Chapter Fifty

1.7K 96 17
                                    

Rhapael stood frozen in the walk in freezer while Hara Isis went away.

He was motionless, thinking what went wrong. Bakit hindi na siya kilala ni Hara? Was 5 years long enough to forget him? He sighed.

He slowly walk out in the Royal Kitchen without turning gazed on the questioning looks of kitchen workers.

He went to his office. Hindi pinansin ang dalawang lalaking nasa loob na parehas nakayuko.

"Prince Rhapael, the Queen wants to see you." dinig niyang wika ni Karim Cervantes na hindi niya namalayang nakasunod pala sa likod niya.

Walang kibong lumakad siya palabas ng office. Halfway in the Queen's chamber, nakasalubong niyang muli si Hara Isis.

Napatigil siya sa pasilyo. Hindi na naman makahinga ng maayos.

She was holding an empty tray and her eyes is looking in the carpeted floor. Nakatungo siya at tila ayaw siyang tingnan man lang.

While he was intently looking at her. He missed her so much it hurts. Wala siyang magawa, hindi naman niya maaring pilitin ang dalaga kung hindi talaga siya naalala nito.

Kinuyom ni Rhapael ang kanyang kamay. Pinipilit pigilin ang sarili na huwag lapitan ang dalaga at hayaan na lang umalis. Ngunit nabibingi na siya sa lakas ng tibok ng puso nya. Halos naghuhumiyaw.

Ilang beses na siyang bumuntong hininga at sinusuklay ng kamay ang magulong buhok. Ano ang dapat niyang gawin?

"Prince Rhapael." muling untag ni Karim
Cervantes.

Walang nagawa ang binata kundi lagpasan sa pasilyo ang dalaga. Bumuntong hininga at humakbang na patungo sa kabilang direksyon.

Subalit bago siya pumasok sa loob ng silid ng reyna, muli siynag lumingon.

Hindi man lang sumulyap sa kanya si Hara Isis. Hindi man lang siya nilingon nito. Dirediretso lng itong naglakad patungo sa royal kitchen. Tila balewala na talaga siya sa dalaga.

Pinisil niya ang sariling noo bago muling suklayin ang magulong buhok. He was teary eyed. Pinipilit huwag umiyak. He sighed again as if a thousand deep sighs. Kinakalma ang sarili.

Pagpasok niya sa silid, nakita niyang nakaupo ang reyna sa couch na nasa dulo ng kanyang queen's bed. Sa maliit na center table ay ang nga cookies at isang porcelain teapot na may lamang green tea.

Mukhang dito nanggaling si Hara Isis.

Bumuntong hininga ang lola niya. Sinenyasan na lumabas ang lahat ng palace workers sa loob ng kanyang silid. Mukhang pribado ang kanilang paguusapan.

"Take a seat." pormal na wika ng reyna.

"What do you want?" walang interes niyang tanong bago pasalampak na umupo sa kaharap ng reyna.

"What were you doing in the kitchen?"

"None of your business!" he snapped. Ang bilis talaga ng balita sa reyna. Wala pang ilang minuto, nakarating na agad dito.

"Well, this is my business, young man!" pormal pa ding wika ng reyna.

"You wanna know the truth?" he gritted his teeth in anger. "She's Hara Isis and I love her!" he shouted at the Queen's face.

Namumula ang buong mukha niya, pati ang paligid ng kanyang mata. Kuyom ang kamao. He was fuming mad. Mad at the situation.

Siguro eto ang main reason ng reyna kung bakit pinalabas niya ang lahat ng tao sa silid. Alam nitong sasambulat siya sa pinipigil na emosyon.

Badass Ninja PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon