Second day....
Muli na naman nagmamatiyag at nagbabantay ang matandang lalaki kay Hara Isis Izanagi.
Nagbago siya ng lokasyon, sa itaas ng auditorium. Kasalukuyan niyang minamasdan ang ginagawang pagsasanay ni Hara Isis Izanagi ng kendo. Mag isa lamang ang haponesa sa stage ng auditorium school theater.
Naka focus ang kanyang telescope sa dalaga at bahagyang pinasadahan ng tingin ang loob ng auditorium.
May sampung kalalakihan na nakasuot ng school uniform ng North International Academy ang biglang pumasok, nagtatawanan.
Umupo sila sa audience seat at pinapanood ang ginagawang pagsasanay ni Hara Isis.
Samantalang mahinang kumanta ang matanda ng One Day ni Matisyahu. Kumuha uli siya ng puting papel na nakarolyo at muling sinulatan ng kanji ang naturang papel.
All my life I've been waiting for
I've been praying for
For the people to say
That we don't wanna fight no more
They'll be no more war
And our children will play
One day One day One day
One day One day One dayNang makontento sa kanyang isinulat, mabilis niyang itinago sa bulsa ng kimono ang papel. At walang bakas ng ingay siyang lumundag sa mga upuan.
One day this all will change
Treat people the same
Stop with the violence
Down with the hate
One day we'll all be free
And proud to be under the same sun
Singing songs of freedom like
Why-ohhhhhhhh
Why-ohhh-ohhh-ohhh
Why-ohhhhh-why-ohhhMabilis, parang hangin, kung pagmamasdan, tila isa siyang anino lang na gumagalaw.
Natigil ang tawanan ng sampung estudyante. Pati ang akmang apiran nila ay naiwan sa ere. Kinilabutan sa nadinig na tinig.
One day One day One day
One day One day One day"Tangina pre, sinong kumakanta?" namimilog ang matang tanong ng isa.
"Pota, akala ko, ako lang ang nakadinig!"
"May multo talaga sa school na ito!"
"Ina nyo! Napakaduwag, putragis!" inis na sabi ng isang lalaking tila siga habang nakatingin kay Hara Isis Izanagi na walang paki alam sa paligid niya.
Alam nilang nagpapractice ang babae tuwing hapon sa auditorium kaya pinagplanuhan nilang pagtripan ngayong araw.
"Tara na!" wika ng isa. Tumayo silang lahat sa upuan nila at lumapit sa stage na kinaroroonan ni Hara Isis.
"Ehem!" pukaw atensyon nila kay Hara Isis.
Tumigil si Hara sa ginagawa. Inalis ang suot na headgear.
Bagamat pawisan ang mukha, nanatili siyang maganda sa paningin ng sampung mag aaral.
"Hi cutie pie!" nakangising wika ng isa sa lalaki. Mabilis siyang lumandag paakyat ng stage ganon din ang iba pang mga lalaki.
Halatang may plano silang masama kay Hara Isis.
"Turuan mo naman kami niyan!" malawak ang ngisi ng isa pang lalaki.
Ang tingin niya ay nambabastos. Pinasadahan niya pa ng dila ang sariling bibig.
Sampu laban sa isang mahinang babae, anong laban niya.
"Tangina pre, ilabas nyo na ang stick." naiinip na wika naman ng isang lalaki. "Naka lock na ang auditorium. Walang makakapasok."
"Atat ka na naman eh!"
"Dehins pre. Mas masasarapan ka kay Miss Cutie Pie kapag high!" ngingisi ngising sabi ng isa.
May hawak siyang maliit na plastic na naglalaman ng tuyo at berdeng maliliit na dahon at isang aluminum foil. Marijuana!
Binilot nila sa foil ang dahon at mabilis sinindihan gamit ang lighter.
Ilang minuto pa ay makikita ang usok ang stage. Usok na tila parang sigarilyo.
"Sarap."
Ang grupo nila ang kinatatakutan sa buong North International. Grupo ng mayayaman kaya walang sino man ang nakakapanlaban sa kanila. Hindi rin sila kayang patalsikin sa school dahil myembro ng board of directors ang mga magulang nila.
"What do you want?" seryosong tanong ni Hara Isis.
Inaalis niya ang gear na nakakapit sa tiyan ng kendo armor niya. Ang samurai na kahoy ay tinapon niya malayo sa stage.
Nakayapak lamang siya at naiinitan na dahil isinara ng mga lalaki ang aircon pati ilaw sa loob ng theater.
"Dadalhin ka namin sa heaven." nambabastos na sagot ng lalaki.
"Hmmn let see."
BINABASA MO ANG
Badass Ninja Princess
ActionHara Isis Izanagi, a ninja wannabe and a self-proclaimed ninja. Laughing stock ng school. Unruly, rebel, notorious, blacksheep, troublemaker. Those adjectives are synonymous to Rhapael Montoya's name, the lost Prince of Kingsland Palace. What if ma...