Taguig, Philippines
Minutes after the grenade explosion in the Bonifacio War Tunnel, the Japan launches its air strike as a revenge attack to the Territorio group.
Now, the President of the Republic of the Philippines is mad. Mula sa control room ng headquarters ng Armed Forces of the Philippines, nakatunghay siya sa live conference connection ng Prime Minister ng Japan.
Kasama sa conference ang translator ng naturang bansa. "Your action is all wrong in so many levels, Mr. Prime Minister." wika ng presidente ng Pilipinas. Mababakas sa mukha niya ang kaseryosohan.
Mabilis na nagtranslate sa Nihongo ang kasama nitong interpreter. "Your country is weak. You even let the terrorists occupy your land. Did you even know that they kidnap our Princess?" sarkastikong balik tanong ng Prime Minister ng Japan.
Inilapit ng Presidente ng Pilipinas ang mukha niya sa camera at seryosong nagwika. "We have intels. But what did you do? You act in hasty without thinking! Bombing our land? Launching air strikes that even killed thousands of my people?" malakas na sigaw. Halatang galit na galit na ang pinuno ng Pilipinas. "Well let me tell you Mr. Prime-
Mula sa monitor ng Japan, lumitaw ang isang walang kangiti- ngiting matanda. Kitang kita nila na yumuko ang Prime Minister ng Japan sa matanda.
Seryoso, istrikto at may mababanaag na nakakatakot na aura sa mukha ng matanda.
"Mister President, I am Emperor Izanagi." wika nito na nakatingin sa screen sa pinuno ng Pilipinas. "I am giving you twelve hours to locate the criminals." seryosong saad. "Or I will burn your country in fire, turning your country into dust. This is not a threat but a final warning."
Pagkatapos sabihin iyon ay namatay na ang connection.
Ilang minutong hindi nakakibo ang Presidente ng Pilipinas. Huminga ng malalim bago dumako ang atensyon sa mga pinuno ng mga hukbong sandatahan ng Pilipinas.
"Siguraduhin na hindi makakalabas at makakatakas ang mga kriminal. Dead or alive." seryoso at may sense of urgency na utos ng presidente. "Dose oras ang ibinibigay na palugit. Nasa kamay ninyo ang kaligtasan ng buong mamamayan ng Pilipinas." ang tinig ng Pangulo ay kababakasan ng desperasyon habang nakatingin sa lahat ng pinuno ng sandatahang lakas ng bansa.
Mula sa Philippine Army na magtatanggol sa oras ng digmaan, Philippine Air Force na sasagupa sa mga kalaban sa himpapawid, Philippine Coast Guard na tagapagpatupad ng batas sa mga babaying karagatan ng Pilipinas, Philippine Navy at Philippine Marine Corps, mga hukbong pandagat ng bansa. Kasama din sa pagpupulong ang NBI at PNP.
Isa isang sumaludo bago lumisan ang mga naturang pinuno na kasama sa conference room ng bansa.
Ang bawat sandatahang lakas ay naka alerto anumang oras sa sandaling sumiklab ang digmaan.
Samantala sa isang abandonadong warehouse sa Metro Manila...
"Fucking cunt! Not done yet?" naiinis na inihilamos ni Mckenzie ang kamay sa mukha.
Ilang oras na silang nakatakas mula sa tunnel ng BGC. Dinig na dinig pa nila ang pagsabog ng tunnel mula sa air strike na ginawa ng Japan.
Makalabas man sila ng buhay sa Pilipinas, nasisigurado nilang hindi naman sila makakatakas sa galit ng mga Japanese.
"Stop blabbering, you gay! Relax!" may halong inis na wika ni Reno. Abala siya sa computer niya.
Kailangang maging maingat sa pagpapadala ng mensahe. It's not easy when Japanese people are way high up in terms of technology. They can trace you in a minute.
Kahit naka incognito, at secured ang ginagamit niya, alam niyang posibleng ma retract pa rin ng mga ito ang kaniyang mensahe.
Mensahe na hihingi ng tulong para makalabas mula sa kagrupong Territorio Gang.
"Fucking yes! It's done now!" nakangisi ng saad na wika ni Reno. Napasuntok pa sa hangin. "Chill your ass and we will have our own rescue team in no time!"
Nakahinga ng maluwag si Mckenzie gayundin ang iba pa nilang kasama.
Sumisipol sipol na tumungo si Reno sa pinto ng abandonadong warehouse. Hinawakan ang seradura at handang pihitin ng magsalita si Mckenzie.
"Where are you going?!"
"Breathing fresh air outside. Wanna come?" ngising tanong ni Reno.
Umiling lang ang lalaki.
Kibit balikat na tuluyang pinihit ni Reno ang doorknob.
Pagbukas niya ng pinto, nanlalaki ang matang napatitig siya sa pigurang nabungaran sa entrada ng pinto.
"Bullshit! W-why are you here?! How did you find us?!
Ngumisi lang ang panauhin.
Unti unting napaatras si Reno. May pakiramdam siya na nasa panganib sila, na maaaring hindi maganda ang hatid ng panauhin.
Ngunit pinipilit ni Reno na pakalmahin ang sarili. Hindi dapat katakutan ang babaeng nasa harap. She's just a girl!
"Who's that Reno?" tanong ni Mckenzie.
"Just someone." gayunpaman ay inis na sigaw niya.
"Who?" lumapit na si Mckenzie.
Pagkakita niya sa panauhin ay natumba siya sa sahig.
Nanlalambot.
Natatakot.
Kinakapos ang hininga.
Bakit walang idea si Reno na ang kaharap nilang babae ay berdugo ng mga yakuza? Pumatay sa halos kalahati ng miyembro ng Territorio? At higit sa lahat, siyang dahilan kung bakit wala na ang pinuno nilang si Queen Elizabeth.
Ang babaeng panauhin ay walang iba kundi ang pinatalsik na Prinsesa ng Kingsland Palace.
"I am Petunia the First." wika ng panauhin sa mababa ngunit nakakatakot na tinig.
*Please vote and comment. Thanks!
BINABASA MO ANG
Badass Ninja Princess
ActionHara Isis Izanagi, a ninja wannabe and a self-proclaimed ninja. Laughing stock ng school. Unruly, rebel, notorious, blacksheep, troublemaker. Those adjectives are synonymous to Rhapael Montoya's name, the lost Prince of Kingsland Palace. What if ma...