Do what you enjoy.
Isang misteryosong tinig ang paulit ulit na bumubulong kay Hara Isis.
Do what you enjoy. No one will condemn you.
Gawin mo ang nakakapagpasaya sa iyo, walang hahatol, walang manunuri. Kakaiba ang tinig, tila nagsasabi na tama lamang ang lahat ng ginagawa niya. Tila nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Wala siyang ibang nakikita kundi ang excitement.
She likes the smell of blood.
She likes to see someone's fear.
She likes to hear their agony and pain.
She likes everything about death.
Lumalakas siya kapag nakakakita ng dugo sa kanyang kamay. Natutuwa siya sa nararamdamang takot ng mga taong pinahihirapan niya. Nalalanghap niya ang kakaibang amoy ng kamatayan.
Unti unti siyang ngumisi habang nanginginig sa takot ang mga goons. Kitang kita ang pangamba sa mga mata nila habang patuloy sa mabilis na pagbulusok ang eroplano.
"F-fuck that shit! You're a demon. Curse you!" sigaw ng hoodlum. Halata ang pangangatal ng kamay habang hawak ang baril na nakatutok kay Hara Isis.
"Shoot her!" gigil na sigaw ng isa pa.
Ngumisi lang ang dalaga. Dahan dahang umupo sa sa upuan habang nakatitig sa mga goons na nasa corner.
Tila sila mga asong nauulol, galit na galit subalit bahag naman ang buntot. Hindi sumusugod sa takot. Hanggang panakot lamang ang kanilang pangil.
Lalong nakaramdam ng excitement ang dalaga. Nakadekwatro at bahagyang nakatukod ang kamay sa dulo ng handle ng samurai.
"Fire the gun." she mockingly said.
Tila lalong natakot ang mga goons. Nangigigil man, hindi pa rin maiputok ang mga baril. Malilikot ang mata, hindi makatayo ng diretso dahil sa malakas na pressure ng pabagsak na eroplano.
Hanggang ngayon iniisip pa rin nila kung paano nababalanse ng dalaga ang sarili kahit walang hinahawakan. Hindi rin gumagalaw ang upuan kahit lahat ng gamit sa loob ng eroplano ay nagsasalpukan na.
Kagaya ng pugot na ulo ni Poncy. Kumakalat na ang dugo sa sahig ng eroplano habang tila bolang gumugulong sa sahig ang ulo. Mas nakahihindik kung pagmamasdan dahil nakabukas ang mata ni Poncy.
"So when are you going to shoot me?" ngingisi ngising tanong ng dalaga. Halatang naiinip na siya. Diretso lang siyang nakatitig sa anim na katao sa harap niya.
Ilang minuto na lang at tila babagsak na ang eroplano. Makikita sa labas ng binatana ang asul na dagat ng Manila Bay.
Ilang minuto ang lumipas hanggang sa unti unting tumayo si Hara Isis.
"Okay" she said.
"I'm bored in the house, and I'm in the house bored. Bored in a house and I'm in the house bored. Bored in a motherfucking house bored" she sang like she's singing a lullaby.
Gulat na gulat ang mga goons hindi dahil sa pagkanta ng dalaga, kundi dahil sa isang usok na mabilis na parating sa kanila.
"INCOMING FUCKKKK!"
Isang malakas na pagsabog ang sumunod kasabay ng pagbulusok ng eroplano sa dagat.
Cavite, Naval Base
Nagpupulong pulong ang mga military ng Philippine Navy sa kanilang base na dating tinatawag na Naval Station Sangley Point.
Inaalam kung saan nagmula ang missiles na nagpasabog sa isang private plane na bumagsak sa gitna ng dagat malapit sa Manila Bay, ang western part nito ay ang probinsya ng Cavite.
Isang oras ang nakalipas, unang nag respond ang Philippine Air Force. Samantalang ang kanilang kinatawan ay naglayag na patungo sa naturang dagat na pinagbagsakan ng eropano.
Hinahanap na nila ang mga debris at kung may posibleng buhay sa mga biktimang sakay ng eroplano.
Nauna nang ibinalita ng Philippine Air Force na may apat na mga katawan ng mga biktima ang nakalutang sa dagat.
Meanwhile in Japan
"Is she dead?" mahinang tanong ng emperador ng Japan patungkol kay Princess Hara Isis.
"Hai. Siguradong walang nakaligtas sa pagsabog ng eroplano, kamahalan." nakayukong wika ng kausap ng hari.
Tumango tango naman si Emperador Izanagi. Mababakas sa kanyang mukha ang guilt at lungkot subalit wala siyang magagawa.
Kung hahayaan nila ang batang prinsesang mabuhay sa katauhan ng isang monster, posibleng mas marami ang mamatay.
Nang malaman nila na patakas ang miyembro ng Territorio Gang, gamit ang private plane mula sa Europe, madali na silang nagpasabog ng missiles gamit ang coordinates na natanggap ng kanilang intel.
Nakayukong lumabas ang kausapan ng hari sa kanyang pribadong opisina.
Samantalang unti unting pumatak ang luha sa magkabilang pisngi ni Emperador Izanagi.
"Sayonara, Hara Isis."
BINABASA MO ANG
Badass Ninja Princess
ActionHara Isis Izanagi, a ninja wannabe and a self-proclaimed ninja. Laughing stock ng school. Unruly, rebel, notorious, blacksheep, troublemaker. Those adjectives are synonymous to Rhapael Montoya's name, the lost Prince of Kingsland Palace. What if ma...