PROLOGUE

1.1K 58 2
                                    

1:46 AM

Sa ika-dalawampung baitang ng Wind Residences sa Tagaytay, sa tahimik na gabi, ay bumabaha ng alak sa saliw ng makabagong tugtugin habang umiindayog ang mga kabataang ito. Tanging laser lights lamang ang mayroon sila sapagkat pinatay ang ilaw sa buong unit. Hindi kalakihan ang kwarto kung kaya't siksikan ang mga bisitang naroon.

"Here's your shot!" Ani ng isang babae at inabot ang maliit na baso sa katapat niyang si Andres.

"This is my last shot. I have to go in while!" Aniya nang kinuha ang baso.

"Stay a little while, slut. The night is just starting, Andres. Make it 'til three." Sambit ng babae matapos ay kinuha ang baso na mabilis na ininom ni Andres. Napangiwi siya sa pait ng lasa ng tequila kaya't mabilis siyang kumurot ng asin at kinain.

Napatingin siya sa kanyang wrist watch. 1:46 AM na.

He stayed a little more before heading at 2:00 AM. Pinuntahan niya ang kaibigang si Klarisse, kapwa nakakasama niya sa mga events, na nasa teraso habang bumubuga ng yosi kasama ng ilan pa nitong kaibigan.

"Friend,"

Binuga nito ang usok matapos ay humarap kay Andres.

"It was a nice party, Kla. But, I have to head home na. May event pa ako ng tanghali."

"Oh, ayos lang. Thank you for driving all the way here." And she pulled him into a hug. "Drive safely, okay? Are you sober?"

"I had a few shots lang, but I'm good."

Andres bid goodbyes to other friends before heading to the basement. He went to his car and set his GPS to a shorter drive route. His estimated travel is an hour or so. Before driving, he turned on his Bluetooth and blasted music from his Spotify.

Fifteen minutes after a smooth driving, he was in a narrowed streets of Cavite. Dito siya dinala ng GPS. Madilim ang kalye at magkakalayo ang mga poste. Panaka-naka lang din ang mga sasakyang nakakasalubong niya na patungo naman sa kanyang pinanggalingan.

It seems like an endless driving on nowhere. Suddenly, his phone shuts down.

"The fuck?" Iginilid niya muna ang sasakyan at binuksan ang telepono.

Malapit siya sa isang poste ng ilaw kung kaya't nakikita niya ng bahagya ang nasa loob ng sasakyan. Nawala din ang pagkanta ni Regine Velasquez sa background sa pagkamatay ng kanyang phone.

"Hindi naman 'to low batt."

Una niyang tinignan ang baterya, 54% naman ito. Aabot pa hanggang makarating siya sa bahay nila. He tapped on his GPS and started driving again.

Parang ang layo pa ng kanyang lalakbayin. Puro 'straight ahead' lang ang binabanggit ng GPS. Doo'y nakakaramdam na siya ng bahagyang kaba sa dibdib. He turned on his music again on the same playlist on shuffle.

"Narito ako umiibig,

Laging tulala at ligalig..."

Huminga siya ng malalim habang binabagtas ang walang hanggang kalsada. Ang mga bahay na kanina'y nadaan niya ngayon ay tila naglaho. Napalibutan ng mga puno at halos lumayo ang agwat ng mga poste ng ilaw.

Bumibilis ang kabog ng kanyang dibdib. Pagsilip niya sa orasan, 2:54 AM na. Nagulat siya. Ilang minuto na siya sa lugar na iyon ngunit hindi pa rin siya nakakaalis doon. Nilalaban niya ang papausbong na takot sa dibdib.

Tutok ang mga mata niya sa kalsada. Ni hindi man lang binalak tumingin sa kaliwa't kanan, lalo na sa rear view mirror nito. Bumusina siya ng tatlong beses sa kaba. Ang tama ng alak ay hindi niya na maramdaman pa sa nerbyos na nadarama.

"Shit!"

Malakas siyang pumreno na halos ika-angat niya sa kinauupuan. Isang matandang babe na nakakulay puti ang bigla na lamang tumawid mula sa kanyang kanan. Mabilis itong bumaba ng sasakyan para tignan kung nasagasaan niya ang matanda. Sinilip niya ang ilalim, pati na ang magkabilang gilid ng sasakyan ngunit wala ni anong bakas mula dito.

Naramdaman niya ang pagtaas ng balahibo at mabilis na sumakay ng sasakyan. Napa-sign of the cross ito at hinaplos ang maliit na estatwa ng crucifix sa harapan niya.

"Iho, tulungan mo ko..."

Nanigas at hindi nakagalaw si Andres nang marinig niya ang boses ng isang matandang babae. Malamig sa loob ng sasakyan ngunit malalaking butil ng pawis ang naglabasan mula sa kanyang noo. Marahan siyang nag-angat ng tingin ngunit nakahinga ng wala ito sa kanyang harapan.

"Sa kanan mo, iho..."

Ipinaling niya ang paningin sa katabing upuan. Halos tumigil ang pagtibok ng puso niya sa isang matandang babae, nakayuko't umiiyak. Mula sa bulong, palakas ng palakas ang pag-iyak nito.

Nang biglang mag-angat ng ulo ang katabi niya, walang mukha ngunit puno ng dugo ang puti nitong bistida.

"AHHH!"

"AHHH!"

Humahangos na bumangon si Andres sa kanyang higaan. Basa ng pawis ang noo pati na ang suot nitong sando. Animo'y hinabol ng naparaming aso sa kakapusan ng hininga. Ipinikit nito ang mga mata at huminga ng malalim.

Napanaginipan na naman niya ang isang matandang babae.

Inilibot niya ang paningin sa kwarto. Nakahinga siya ng maluwag nang pumapasok na sa mga salamin ng kanyang bintana ang sinag ng araw. Akala niya'y magigising muli siya ng alas tres ng madaling araw.

Nadapo ang paningin niya sa orasan niyang nakadikit sa dingding. 8:13 AM na. Doo'y mas higit pa sa bangungot ang kanyang naranasan.

"Fuck! Late na ko!!"

------------------------------------------

Watch out for this first ever fantasy romantic comedy of mine. Chapter 1 on November 1st!

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon