Kingsland Palace, London
Nakaupo si Rhapael sa trono ng reyna at nakataas ang kanyang paa sa table na may mga nakahaing pagkain.
Nakangisi siya habang pinapanuod sumayaw ang limang manservant niya, tatlong chambermaid, apat na royal guards, isang royal physician at dalawang nurse.
He commanded them to dance or they will be hang. lol
"My nunnunnunnunnunnun nunbit
ssodajineun My teoteoteoteoteoteo teochi hanappunin My reobreobreobreobreob My Lover nae meoributeo ppumppum
nae balkkeutkkaji ppumppum ppump-"What the fuck, Karim! Bring back momoland!" singhal niya kay Karim Cervantes na kadarating lang.
Isa siyang 'magiting' na royal guard ng palasyo. Pinagkakatiwalaan ni Queen Petunia, ang kasalukuyang Reyna ng Kingsland Palace at ang kanyang 'masungit' na lola.
Ngunit umiling ang seryosong si Karim Cervantes. Mukhang narindi sa lakas ng tunog ng boom boom kaya pinatay niya ang sound mula sa 'improvised' home theater na pinilit pa niyang ipuslit sa hallway ng White Tower.
Sabagay, walang alam sa mga 'uso' at 'trending' ang matandang royal guard.
"My Prince, the Queen wanted to talk to you about-
He just rolled his eyes. This is the tenth attempt that the Queen wanted to talk to him about the succession. Yes, he will be the next King of Kingsland Palace.
Ngunit ayaw niya. Ayaw niya dahil sa ginawa ng reyna sa kapatid niyang si Petunia. She was dethroned because of her, their own granny.
Petunia the First is in the Philippines right now with her annoying 'boyfriend'. Yes, nagpaplano na silang magpakasal ngunit tutol pa rin siya.
Aww, fuck. Ayaw na muna niyang isipin pa ang dalawa. Habang masaya ang kapatid niya, hahayaan niya muna. Ngunit nagpaplano din siyang bawiin ang kapatid at pabalikin sa Kingsland Palace, sa ayaw at sa gusto ng kanilang lola.
Sa ngayon ay ginagawa niyang miserable ang buhay ng mga tao sa palasyo ng Kingsland.
Araw araw, pinagtitripan niya ang mga tauhan dito.
Noong isang araw, pinasayaw nya ang lahat ng Barbie song pagkatapos ay pinilit niya pang pakantahin ng 'Mirae', isang sikat na Japanese song.
He laughed his ass off. Bulol sila at slang sa pagkanta. Sumakit pa ang tiyan niya kakatawa.
Alam na alam niya sa sarili niya na alam ng reyna ang mga pinaggagagawang kalokohan niya sa palasyo ngunit hindi pa rin siya sinasaway nito. Halatang may niluluto ang reyna.
He sighed. Naiinip na siya sa loob ng Kingsland. Gusto niyang lumabas ngunit hindi pa sapat ang ginagawa niyang 'kalokohan' para pumayag ang reyna na pabalikin ang kapatid niya.
Kung tutuusin, mas may karapatan ang kapatid niyang si Petunia kaysa sa kanya. Unang una, mas matagal na namuhay si Petunia sa Kingsland Palace kaysa sa kanya.
Ikalawa, mas alam ni Petunia ang kalakaran sa palasyo hindi tulad niya na bagong salta lang.
The second reason why he doesn't want the throne is solely because of Hara Isis Izanagi. There's a rule in the palace that you cannot be with a commoner.
Kagaya ng nangyari kay Petunia, na inlove kay Rainwater Sky kaya hindi na rin maari pa sa palasyo.
Am I inlove with Hara Isis? bigla siyang napaisip. Sa loob ng dalawang araw na nakabalik siya ng London, hindi pa rin mawala wala sa isip niya ang dalaga.
Gusto na niyang bumalik sa school. Alamin kung kamusta na siya, kung magkasama ba sila ni Summer. Is she cheating on me? Fuck! Pag naiisip niya ang bagay na iyon, naiinis siya.
Pero anong magagawa niya, hindi naman niya nalaman ang sagot ni Hara Isis. But he is assuming that Hara Isis understood what he said. She's mine!
Imperial Palace, Japan
"The Princess is in the hands of Territorio Gangs." nakayuko ang ulo na wika ng matandang ninja na inutusan niya upang subaybayan ang aktibidades ng prinsesa.
Nanlambot ang emperador sa balitang nadinig. Hindi makapaniwalang madaling nakuha ng masasamang grupo ang kanyang apo.
Lubos siyang nagtiwala sa kanyang tagapag balita. Ngunit tila tumatanda na talaga ang legendary samurai na tinatawag ngayon sa Pilipinas na Wandey.
He had no name. The skilled legendary samurai was the baddest samurai he had ever known. Dati siyang nakatira sa tagong kweba ng Mt. Kurama. Naging kaibigan ni Petunia the First.
At higit sa lahat, noong natagpuan niya ito, bulag siya dahil sa katarata. Gayunpaman, napakalakas niya at kinatatakutan ng lahat. Pinaoperahan niya ang matanda, nakakita at bilang ganti, nangakong babantayan ang apo niyang si Hara Isis Izanagi.
"Ano ang kailangan nila?" mahinahong tanong niya sa samurai na nakayuko.
"Armas at mga pampasabog kapalit ng prinsesa."
Nabigla ang emperador. Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig.
Hindi niya maaring ibigay ang gusto ng mga kidnappers dahil alam na alam nilang gagamitin ito masama. Delikado!
"Is there any other option?"
Umiling ang matandang samurai. Mula sa kimono niya, inilabas niya ang ilang larawang kuha kay Hara Isis.
Nakatali siya sa isang silya na punong puno ng pangpasabog!
Sa likod ng silyang kinalalagyan ng prinsesa ay mga bulto bultong granada at iba pang explosives.
Na kapag sumabog ay guguho at madudurog ang buong siyudad ng Maynila!
Mamamatay ang lahat ng taong walang kamalay malay sa nangyayaring krimen sa ilalim ng tunnel ng lungsod!
Ano ang gagawin nila?
BINABASA MO ANG
Badass Ninja Princess
ActionHara Isis Izanagi, a ninja wannabe and a self-proclaimed ninja. Laughing stock ng school. Unruly, rebel, notorious, blacksheep, troublemaker. Those adjectives are synonymous to Rhapael Montoya's name, the lost Prince of Kingsland Palace. What if ma...