Chapter Forty Seven

1.2K 85 12
                                    

Nagagalit pa rin ang matanda sa kanya habang binibigyan siya ng first aid. Hindi magawang magalit ni Rhapael dahil kasalanan naman talaga niya.

Somehow, kakaiba ang matandang ito.

"Mahinang sugat lang ito. Huwag kang iiyak. Hindi umiiyak ang mga lalaki." sermon pa rin ng matanda. Masungit na masungit ang itsura ni Mang Benjie.

Nakaupo na sila sa maliit na table. Binabalutan nito ng benda ang kamay niya.

Tahimik lang si Rhapael. First time na may personal na nag asikaso sa kanya na hindi naman nya inutos. Hindi niya rin maintindihan kung bakit gusto niya ang panenermon nito.

"Katangahan ang pinairal mo. Ayan nasugatan pa ang kamay mo." muling sermon ni Mang Benjie sabay batok sa ulo ni Rhapael.

Samantalang, tulala at nakanganga pa rin ang ibang tauhan sa Royal Armoury.

Nakangiwi lang ang binata habang hinihimas ang ulo. Masakit din ang kutos ni Mang Benjie.

Ang pinaka head ng pagawaan ng mga armas ay nangangatal na sa kaba lalo na nang makitang kutusan ni Mang Benjie ang prinsipe. Hindi naman makaangal ito dahil sumenyas si Rhapael na huwag makialam.

Walang nagawa ang head kundi palunok lunok ng laway sa kaba. Siguradong malalagot siya mamaya dahil hindi niya na orient si Mang Benjie tungkol sa Royal Family.

Pinulot ni Mang Benjie sa sahig ang inihagis na metro ni Rhapael. Sinubukang hulahin ang metro, subalit ayaw nng lumabas. Mukhang nasira pa.

"Anak ng pating. Sinira pa ang metro. Makakaltasan pa yata ako ng sweldo." pakamot kamot na bulong ni Mang Benjie. Hindi nya pa rin napapansin na pinapanood na sila ng lahat ng tauhan.

"I- I will pay for the meter." alanganing wika ni Rhapael. Hindi nya rin alam kung bakit tila kinakabahan siya sa nakikitang inis sa mukha ni Mang Benjie.

Napatingin naman si Mang Benjie sa binata. Bigla niyang ikinunot ang noo, astang seryoso pero sa loob loob nya, ngumingisi na. Kaparehas din ng mga anak nya ang isang ito.

Ganyang ganyan ang itsura nina Kobe at Stephen sa tuwing may ginawang kasalanan o kalokohan. Takot na takot. Marunong siya dumisiplina ng anak pero ang isang ito, tila natatakot din sa kanya kahit hindi naman niya anak. Buti na lang hindi niya nadala ang pang garote niya.

"No." seryosong saad ni Mang Benjie.

"B-but why?" pilit pinatatag ni Rhapael ang boses. Napalunok pa siya ng laway. First time nyang kabahan.

Kunot noong bumuntong hininga si Mang Benjie. Muling isinuot ang gloves na hinubad nya kanina nong dalhin nya si Rhapael sa gripo.

Alam ni Mang Benjie na may tinatagong kapilyuhan si Rhapael. Kaya pinipilit niyang paseryosohin ang mukha para matakot ito at hindi na siya abalahin. Isa pa, hindi niya na kayang pahabain pa ang kanyang sagot dahil nahihirapan lang siya mag ingles.

Nagkunwari na lang siyang busy na sa ginagawa at hindi na pinansin ang binata. Sa totoo lang, na delay na ang paggawa niya ng kutsilyo para sa Royal Kitchen.

Buti na lang, bago palang siya kaya posibleng hindi naman siguro siya pagagalitan ng head nilang briton.

Bumuntong hininga na lang si Rhapael. Tumayo na at lumapit kay Mang Benjie na nag iinit na muli ng bakal sa apoy.

"Look. I'm really sorry." seryosong wika ng binata.

Samantalang nagdadabog na inangat ni Mang Benjie ang namumulang bakal at inilagay sa sangkalang bato. Malakas niyang pinitpit ang malambot na bakal gamit ang bakal na martilyo.

Napangiwi naman si Rhapael. Tila galit na galit ang matanda. Umatras siya ng kaunti sa takot na siya ang pukpukin ng matanda.

"I- I will pay for the me-

PLAK- PLAK- PLAK!!... Malakas na sound ng martilyo habang pinipitpit ng manipis ang bakal.

Halatang gigil na gigil si Mang Benjie. Lalo na ng pabalagbag na idinawdaw ni Mang Benjie ang bakal sa tubig. Tumalsik pa ang tubig. Bigla ring umusok.

Napaatras pa si Rhapael.

Tumayo na si Mang Benjie. Iniwan sa tubig ang bakal.

Seryosong lumapit kay Rhapael at hinawakan sa braso ang nabiglang binata. Pagkatapos ay hinila palabas ng entrada ng Royal Armoury.

Mukhang pinapalayas na siya ni Mang Benjie. Halos kaladkarin na siya palabas ng pinto ng paggawaan ng armas.

"I- I am really sorry." namumulang sigaw ni Rhapael.

Tinulak pa siya ni Mang Benjie sa labas. Muntik pang matumba si Rhapael.

Nakapamaywang ang matandang naka apron. "Ginugulo mo ang trabaho ko, napaka ingay mo." kunwaring galit na singhal ni Mang Benjie.

"Fucking fuck! I said sorry already!" inis na inis na angil ni Rhapael. Hindi niya alam kung bakit hindi siya makaporma kay Mang Benjie.

"Huwag kang magmura dito, bata. Naririnig ka ng anak ko. Andyan sa likod mo!" pagalit na sigaw ni Mang Benjie sabay turo sa likod niya.

Lumingon si Rhapael saglit sa tinuro ni Mang Benjie. Una nyang nakita ang ang tray na naglalaman ng kape at tinapay. Hawak hawak ito ng isang babaeng nakasuot ng puting uniform na katulad ng sa chef. Mukhang tauhan ito ng Royal Kitchen.

Pagtingin niya sa mukha ng anak ng matandang masungit, biglang sumikdo ng malakas ang dibdib niya. Hindi siya nakapagsalita sa gulat. Nakanganga lang siya at hindi alam ang sasabihin.

Tila tumigil sa pag inog ang mundo. It's like the time stood still. He can't believe what his eyes were seeing. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Hara!

"Hanabi anak, ako na ang magbubuhat niyan." dinig niyang magiliw na wika ng matandang masungit.

"Opo, tatay." sagot naman ni Hara na hindi man lang siya pinansin.

Ang boses niya ay katulad pa rin ng dati.

Kahit maigsi na ang buhok niya, wala ng bangs at kahit saglit lang siya tiningnan ng dalaga, hindi siya maaring magkamali.

Buhay siya!

Buhay ang palaging laman ng isip at puso niya sa loob ng limang taon.

Buhay si Hara Isis Izanagi!

"Osama, it's me Rhapael!" walang lakas na sigaw ng utak niya habang nakatingin sa nakatalikod ni Hara Isis.

Unti unti siyang nanlambot at napaluhod sa lupa.

Naguunahan pumatak ang luha.

Mixed emotion.

"Pucha kang bata ka, anong nangyayari sayo?" sabay batok ni Mang Benjie sa binata.

"Hara! Hara! Haraaaaaa!"

itutuloy.....

Badass Ninja PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon