Chapter Fifty One

1.1K 60 19
                                    

Author's Note: Ang susunod na eksena ay hindi angkop sa mga batang mambabasa. Striktong patnubay ng magulang ang kailangan. May maseselang tema, lenggwahe, karahasan, seks--- Joke Hahahhaahaha* Walang SPG dito!


She's nervous!

Nakangisi si Rhapael habang pinagmamasdan ang dalaga. She's annoyed, embarrassed and ashamed. But she's a pretty sight to behold!

Muntik na talaga siyang malunod sa kakatawa dahil sa bulol na tawag sa kanya ni Hara. My Rord! What the fuck is that?

Gayunpaman, disente naman ang suot niya. He's wearing his bathrobe. Nagulat din naman siya ng buksan nito ang pinto ng banyo kaya biglang nahablot niya ang naka ready na bathrobe.

Hindi pa siya handa para makita ng dalaga ang kanyang bataan, sa kasal na lang nila. Joke hahahhaha

"So?" pinipilit niyang paseryosohin ang tono kahit gusto na niyang matawa sa itsura ni Hara Isis.

Kasalanan rin naman niya. Pumasok sya sa demon's lair. Pwede naman siyang maghintay sa silid, diba?

"Cat got your tongue?" nakangising bulong niya. Gustong gusto niya ang proximity nilang dalawa. Hindi naman siya masyadong malapit sa dalaga, dahil nahihiya din siyang madinig nito ang lakas ng pintig ng puso niya.

"M-my R-rord, I am not Hara Isis. My name is Hanabi, prease ret me go."

Biglang siyang sumeryoso. Tumkhim. "When did you learn to lie?"

"I am not rying. Why would I rie?" nahihimigan ang kakaibang tono ng dalaga. (I am not lying. Why would I lie?)

"Bullshit!" he snapped. He now became really serious. Ilang ulit bumuntong hininga. "Once upon a time, you were following me wherever I ago. You were that little stalker who annoys the hell out of me. What happened to you Hara?"

Bahagyang natigilan si Rhapael ng makitang mangiyak-ngiyak na ang singkit na mata ng dalaga. She seemed a little bit offended and afraid. Kitang kita din ng binata na tila nanginginig ang kamay ng dalaga. She's really afraid of him. There is no way Hara Isis will be acting like this.

He sighed again. Exhausted at this, he thought he might let go of Hara Isis for now. Maybe she got an amnesia. Maybe she got a problem she wouldn't tell. Maybe there is something Hara Isis was afraid of. What's the secret? What's holding her?

"We'll talk later." he said after a while, resigned but not defeated because right at this moment, he plans to know the truth. Maybe he will talk to her father.

Binuksan na niya ang pinto. But before he let go of her, "I will come after you, Hara. There is no way you can avoid me. I know you are hiding something but whatever it is, please trust me. I will protect you." he whispered in her ears.

He saw how she stiffened. But then she manage to walk out.

"By the way, the champagne you're holding," he shouted before she left the door "give it to your father as my welcome gift."

Nakatalikod na tumango ang dalaga bago tuluyang lumabas ng silid.

Hindi niya maaring pilitin ang dalaga. Wala siyang magagawa sa ngayon kundi magtiis at alamin ang lahat.

Bakit nagkaganito ang dalaga?

Tinapos na niya ang paliligo. Ilang sandali pa ay on the way na siya patungo sa kanyang pribadong opisina. Ang daming pumapasok sa utak niya.

He plans to scold the hired secretaries. Maybe send them away from their home country.

Wala siyang tiwala sa mga pinapadala ng Royal Queen. Maybe they were hired solely to spy on him. Lalo na ngayon, madami na siyang planong gawin about Hara Isis.

First off, he will convince her father to tell what happened to Hara Isis. Second, is she really her daughter? Ang layo ng itsura ng dalawa. Third, how did they became part of Kingsland Palace? Paano sila nakapasok? Paano sila na hire?

Mabuti na lamang at hindi pa alam ng matandang masungit na siya ang Royal Prince. Wala din siyang planong sabihin. Uutusan niya ang lahat na huwag ipaalam sa matanda ang tungkol sa kanya.

Somehow, magiging makulay na ang buhay niya. May direksiyon na, may patutunguhan. Mas interesting dahil andito na ang nag-iisang babae na minahal niya noong nakalipas at mamahalin niya sa kasalukuyan. Si Hara Isis Izanagi.

Pagpasok niya ng kanyang opisina ay hindi niya nagustuhan ang ambience. Masyadong maliwanag, maaliwalas, malinis ang silid.

May dalawang lalaki ang nakayuko pagpasok niya. Marahil sila ang bagong secretaries nya from the Philippines. Mukhang na orient na din ang dalawa tungkol sa kakaibang ugali niya. Pawang tahimik at tila kinakabahan ang dalawa sa kaniya.

Dapat lang! He was known as the brutal bully and monster in her own kingdom. Well, as he remembered clearly, kahit hindi pa siya prinsipe, ganun na talaga ang ugali niya. Students in the Philippines and even in the orphanage in the U.S were scared of him. Walang nagbago sa kanya, scratch that, mas dumoble pala ang kawalanghiyaan niya. 

Alam ng lahat sa palasyo na labis niyang pinapahalagahan ang kanyang personal space. He also knew that these secretaries are spies of the royal queen kaya wala siyang tiwala sa lahat ng hina hire ito. Lahat ng pinapadala sa kanya ay pinapauwi niya ding luhaan at sugatan. 

"Who told you to clean my office?" he said in his angry tone.

Mukhang tila natatakot ang dalawa sa kanya, walang gustong sumagot. Parehas pa nagsisikuhan tila nagtatalo kung sino ang magsasalita. Mas lalo siyang nainis, kaya bago pa makapagpasya ang dalawa, lumapit siya sa lalaking nasa kanan. Mabilis niyang sinikmuraan. Napauklo at napaluhod ito sa carpeted floor.

"Kobe!" gulat na sigaw ng nabiglang lalaki sa kaliwa. Halatang halata sa boses ang pag-aalala. Mabilis na tinulugan nito ang lalaking tinawag na Kobe habang hawak nito ang sariling sikmura.

"It's just a normal blow in the stomach, stupid." nakangisi niyang wika. Gusto nyang matawa sa reaksyon nang Kobe na tila hinang hina.

Subalit pagtingin niya sa lalaking umalalay, nagulat siya ng kwelyuhan siya nito.

"Tangina, gago ka ba?" gigil na singhal nito. "Anong kasalanan namin sayo? Hindi porket prinsipe ka, may karapatan ka ng manakit ng tao, gago!" sigaw ng lalaking knight in shining armour ng nagngangalang Kobe. Bago pa siya maundayan ng suntok nito, kitang kita niyang pinigilan ni Kobe ang kamao nito.

"Tama na kambal, ayos lang ako." nakangiwing wika ng Kobe. Magkapatid ang dalawa batay na rin sa itsura nila, identical. Sa magkapatid, mas mukhang malawak ang pangunawa nito. "Unang araw, baka malaman ni tatay na nakipag-away tayo."

Hindi maintindihan ni Rhapael sa sarili kung bakit mas lalo siyang nagalit sa sinabi nito. So they aren't scared of him contrary to what he thinks a while ago? Mas takot pa ang dalawa sa tatay nila na wala naman dito? The fuck is that? It angers him more.

"We are sorry, my lord. Mr. Cervantes said, we should clean the room." mahinahon na wika ni Kobe. Diretso sa mata niya ang tingin nito. Hindi kababakasan ng takot at tila magkapantay lamang sila. Who the hell is he? Kung tutuusin, hindi nagkakalayo ang mga edad nila.

"Cut the crap! Why don't you let him punch me, huh?" galit na singhal niya kay Kobe.

Ngumisi lang si Kobe bago yumuko. Pero hindi niya napaghandaan ang suntok mula sa kakambal nito.

Namalayan na lang niya na natumba siya sa sahig.


Asshole!




Author's Note: I'm back! :)





Badass Ninja PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon