Hara Isis Izanagi
Japan's Crowned Princess
Age: 19
Height: 5'7
Hair Color: Black
Current Place: PhilippinesPitong nagkukumpulang lalaki, mga myembro ng goons, mafia's, hired killers at assassins ang nagsama sama at lihim na nagtagpo sa Bonifacio War Tunnel.
Matatagpuan ang nasabing tunnel sa abalang siyudad ng Bonifacio Global City kung saan ay walang makakakita at makakapansin sa ginawa nilang hide out.
Matagal nang naisara ang lihim na war tunnel ngunit gumawa sila ng paraan upang magkaroon ng access sa underground tunnel na kasalukuyang ipinagbabawal sa publiko ang makapasok.
Nalaman din nilang dito nagtago ang isang kilalang sundalong senador ng Pilipinas mula sa kanyang kasong kudeta noong mga nakalipas na taon.
Higit pa roon, mga Amerikanong sundalo ang nagpagawa ng tunnel noong panahon ng ikalawang digmaan at noong natalo sila ng mga Japanese, naging base ang naturang tunnel ng kilalang malupit na heneral ng Japan na si Yamashita.
Sinasabing inilagak doon ni Yamashita ang mga na loot niyang mga treasure sa iba't ibang bansa sa asya, ang nasabing Yamashita treasure ay nagkakahalaga ng one hundred billion dollar ngunit walang paki alam ang mga goons, mafia's, gangster, assissins sa mga impormasyon na nakalap.
Ang importante sa kanila ay makuha ang babaeng nasa larawan. Mga nagkalat na pictures na nakadikit sa ginawa nilang dingding sa hide out nila, si Hara Isis Izanagi.
Kasalanan ng babae kung bakit nakalaya sa bilangguan ang prinsesa ng London na pumaslang sa kanilang reyna Elizabeth. Kailangan nilang maghiganti sa pamamagitan ni Hara Isis Izanagi.
Kapag naisakatuparan nila ang plano, hihingi sila ng ransom sa Imperial Palace ng Japan at muling bubuuin ang Territorio Gang.
Kahit patay na si Queen Elizabeth, nais pa rin nilang ituloy ang naunang mga plano ng kanilang gang. Ang palawakin at gawing pinaka malakas na gang sa buong mundo kung saan magdudulot ng ikatlong pandaigdigang digmaan. WWIII.
"When are we going to attack?" wika ng isang goon na may nililinis na baril.
Samantalang ang iba ay abala sa pagbubuhat ng mga armas na nakalagay sa mga boxes na gawa sa metal.
Nagpa plano din silang bumuo sa tunnel ng imbakan ng mga nuclear weapons at iba pang armas na pang malawakan ang hatid na pagsabog.
Lahat ng mga armas ay naitago nila ng palihim sa war tunnel.
"Let's wait the leaders order." seryosong wika naman ng isang lalaki na tadtad ng tattoo sa maskuladong katawan.
Ilang araw na silang nagkukuta at nagpupugad sa Maynila at hanggang ngayon, wala pa rin nakakapansin sa kanila. Kung mayroon man, ay pinapatahimik na nila.
Katunayan niyan, labing limang bangkay na ang naililibing nila sa madilim na parte ng tunnel.
Samantalang ang isang lalaking nakasalamin at hindi halatang masamang tao ay tahimik na pinagmamasdan ang larawan ng dalaga.
Mayroon silang private eye na nakasubaybay sa bawat kilos ng Crowned Princess aa North International Academy.
Mayroon ding nakuhang report na kasama ni Hara Isis, ang Crowned Prince ng London, si Rhapael Montoya.
Ngunit wala silang planong kuhanin ang naturang lalaki.
Sa ngayon ay ang babae lamang ang target nila dahil malaking tsansa na mabulilyaso sila kapag nawala sila sa focus ng kanilang pangunahing target.
"I am so fucking bored. Can you get a prostitute?" malakas na wika naman ng isang lalaking goons na mukhang manyakis.
"Then get out!" inis na balik sigaw ng isang lalaki. "Obey rules. No other people should seen us and let the fuck enter this hide out."
Galit na nagkasa ng baril ang lalaking nanghihingi ng babaeng prostitute. Mabilis na itinutok sa ulo niya ang baril.
BANG!
Ngunit bago pa man naiputok nito ang baril, nauna na siyang bumulagta. Sabog ang ulo.
Ang lalaking seryoso kanina ang pumatay. "Eliminate noisy people." nakangising demonyo na sabi nito.
"The fuck! That's gross, Reno!" sigaw uli ng lalaking nanaway sa manyakis kanina.
"Clean the mess or you will be my next." ngingisi ngising sabi ni Reno bago tumalikod at tila lalabas na ng kweba.
Napailing na lang si Mckenzie. "Badboy, Reno!"
BINABASA MO ANG
Badass Ninja Princess
ActionHara Isis Izanagi, a ninja wannabe and a self-proclaimed ninja. Laughing stock ng school. Unruly, rebel, notorious, blacksheep, troublemaker. Those adjectives are synonymous to Rhapael Montoya's name, the lost Prince of Kingsland Palace. What if ma...