Kingsland Palace, London
"Again?" galit na sigaw ni Rhapael mula sa loob ng kanyang opisina.
"Yes, my lord." sagot naman ng manservant.
Inis na sinipa niya ang silya. Noong lunes, pinilit siya ng Reyna na makihalubilo sa mga "guest" ng palasyo.
Gusto ng Reyna na makilala nya si Princess Harriet. She's pretty and all but he's not interested. Ngayon naman ay inuutusan siya ng reyna na ipasyal sa palasyo ang babae. Hindi pa pala umaalis ng palasyo ang panauhin.
Wala siyang magawa dahil nagbanta ang reyna na ipapatawag si Petunia mula sa Pilipinas upang samapahan muli ng kaso. Whatever it is, it angered him.
Pabalya nyang binuksan ang pinto. Nagulat pa ang manservant na inutusan ng reyna. Wala siyang paki alam kahit naka white shirt, at maong pants lang siya. Walang sapin sa paa at magulo ang buhok.
"M-my lord-
"Shut the fuck up!" gigil niyang bulyaw. Nagmartsa na upang tunguhin ang chamber ng "guest" ng palasyo.
Pagkarating sa silid, walang pasubaling binuksan nya ang pinto.
Kita niyang nagulat ang babaeng panauhin.
"When are you going to leave the palace?" maangas nyang bungad sa babaeng nakaupo sa kanyang kama.
Tila inaasahan na ni Harriet ang kanyang pagdating. Sinenyasan nya na lumabas ng kanyang silid ang mga katulong ng palasyo.
Pagkasara ng pinto, ngumiti ng matamis ang babae." The Queen wants me to be your wife."
"I am not interested. But if you want to be a wife, then go, marry the queen." ngumisi ng sarkastiko si Rhapael.
Natawa ang babae. Even her laughter is beautiful. Marami ang nagsasabi na siya ang pinaka magandang babae sa kaharian. "Why do you hate me? I did nothing wrong."
Bumuntong hininga si Rhapael. Ginulo ang magulo ng buhok na tila nauubusan ng pasensya. Marahas na hinawakan sa braso ang babae.
"Ouch!"
"Don't try my patience, just fucking leave!" gigil niyang bulong sa tainga ng babae. He's trying to intimidate the princess. Pero mukhang matapang ang babae. She's not swayed by his anger.
Inalis ni Harriet ang kamay ni Rhapael sa braso niya. Tumayo at tumungo sa malaking bintana ng kanyang silid. "I heard alot of things about you. Cold, arrogant, and rude." she said while glancing at the window. "But they didn't include that you were good looking too." humarap sa kanya at ngumiti ng payak ang babae.
Tila nang-aakit na lumapit ang babae sa kanya. Unti unting pinagapang ang palad sa pisngi ng binata. "I like you rough." bulong ni Harriet sa tainga ni Rhapael bago hinalikan sa pisngi.
Natulala ang binata sa inasta ng dalaga. Bahagyang bumilis ang pintig ng puso. Hindi makagalaw, nahihirapang huminga. Hindi maproseso sa utak nya ang ginawa ng babae.
Ngumisi si Princess Harriet. Alam din ng babae na hindi pa nagkakaroon ng nobya ang lalaki, ibig sabihin, wala pang experience. Sariwa, inosente.
Unti unting lumakad palabas ng silid si Princess Harriet. Iniwan ang nakatulalang prinsipe. No one can resists her beauty and charm. "You will be mine, Rhapael." wika niya bago lumabas ng chamber.
Queen Petunia's Tower, Kingsland Palace
"Your Highness, Princess Harriet request an audience." imporma ng tauhan mula sa saradong pinto ng chamber ni Queen Petunia.
Audience means a formal meeting. Ang reyna ng Kingsland Palace ay hindi basta basta nagpapaunlak ng meeting. Bibihira ang binibigyan ng pagkakataon upang makita ng personal ang reyna.
Pero dahil napupusuan ni Queen Petunia si Princess Harriet para kay Rhapael, malakas ang loob ng babae na haharapin siya ng reyna. "Send her in."
Binuksan ng mga nakatalagang royal guards ang pinto ng silid. Pagpasok ni Harriet, makikita niya ang mga chambermaid na nakahilera sa silid ng reyna.
"My Queen." nakayukong pagbati ni Princess Harriet.
Inanyayahan ng reyna na umupo sa mini private lounge ang prinsesa. Pagkatapos ay sinenyasan nya na salinan ng tsaa ang panauhin. "What brought you here?" she asked.
"I won't beat around the bush, My Queen." ngumiti ang dalaga. "I like your grandson."
"Oh, the prince." Masayang tumawa ang reyna, napapalakpak pa sa galak. "I am warning you, he's not a typical guy. He's a hot tempered one."
"Yes, My Queen. Still, I am sure I can make him change." tila siguradong siguradong sagot ng prinsesa.
"Very well." mas lalong nasiyahan ang reyna sa narinig. Sa utak niya ay nagpaplano na ng mga hakbang upang isulong ang kasal ng dalawa.
Kapag natuloy ang kasal, kasunod na nito ang pagpapamana ng korona sa binata upang maging sunod na Hari ng Kingsland Palace.
Matanda na ang reyna, konting panahon na lang din ang nalalabi sa kanya upang mabuhay kaya't minamadali na niya ang lahat upang maisalin na ang korona.
"I will make a formal announcement of your engagement to the prince. Be sure that your parents are here." pinal na wika ng reyna.
"Yes, My Queen."
BINABASA MO ANG
Badass Ninja Princess
AcciónHara Isis Izanagi, a ninja wannabe and a self-proclaimed ninja. Laughing stock ng school. Unruly, rebel, notorious, blacksheep, troublemaker. Those adjectives are synonymous to Rhapael Montoya's name, the lost Prince of Kingsland Palace. What if ma...