"Don't kill her yet."
Isang tinig ang pumigil kay Mang Hulyo. Hindi naramdaman ng matanda ang pagdating ng lalaki lalo na ang paghawak nito sa samurai.
Kilala ni Mang Hulyo ang lalaking nakasuot ng yoroi. It consists of a black jacket, black trousers, light sandals, and a hooded cowl. Ang yoroi ay ang kanilang damit o baluti bilang ninja.
"Let her finish the assignment." mahinang bulong ng misteryosong ninja.
Ang assignment na tinutukoy nito ay ang misyon ni Hara Isis bilang isang dating ninja.
Naalala nya pa ilang dekada na ang nakakaraan. Ang kanilang master ay binigyan ng malaking pera kapalit ng buhay ni Emperor Izanagi.
Sila ay grupo ng mga shinobi, ninja sa Japan. Kagaya ng kanilang tradisyon, mga mercenaries sila, assassins, spies. Inuutusan upang pumatay, upang magmanman.
Hindi madali ang trabaho nila, kaya lahat ng identities nila ay tago. Lahat ng kilos nila ay hindi dapat malaman ng kahit sino. They were trained very well.
Hindi din madali ang utos sa sakanilang shinobi, dahil mismong emperador ng Japan ang nais ipapatay ng misteryosong kliyente. Ubod ng higpit ang kanyang mga bantay.
Isa pa, may binubuong samurai community ang hari ng Japan sa Mount Kurama. Mga mabubuting samurai warriors na handang magbuwis ng buhay para sa bansa.
May bulong bulungan na kasama doon ang legendary samurai na naninirahan sa tagong kweba ng bundok Kurama.
Kung silang mga ninja ay tago ang pagkakakilanlan, kilala rin bilang matatapang at malalakas, may mga kwentong nagsasabi na ang matandang samurai warrior ay doble ang pagka bangis at tapang. Ayon sa kwento, lahat ng nakakakita sa matanda ay hindi na binubuhay nito.
Ang malas lang na isang testigo ang himalang nakatakas at nabuhay. Yun ay ang kanilang master. Siya ang pruweba ng nakakatakot na nilalang ang legendary samurai warrior.
Subalit ngayon ay ayaw nitong pagusapan ang tungkol sa legendary samurai warrior.
"Kidnap Hara Isis Izanagi." seryosong utos ng master nila sa kanila.
Ilang dekada na subalit, naalala pa ng misteryosong ninja kung paano nila kinidnap at hinasa bilang isang ninja ang batang si Hara Isis.
Na brainwash nila na isang masamang nilalang ang sarili niyang lolo. At kailangan niyang patayin ano pa man ang mangyari.
Ngunit laking pagkakamali nila na may isang demonyo ang naninirahan sa katawan ng batang si Hara Isis. Sa kanilang ginawa sa bata, nagising ang demonyo.
Ang masama nito, pinaslang pa ang kanilang pinuno. Tandang tanda nya pa ang huling salita ng batang si Hara Isis Izanagi, bago patayin ang kanilang master.
"I am your genie and your wish is my command." ngingisi ngising sabi ni Hara kaharap ang lahat ng ninja na hindi makahuma dahil sakal sakal nya ang kanilang master. "But you need to give me your life."
Muling nanumbalik ang alala ng misteryosong ninja sa kasalukuyan. Nagtinginan sila sa mata ni Mang Hulyo.
"I will let you live Hara Isis Izanagi. But you have to keep your promise." banta ni Mang Hulyo.
"Remember, you were our Master's genie and his wish is your command!"
Kitang kita nila ang panlalaki ng singkit na mata ni Hara Isis. Alam nilang kahit paano, naaalala niya ang nakaraan.
Bago nila iwan sina Kobe at Hara Isis, nagwika ang misteryosong ninja "Do your mission or else, we will hunt Kobe's family."
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating din sina Stephen at Mang Benjie.
Nahintatakutan pa ang mag ama ng makitang nasa bangin si Hara Isis at pilit inaalis ni Kobe.
"Ano bang ginagawa ninyong mga bata kayo sa bangin?Napaka delikado dito!" galit na bulyaw ni Mang Benjie.
"Nadulas po si Hanabi." maikling paliwanag ni Kobe. Kakatwa ang pagkakatingin nya kay Hanabi. Maraming katanungan ang nais nyang masagot ng dalaga.
Nanumbalik lang siya ng batukan siya ng ama. "Anak ka ng tinapa! Bakit may sugat sa leeg ang kapatid mo?" mabilis na pinilas ni Mang Benjie ang manipis na sando at tinalian sa leeg si Hara.
Isa pang pilas ng damit para naman sa kamay ni Kobe.
"Nasaan ang itak? Naglaro ba kayo ng tagaan? Ako na ang papatay sa inyong dalawa!" gigil na sermon pa ni Mang Benjie.
"Halina kayo, umuwi na tayo. Ang lakas na ng ulan!"
Si Stephen naman ay nag aalala din sa dalawa. Inalalayan nya si Hara na makatayo.
Subalit bumitiw ang dalaga kay Stephen.
"Hara.. Hara Isis Izanagi po ang pangalan ko.
At nasa panganib po ang buhay ninyong lahat.""Nakakapagsalita ka na!" sigaw ni Stephen
Napatigil sa paglalakad si Kobe. "Hanabi, tama na. Magpahinga ka na." saway niya sa dalaga.
It's too much for today. Nagaalala na siya sa dalaga. Kanina ay nais na niyang magpakamatay. May hinihingi ang matandang Hulyo sa kanya. Patayin daw ang Emperador ng Japan na lolo ni Hara.
Napaka imposible ng hinihingi ng matandang lalaki kung talagang lolo ng dalaga ang emperador. Siguro nababaliw na siya.
"Hara.. Hara Isis ang pangalan ko!"
"Tigilan mo na iyan, Hanabi ang pangalan mo!" nagagalit na sigaw ni Kobe. Siguro nga ay totoo ang sinabi ni Mang Hulyo pero ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang kapatid.
"Putragis kang bata ka. Sinabing Hara Isis ang pangalan niya. Tigilan mo na ang kaka Hanabi dahil sa punyetang mobile legends na yan, nasisira na ang tuktok mo!" halos magtalsikan ang laway na sigaw ni Mang Hulyo sabay kutos sa ulo ni Kobe.
Kung gaano kalakas ang ulan, ganon din ang palahaw ng iyak ni Kobe. "Tatay, marami ang gustong pumatay kay Hara Isis kaya Hanabi, Hanabi ang pangalan niya!"
"Ano?!"
"Yung sugat sa leeg nya, pati sa kamay ko, mga killers ni Hanabi. Nasundan siya ng mga gustong pumatay sa kanya!"
"Linsyak kang bata ka, pinagloloko mo ba ako?"
The whole time ng sigawan ng mag-ama, nakayuko lang si Hara Isis. Umiiyak kasabay ng malakas na ulan.
"Umuwi na tayo." maikling wika naman ni Stephen tila napapagod at giniginaw na.
itutuloy.....
Authors Note: May standalone story po ang legendary samurai, mas kilala ninyo bilang Wandey. Abangan na lang po ninyo sa kabilang buhay dahil matagal akong mag update, joke hahahahaha.
Tbh, gusto ko na po talagang tapusin etong Bad Ninja Princess at Bad Princess Untold Story para masimulan na ang Black Shaded Heart. Sana tangkilin nyo din. Feeling ko mas maganda ang story non. Hehhehe
BINABASA MO ANG
Badass Ninja Princess
AcciónHara Isis Izanagi, a ninja wannabe and a self-proclaimed ninja. Laughing stock ng school. Unruly, rebel, notorious, blacksheep, troublemaker. Those adjectives are synonymous to Rhapael Montoya's name, the lost Prince of Kingsland Palace. What if ma...