Chapter Thirty Six

1.5K 89 4
                                    

"Weapons are the tools of violence and of fear. However, tongue is the sharpest weapon in the world."

Five Years Earlier...

Mula sa cockpit o flight deck nakareceive ng radio transmission ang dalawang piloto ng private plane na sinasakyan ng mga goons.

Nanginginig na tinanggap nila ang tawag sa controller communication.

Kinakabahan, hindi makahinga ng maayos, natatakot dahil sa gitna nila ay may babaeng pula ang mata at may hawak na samurai na puno ng dugo habang nagmamasid sa kanila.

Hindi nila namalayan at hindi nila nakita kung paano nakasakay ang batang babae sa kanilang eroplano.

May daladala itong itim na plastic bag. Plastic bag na naglalaman ng pugot na ulo ng kasama nilang goon na si Poncy. Tumutulo pa ang dugo sa plastic.

"Hara.." wika ng kabilang linya. Boses ng matandang lalaki ang nadinig nila.

Nagtataka sila kung sino ang tinatawag nito na Hara. Pangisi ngisi lang ang batang babae subalit pagkadinig sa tinig, nagbago ang expression nito.

Sinenyasan silang dalawang piloto na lumabas ng cockpit at bitbitin ang plastic bag. Inutos din nito na ibigay sa mga kasamahan nila.

Kung iiwan nila ang flight deck, babagsak ang eroplano. Walang magc control. Subalit, iwinasiwas ng batang babae sa leeg nila ang samurai na hawak nito. At sigurado silang hindi mag aalinlangan itong pugutan sila ng ulo.

Napilitan silang bakantehin ang cockpit. Naiwan ang batang babae habang hawak hawak ang radio controller.

"Hara.." bago nila iwan ang cockpit, nadinig pa nilang muling sabi ng kabilang linya

"J-jiji?" sagot naman ng dalaga. Tila siya nahimasmasan sa mahabang pagkakatulog. Hindi niya ramdam na nagbabago ang kulay ng mata niya, mula sa pula, bumabalik ng normal.

"Don't call me jiji. I am no longer your grandfather." matabang na wika ng lolo niya.

Nagkabikig ang lalamunan ni Hara.

"W-why so?"

"You are a devil. You are possessed by demon. You are not my grand daughter anymore. You butchered and murdered several people." dismayadong paliwanag ni Emperador Izanagi.

Parang hinihiwa ang puso ng dalaga sa mga salitang binitiwan ng kanyang lolo.

"B-but-

"I am really sorry. I- I n-need to kill you, Hara. P-please forgive me."

"J-jiji I am your only grand daughter. W-why are you doing this?"

"You are a demon. You don't deserve to live. And I have responsibilities to my people. I am choosing millions of people lives over you. I am sorry, Hara."

Unti unting pumatak ang luha sa magkabilang pisngi ni Hara Isis. Demonyo ba talaga siya? Bakit nagkaganon siya? Anong nangyari sa kanya? Bakit hindi niya maalala?

Tinitigan niya pa ang kanyang palad na nababahiran ng mapulang dugo na hindi niya alam kung paanong nagkaroon. Siya ba talaga ang tinutukoy ng lolo niya?

Badass Ninja PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon