Chapter Fifty Five

1.4K 81 6
                                    

"Hindi ka bingi." sarkastikong wika ni Stephen. Nakakailang suntok na ang binata sa kanya. Kung nasa labas sila ng palasyo, baka patulan nya ito.

Samantalang si Kobe ay payapang humihigop ng tsaa sa picnic mat.

Tila walang nangyari. Tila walang away na nagbabadya.

"So, may gusto ka sa kapatid namin?" ulit ni Kobe. Kahit prinsipe ang kaharap nila, hindi niya magawang mailang dito.

Sinenyasan nya si Hanabi na bumalik sa pwesto nya kung saan sya nakaupo kanina sa picnic mat.

Nakayukong  sumunod ang dalaga.

Hindi pa rin makahuma si Rhapael. Hindi maproseso ng utak niya na kapatid ni Hara Isis ang dalawang ungas.

"How the fuck did you became siblings?" sarkastiko at hindi naniniwalang tanong ni Rhapael. Nahulasan na siya ng galit niya pero andoon pa rin ang inis.

"Malamang! Iisa ang magulang namin!" inis na sabat ni Stephen.

Tumawa ng sarkastiko si Rhapael. Sigurado siyang  nagsisinungaling ang dalawa. Nag iisang anak si Hara Isis, nagiisang apo ng emperador ng Japan. Did they know that?

"Bunso, simula ngayon, pinagbabawalan na kitang makipag-usap sa kumag na ito." ani ni Stephen. Halatang wala ng respeto sa kanya bilang prinsipe ng Kingsland.

Sabagay, naka ilang suntok siya kay Stephen.

"Who are you to order such nonsense?" nagiinis na wika ni Rhapael.

"Who are you to order such nonsense?" gaya gayang ulit ni Stephen. Halatang nang-iinis din. "Bunso, sinasabi ko sayo pag nakipag usap ka sa mokong na ito, yayakagin ko pauwi ng Pilipinas ang tatay. Iiwanan ka namin dito." banta ni Stephen.

Natatawa na si Kobe. Alam niyang namba bluff lang ang kambal. Pero sa nakikita niya, parang maiiyak na si Hanabi.

Walang nagawa ang kapatid nila kundi tumango. Masunuring kapatid si Hanabi. Minsan man, hindi nila nakitaang magalit ang dalaga. Palaging tahimik ito.

"At ikaw, hanggang tingin ka na lang." dinuro ni Stephen si Rhapael.

Kahit barumbado ang binata, hindi nya magawang suntukin muli si Stephen. May pakiramdam siyang kamumuhian siya ni Hara kapag ginawa niya iyon.

"Who the fuck are you to say-

"Who the fuck are you to say- gagad ni Stephen. Hustler si Stephen sa pang-iinis, alam na alam ni Kobe yan. Kahit nong nasa Mindoro sila, pilosopo tasyo na yan.

Hindi rin maintindihan ni Kobe kung saan kumukuha ng lakas ng loob si Stephen para sagut- sagutin ng pabalang ang prinsipe ng Kingsland. Baka pag nalaman ng reyna, ipapugot ang ulo nila.

Napasuklay ng magulong buhok si Rhapael. Hindi alam kung paano kakausapin ang dalaga lalo na at may bantay na isang parrot at isang kwago.

"Mawalang galang na sayo prinsipe ng Kingsland, breaktime namin ngayon, ano ba ang pinunta mo dito?" walang galang na tanong ni Stephen. Halatang nang-iinis na.

"Who are you to question my whereabouts?"

"Oh di sige, huwag. Basta wag mo kami uutusan pag oras ng pahinga, may labor code naman siguro dito."

Galit na napabuntong hininga si Rhapael. Paulit ulit sinuklay ang magulong buhok. Hindi talaga siya makaka porma kung ganito ang sitwasyon. Pwede nyang daanin sa basag ulo kaya lang baka malaman ng reyna.

Ayaw nyang mapahamak si Hara Isis  sa kuko ng lola niya. Baka palayasin ng palasyo ang dalaga.

Nanlilisik ang matang lumabas na siya ng walk in freezer bago pa siya hindi makapagpigil sa sarili at upakan ang dalawang asungot. Hahayaan na lang muna nya. Sisiguraduhin nyang pahihirapan nya ang mga ito.

Bumalik na siya ng opisina niya. May nakita pa siyang isang kahon na naka sealed pa. Mukhang may nagpadala.

Pagbukas nya ng box, isang maliit na samurai ang nakita niya at isang sobre.

"THE DEMON IS WAITING FOR HER."

Napangisi pa si Rhapael. Mukhang nagkamali ng pinadalhang opisina ang sender. Gayunpaman, wala siyang planong ibigay kay Queen Petunia ang tila threat at regalo ng kung sino man para dito.

Isa pa, gusto niyang itago ang maliit na samurai. Maganda, may kabigatan ng kaunti ng inangat niya. Halatang antigo din at may mga Japanese Hiragana at Kanji ang nakaukit sa blade ng samurai.

Subalit sino naman kayang demonyo ang naghihintay sa lola niya? Alam niyang marami ang gustong pumatay sa reyna, pero ang regalong ito ang pinaka kakaiba sa lahat.

Ipinasok niya sa drawer ang munting samurai pagkatapos nilamukos nya ang sulat at inihagis sa sahig. Ganun din ang box.

Hahayaan nyang ang dalawang ungas ang maglinis. Inangat nya pa ang paa at ipinatong sa table. Nakaupo siya ng pasalumpak.

Kung kapatid ng parrot at kwago si Hanabi, ibig sabihin tatay nilang tatlo ang matandang masungit? Mukhang mahihirapan siyang alamin ang tungkol sa dalaga.

Kailangan niya na lang siguro makipag palagayang loob sa matandang mahilig kumutos. Sana lang ay hindi ipaalam dito ng mga anak niya na siya ang prinsipe ng kingsland kung hindi mas lalo siyang mahihirapan makalapit sa matanda.

Kinuha nya ang cellphone at dinial ang number ni Kith Sentosa.

"Did you find anything?" he asked.

"Dead end, my Lord. These people here in Mindoro doesn't know Hara Isis. They won't even talk about Mr. Benjie's family." wika ni Kith sa kabilang linya.

Kasalukuyang nasa Pilipinas si Kith Sentosa, pinapa imbestigahan nya ang tinuturing na pamilya ni Hara Isis.

"Why the fuck is that? Pay them all so they will talk!" he angrily shouted at the phone.

Kung siya ang nasa Pilipinas, ginulpi na sana niya ang mga tao doon para lang magsalita.

"Still they won't talk. Maybe you should ask Karim Cervantes, my lord. He's the key."

"Fuck Karim!" nagagalit niyang singhal pagkatapos ay walang paalam na binabaan ang kausap.

Imposibleng may makuha siyang impormasyon kay Karim Cervantes. Kahit anong gawin sa matanda, hinding hindi maglalabas ng impormasyon yan. Mamatay man ito, hindi pa rin magsasalita.

Sino naman kaya ang nasa likod ni Karim? Bakit nakarating ng palasyo si Hara Isis na hindi alam ng reyna? Napaka imposibleng bagay!

Tumayo siya mula sa pagkakaupo. Dumungaw sa malaking bintana.

Hindi niya talaga gusto ang napakaliwanag na ambience. Masyado siyang nasisilaw. Hinawakan nya ang makapal at mabigat na kurtina.

Akmang isasara na niya ang bintana ng may anino siyang napansin.

Mabilis niyang hinanap ngunit naglaho. Muntik pa siyang matumba sa gulat ng biglang nagpakita ito sa bintana.

Nakangisi ang nabubulok na mga ngipin ng matanda. May malaking peklat ang kaliwa niyang pisngi. Kulubot na ang kanyang balat. May mga katarata ding nakapalibot sa singkit niyang mata. Halos namumuti na ang kanyang buhok.

Samantalang ang kanyang kausotan ay tila damit ng mga sinaunang ninja. Sa kanyang kaliwang baywang ay may nakita din siyang mahabang samurai.

"Ingatan ang prinsesa." wika nito.

Bago pa siya makapagsalita, nawala na lang ito na parang bula. Tila hangin lang na dumaan. Segundo lang ang pagitan.

Dumungaw pa siya sa labas ng bintana, ngunit wala na talaga.

Mukhang nagbigay babala lang ang matandang ninja. Ngunit sino naman kaya ito? Sinong prinsesa ang tinutukoy nito?

Kung si Petunia The First ay impossible, kasalukuyan siyang nasa Pilipinas. Impossible naman ang reyna, malinaw na prinsesa ang tinutukoy ng ninja. Mas lalong duda siya kung si Princess Harriet. Halatang Japanese ang ninja.

Unti unting lumalakas  ang kalabog ng dibdib ng binata.

Kung gayon, walang ibang tinutukoy ito kundi si Hara Isis Izanagi!

"Princess Hara Isis."

Badass Ninja PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon