Chapter Fifty Eight

926 55 1
                                    

Malalakas na tambol mula sa drums, nakaririnding tunog ng mga trumpeta ang madidinig sa madilim na lugar.

Tila siya nasa isang black hole kung saan walang makikita kundi kadiliman. Napakalawak ng dimensyon.

Palakas ng palakas ang tunog ng drums at trumpets na tila palapit ng palapit sa kinaroroonan niya.

Hanggang sa unti unting nagliliwanang ang lugar.

Nakita niya ang isang paparating na nagaapoy na bangka kung saan may mga nilalang na nakasakay at nagpapatunog ng drums at trumpets.

Sa gitna ng nagbabagang bangka, isang lalaking nakahiga, nakasuot ng sinaunang pang ninja, tila isang samurai warrior, ang dahan dahang umupo ng pa indian seat.

Huminto ang bangka ilang dipa mula sa kanya. Sumenyas ang matandang lalaki sa mga nilalang na itigil ang tunog.

Halos magtaasan ang mga balahibo niya ng tumitig ang matandang lalaki at matiim ang pagmamasid sa kanya.

"Do you know where you are?" tanong nito sa nakakatakot na boses.

Unti unti siyang umiling. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Tila anumang oras, malalagutan siya ng hininga.

Ngumisi ang matandang lalaki. Tila nasisiyahan sa nakikitang takot mula sa kanya.

"This is a funeral ship." wika nito at iminuwestra ang kabuuan ng bangka. "And we are in limbo."

Nanlaki ang singkit niyang mata sa nadinig. Anong ibig niyang sabihin?

Nanaginip lang ba siya? Bahagya niyang kinurot ang sarili sa pagbabakasakaling magising sa bangungot, ngunit nanatili siya sa lugar na iyon.

Patay na ba siya?

Paano siya namatay?

Bakit nasa impiyerno siya?

Naluluhang pinagmasdan niya ang kapaligiran, subalit panay kadiliman ang natatanaw niya.

Ang nag-aapoy na bangka ay tila lumulutang sa tubig ng kadiliman.

"Why would you be in hell, Hara Isis Izanagi?" nakangising saad ng matanda.

Bakit nga ba?

Sinisingil na ba siya sa mga ginawa niyang kasalanan?

Sinusundo na ba siya ng mga kaluluwang pinaslang niya?

Nalilito ang isip, naninikip ang dibdib, unti unting siyang napaluhod hanggang sa namalisbis ang kanyang luha sa magkabilang pisngi.

Naramdaman na lamang niyang pumatak ang luha niya sa tubig ng kadiliman. Nadinig niya ang nilikhang tunog sa tubig ng kanyang luha.

Unti unting nagkaroon ng porma ang tubig. Isang imahe ang biglang lumitaw sa tubig.

Imahe noong siya ay apat na taong gulang. Punong puno ng dugo ang buong kasuotan niya. Kakaiba ang kaniyang aura, pati ang kulay ng kanyang mata.

Nagkalat ang mga bangkay ng mga pinaslang niya sa Suicide Forest. Subalit tila siya tuwang tuwa sa nangyayari. Masayang masaya ang pakiramdam niya habang hawak hawak ang antigong samurai.

Malinaw na malinaw ang detalye sa gubat. Subalit bakit hindi niya maalala ang mga pangyayari?

Bakit tila wala siyang memorya tungkol dito?

Badass Ninja PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon