(Authors Note: This chapter is dedicated to @Norbasrah775. Thank you for reading. Enjoy!)
Sta. Teresa, Occidental Mindoro
"Pag minamalas ka nga naman oh! Wala na naman huli. Gutom na naman. Tsk!" napalatak na wika ng isang lalaki.
Dismayadong umuwi ng bahay bitbit ang lambat na walang laman.
Mag aalas singko na ng umaga subalit tila wala silang magiging almusal ng mga kapatid niya.
"Oh, Kobe, agang aga mukhang lugi ah!" bati sa kanya ni Mang Hulyo. May hawak hawak itong tasa ng kape. Nakadungaw sa bintana na gawa sa kawayan.
"Magandang umaga, Mang Hulyo. Wala nga po nahuling isda." sagot naman niya.
"Tsk tsk tsk. Malamang apektado din ng covid!"
"Ano ho?"
"Aba hijo, siguradong nagtago ang mga isda sa bahay nila. Uso ang social distancing ngayon, ayaw rin siguro magkasakit ng mga isda hahahhaha!"
"Si Manong Hulyo talaga, ang corny!" nakasimangot na nilagpasan ng binata ang matandang nang aalaska na naman.
Tahimik na binaybay nya paakyat ang bahay nila. Ang Sta. Teresa ay bulubundukin. Sa ibaba ng bundok ay may dagat na pwedeng ipagmalaki ng turismo.
Natanaw niya sa labas ng munting bahay na gawa sa kawayan ang kapatid niyang si Hanabi.
Nakatingin lang sa kawalan. Nakaupo ito sa isang malaking bato.
"Hanabi, andito na ang kuya." wika niya. Hindi man lang umimik ang kapatid. "Pasensya na, walang uwi si kuya." bahagya niyang ginulo ang maigsing buhok ng kapatid.
"Ano? Anong sinabi mo? Wala kang huli?" biglang litaw ng ama nila sa pinto hawak hawak ang isang boteng gin.
Ang aga aga, alak ang inaatupag ng ama nila.
"Dapat kase sinama mo ako." nakasimangot na wika ni Stephen. Ang kakambal niya.
Mahilig sa basketball ang tatay niya, kaya nong lumabas silang dalawa, Kobe at Stephen ang pinangalan sa kanila.
Subalit, sa kasamaang palad, nasawi sa panganganak ang kanilang nanay. Tanging tatay lang nila ang nagpalaki sa kanila.
"Malas. Simula ng dumating yang babaeng yan, minamalas na ang buhay natin!" galit na singhal ng tatay nilang si Benjie.
Benjie ang pangalan ng tatay nila, dahil avid fan din ng Filipino basketball ang tatay ng tatay nila. Ang lolo nilang si Jordan ay matagal ng pumanaw. Mahilig din sa basketball ang tatay ni Jordan na si Lebron. Saka na lang ikkwento ang family tree nila.
"Tay, wag ng manisi. Hindi kasalanan ni Hanabi kung bakit walang huli." mahinahong wika ni Kobe.
"Hanabi Hanabi. Tigilan mo kaka Hanabi dyan sa batang yan. Hindi Hanabi ang pangalan niyan."
Napakamot na lang sa ulo si Kobe. Siya ang nagpangalan na Hanabi sa kanya, sa mobile legends nya kinuha ang pangalan dahil medyo kahawig niya. Isa pa, favorite nya ang marksman. Hindi naman nya pwedeng pangalanan ng Granger ito dahil babae nga, kaya Hanabi na lang.
Paano nga ba napunta sa kanila si Hanabi? Muli na naman siyang nagbalik tanaw, limang taon na ang nakakalipas.
Ang hanapbuhay nila ay pawang pangingisda sapagkat wala naman ibang pagkakakitaan sa Sta. Teresa. Iniluluwas nila ang huli sa San Jose, Occidental Mindoro, kung saan sentro ng kanilang bayan.
Madaling araw sila pumapalaot upang manghuli ng isda. Subalit sa araw na ito ay napagpasyahan nilang pumalaot ng hating gabi.
Ang plano nilang mag aama ay maghuli ng isda sa bandang Sibalat, subalit nabalitaan nila na gagawin ng turismo ang naturang baybayin kaya pansamantalang pinagbabawalan pumalaot.
Kaya nagpasya silang lumibot. Hanggang sa nakarating sila sa Laiya, parte na ng Batangas.
Ang karatig na probinsya ng Mindoro ay Batangas.
Nakarating sila ng madaling araw. May nakita pa silang dumaan na malaking yatch. Hindi na sila nagulat sapagkat, tanyag ang Laiya Beach Resort sa Batangas. Normal na dito ang mga magagarbong yate.
Medyo malayo naman sa aplaya ang kanilang pinagpwestuhan, kaya walang bawal. Sa katunayan, medyo liblib na ito ng parte ng isla.
Walang mga turista ang nagagawi sa parteng ito kaya malaya silang makakapanghuli ng isda.
Inilatag na nila ang kanilang lambat. Pinakawalan at inihagis sa tubig. Subalit ng aayusin na nila ay biglang bumigat.
"Anak ng patis, baka tumama sa bato ang lambat." naiinis na wika ng tatay nilang si Benjie. "Kobe, sisirin mo nga baka mabutas ang lambat dahil sa tinamaang magaling na bato!" utos niya.
Mabilis na tumalima si Kobe. Sinisid nya sa pagaakalang bato ang tinamaan ng lambat.
Wala pang ilang segundo na mabilis nakaahon si Kobe. Nanlalaki ang mata sa takot.
"Tatay, may tao. May tao sa lambat!"
"Ano kamo?" sigaw din ni Stephen na mabilis hinila pataas ang lambat.
Pag ahon nila sa lambat, isang batang babae ang nakatali ang mga paa at kamay.
Punit punit ang damit nito na may bahagyang sunog, ganun din ang mahabang buhok.
"B-buhay pa ba yan?" tanong ng tatay nila.
"T-tingnan mo, Stephen!" natatakot na utos ni Kobe. Mas malakas ang loob ni Stephen.
Inilapit ni Stephen ang tainga sa bibig ng babae. Pinulsuhan sa bandang leeg.
Wala na siyang hininga pero may tibok pa ang pulso. Hindi na nag- alinlangan si Stephen na i mouth to mouth resuscitation ang babae.
Samantalang kinakalas naman ni Mang Benjie ang pagkakatali sa kamay at paa.
"Sinong hayop ang gumawa sa batang ito nito?" nalulungkot na sigaw ni Mang Benjie. May mga bakas ng dugo sa damit ng batang babae.
Ilang beses nag pump sa bandang dibdib si Stephen, ni resuscitate ang batang babae.
Siguro, hindi nalalayo sa edad nila ang babae.
"Humingi tayo ng tulong." sigaw naman ni Kobe habang nakatingin sa aplaya ng Laiya.
"Hindi pwede. Yang yate na naka angkla malapit sa Laiya, sigurado akong sila ang may gawa nito." sigaw ni Stephen.
Humihinga na ang batang babae.
Subalit nakapikit pa rin. Bahagyang tinapik tapik ng binata ang pisngi nito para magkamalay.
"Kung ganon, umalis na tayo dito!" mabilis na pinaandar ni Benjie ang bangkang de motor.
Ilang oras, bago sumikat ang araw nakabalik na sila ng Sta. Teresa.
Wala halos nakakita sa batang babae na karga karga ni Kobe paakyat ng bahay nila sapagkat ang Sta. Teresa ay liblib na bulubundukin. Ang populasyon ay bilang lamang.
(Authors Note: Pawang kathang isip lamang po ang nakasaad sa itaas. Hindi po ako taga Mindoro at Batangas. Ang mga nabanggit na lugar ay imaginin nyo na lang po. Hehehe Thank you!)
BINABASA MO ANG
Badass Ninja Princess
AksiHara Isis Izanagi, a ninja wannabe and a self-proclaimed ninja. Laughing stock ng school. Unruly, rebel, notorious, blacksheep, troublemaker. Those adjectives are synonymous to Rhapael Montoya's name, the lost Prince of Kingsland Palace. What if ma...