Chapter Nineteen

2.3K 103 3
                                    

27th Avenue, East Rembo, Taguig
11:59 PM

Someone POV

"Kinikilabutan ako 'pre!" wika ng isang lalaki habang parang pusa sa dilim na humahakbang sa batong hagdan paibaba ng tunnel.

May dala dala siyang night vision camera. Yung isang kasama niya ay may bitbit naman na ghost hunting paraphernalia.

"May nararamdaman ka na ba?" tanong ng nakaitim na parang emo na lalaki.

Bukod sa kinikilabutan siya sa kweba kung saan libo libong Pilipino at Amerikano ang pinaslang ng mga Japanese, kinakabahan din siya dahil hindi sila kumuha ng permit para pumasok sa pinagbabawal na kweba.

Makikita sa entrance point ang nakasulat na signboard na 27th Ave. East Rembo ng war tunnel bago sila pumasok.

"Sigurado ka bang wala nang mga pampasabog dito?" kabadong tanong ng isang lalaki.

Bahagya kaseng tumutunog ang gadget na hawak niya na kumikilala sa mga metal lalo na ng mga explosives.

Ang war tunnel ay dating passageway para makapuslit ng war materials at supplies ang mga sundalo. Ginawang artillery din at ammunition storage.

"Pre, 1995 pinasarado sa publiko ang war tunnel na ito. Siguradong wala nang natitirang bomba. Kahit nga yung sinasabi nilang possible yamashita treasure na dito daw itinago ni Tomoyuki Yamashita, siguradong wala na. Ever heard about looting pre?"

Gayunpaman, panay pa rin ang ilaw ng sensor ng bomb detector na hawak ng isang lalaki, tila nakakasagap ng bomba. "Shit, 'pre."

"Ungas ka talaga. Tumutunog yan dahil nakakasagap yan ng energy mula sa mga kaluluwang hindi matahimik. Multo ang pinunta natin dito, hindi bomba, gago!"

Napapalunok na tumahimik na lang ang lalaki matapos siyang singhalan ng kasama.

Sa tingin niya, may bomba talaga sa kuweba dahil sa totoo lang, hindi siya naniniwala sa mga multo. Mas hamak na nakakatakot kung bomba nga ang makita nila. Shit!

Wala siyang magawa dahil trip ng kaibigan niyang mag ghost hunting dito. Alam niyang naka singhot na naman ng meth ang kasama niya, kaya praning na praning sa paghahanap ng multo. Kapag tumanggi siya, siguradong gulpi siya sa kasama.

"Tangina, sabi ko sayo may multo dito eh!" nakangising bulalas ng kasama niya.  "Bilis, irecord mo!"

Pagtingin niya sa tinutukoy nito, gulantang siya sa nakita. Natumba pa siya sa lupa kaya tumilapon din ang camera niya.

Isang babaeng may mahabang buhok ang nakaupo sa silya.

Nakatali siya.

At may nakapalibot na bomba sa katawan niya!

Nangangatal na napaurong siya sa sulok. Siguradong sasabog sila dahil umaandar ang timer ng bomba. Tangina!

"Putragis kang duwag ka! Iyan nga ang tinutukoy kong multo!" inis na binatukan pa siya ng kasama.

Pinulot nito ang camera niya. Sinubukan paganahin, subalit ayaw. Mukhang nasira pa. "Tingnan mo ang ginawa mo! Nasira tuloy ang camera, ugok ka kase." galit na sigaw nito. "Baka hindi na magpakita yang multo. Tsk!"

Adik talaga! Hindi niya ba nakikita na hindi multo ang babae? Shabu pa!

"Teka, mas maganda siguro kung mag live tayo sa facebook para sabihin nila na hindi edited ang video!" pangisi ngising kinuha nito ang sariling cellphone.

Badass Ninja PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon