakita nito ang liham o sulat ni Petunia patungkol sa paghingi niya ng tulong.
"My Princess is very keen in keeping your family safe." wika ni Karim habang humihigop ng kape na inihanda ni Mang Benjie. Binubuksan na din ng matanda ang suman bilang meryenda.
Samantalang sina Mang Benjie, Kobe at Stephen ay nakatunganga sa sala at nakatingin ng seryoso kay Karim.
Nagulat pa silang tatlo ng biglang may dumating na bisita ang kanilang si Hanabi. Hindi makapaniwala.
Naalala pa nila ang nangyari sa bangin, ilang araw na ang nakakaraan.
"Anong sinasabi mo na nanganganib ang buhay natin?"
"Si Mang Hulyo, isa siyang killer, tatay. Papatayin niya si Hanabi." sagot ni Kobe
"Bakit naman gagawin ni Mang Hulyo ang bagay na iyon?"
"Hindi ko alam. May kailangan sila kay Hanabi. Kailangan na nating umalis sa lugar na ito, magtago tayo sa Maynila kundi babalikan niya si Hanabi kasama ng isa pang killer."
"Nalintikan na! Wala nga tayong maisaing, pamasahe pa kaya papuntang Maynila?" natataranta na din si Mang Benjie. Hindi alam ang gagawin.
Kasalukuyang nasa kuwarto si Hanabi at nagpapahinga. Binabantayan siya ni Stephen. May mataas din siyang lagnat.
"Kambal, gising na si Hanabi. Hihiramin daw niya ang cellphone mo." wika ni Stephen.
"Tama, ibenta natin yang cellphone mo."
"Tatay naman. Di ko naman cellphone to, nasisid ko lang sa dagat." nanghihinayang na wika ni Kobe. "Baka balikan ng may-ari pagdating ng araw." Nagnanais pa rin siyang maibigay ito sa mayari. Sinubukan niya naman kontakin ang mayari subalit wala pa ring progress.
Totoong nasisid nya sa dagat ang cellphone. May waterproof case ang naturang cellphone ng makita niya kaya siguro hindi nasira o nalagyan ng tubig. Tatlo ang camera sa likod at may kinagat na Apple ang tatak ng cellphone. Mukhang bago pa sapagkat kokoonti lamang ang lamang pictures. Foreigner ang mayari ng cellphone. Wala ding password.
BINABASA MO ANG
Badass Ninja Princess
AkcjaHara Isis Izanagi, a ninja wannabe and a self-proclaimed ninja. Laughing stock ng school. Unruly, rebel, notorious, blacksheep, troublemaker. Those adjectives are synonymous to Rhapael Montoya's name, the lost Prince of Kingsland Palace. What if ma...