"Don't fire!" utos ni Karim.
Nakita nilang tumatakbo paalis ng main house si Prince Rhapael.
Ngunit ang labis na nakapagpabigla sa kanila ay tila pinoprotektahan nito ang kanyang kidnapper. Ang una nilang naisip ay nakatali, nakakulong at naghihirap ang binata sa kamay ng mga taong kumuha sa kanya.
Kung susuriin, mukhang maayos naman ang kalagayan ng prinsipe kahit na nangayayat ito. Walang anumang senyales na labag sa loob nito
ang pagsama sa kidnapper. Kung titingnan mabuti, tila magkakampi pa sila.Hindi maintindihan ni Rye ang nangyayari sa kapatid ni Petunia. "Fuck Rhapael. What are you doing?"
Hahayaan na lang ba nilang makatakas ang mga ito?
Nang mawala na sa paningin nila ang prinsipe at ang Boss, mabilis silang nagpaputok ng baril sa mga tauhan ng Territorio Gang.
Hindi rin nila alam kung sino ang may kagagawan ng pagpaslang sa mga tauhan ng Territorio. Hindi sila nahirapan kalabanin ang mga ito sapagkat halos one fourth na lang ang natitira. Kung sino man ang nagpatumba sa mga kalaban, napakalakas nito.
Unti unti nilang nilusob ang nasusunog na main house.
"Karim, I am going after Rhapael. Follow me when you're done here." wika ni Rye.
Tumango si Karim. Samantalang si Seymour ay sumunod kay Rye.
Ngunit naharangan si Seymour ng mga kadadating lang na mga myembro ng Territorio.
Si Rye ay nagdiretso sa helipad. Pasakay na ng chopper ang boss ng maabutan niya.
"Rhapael!" sigaw ni Rye.
Masyadong maingay ang kapaligiran, hindi lang sa tunog na likha ng pagkasunog at pagsabog ng main house at laboratory; mga palitan ng putok ng baril kundi pati na rin ang ingay na nagmumula sa umaandar na makina ng chopper.
"You again!" tila nabubwisit na sigaw pabalik ni Rhapael. "What do you want?"
Hindi pa siya nakasakay ng chopper.
"Come back to Kingsland. I am fucking tired!" galit na singhal ni Rye.
Hindi nakakilos si Rhapael. Iniisip mabuti ang sinabi ng estrangherong lalaki. Saan ang Kingsland? At bakit kailangan nyang bumalik? Bakit nagrereklamo ang lalaki na pagod na siya?
"Rhapael, kill the guy and get on the plane." utos naman ng Boss.
Tila nakadinig ng musika si Rhapael. Ang lahat ng sabihin ng Boss ay pawang nakakaengganyo sa pandinig ng binata. Lahat ng gustong ipagawa ng Boss ay malugod niyang gagawin.
"Gladly Boss." nakangising sagot niya. Itinutok niya ang baril sa direksyon ng estrangherong lalaki.
"Fuck Rhapael. Why are you letting that maniac to boss you around?" hindi makapaniwala si Rye.
Hindi ganito ang ugali ni Rhapael. Walang sinuman ang pwedeng mag-utos sa kanya, hindi dahil sa siya ang prinsipe ng Kingsland kundi dahil talagang ugali na nito ang pagiging sanggano.
He's an asshole, badass, notorious through and through. He never obey someone let alone order him around. Ang sinoman ang mag-utos sa kanya ay makakatikim sa kanya ng suntok at bugbog. Ayon na rin sa kwento ni Aris. Pero exemption si Petunia pati na rin ang reyna ng Kingsland.
BINABASA MO ANG
Badass Ninja Princess
ActionHara Isis Izanagi, a ninja wannabe and a self-proclaimed ninja. Laughing stock ng school. Unruly, rebel, notorious, blacksheep, troublemaker. Those adjectives are synonymous to Rhapael Montoya's name, the lost Prince of Kingsland Palace. What if ma...