34: Meet Andres Whorequin

326 21 4
                                    

ANDRES

My officemates and I decided to have a lunch out somewhere in Greenbelt. Malakas ang loob namin maglustay ng pera dahil kakasahod lang. We went to a samgyupsal restaurant that luckily has a vacant table exactly for us.

In the middle of our lunch, I felt my phone vibrated in my pocket. I excused myself bago dukutin ito sa aking bulsa. Seeing it was Zac, I answered quickly.

"Andres!" I heard energy in his voice. "Musta? May ginagawa ka ba? Baka naka-istorbo ako."

"No, hindi naman." Lumabas ako mula sa maingay na kainan. "Kumusta ka na? Tagal mong hindi nagparamdam! Busy ka naman ata masyado sa work."

"Nangapa ng kaunti pero komportable na ako. Sandali, hindi na din ako magtatagal—"

"Oy, 'wag muna. Masyado ka pang bata."

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Sira ka talaga. Ibig kong sabihin, kaya ako tumawag para ayain kang kumain this Friday. Pwede ka ba?"

"Libre mo ba 'yan?"

"Oo naman! Kahit saan mo pa gustuhing kumain, ako'ng bahala."

"Game ako d'yan!"

Kaya hindi din ako makapaghintay na sumapit ang Biyernes. I haven't seen Zac for a while. Dito rin sa Makati ang trabaho at boarding house na inuupahan niya. Kaya nang sumapit ang uwian, mabilis akong bumaba para abangan na ang susundo sa akin.

Andito na ako sa baba. See you! I messaged him.

"Huy!" Sabay tusok nito sa aking gilid na aking ikinagulat. Pagharap ko ay ang mokong pala. Nandidito na sa lobby.

"Walang hiya ka. Kanina ka pa ba?"

"Mga ten minutes pa lang naman." Napansin ko ang porma niya'y galing din sa trabaho. Blue green na sweatshirt ang suot at nakasukbit pa ang ID sa kanyang leg. "Halika na dahil gutom na din ako."

Sa kahabaan kami ng Dela Rosa napadpad sa paghahanap ng makakainan. Since Friday ngayon, halos daming lumalaps. Yet, we were lucky to find one na hindi pa masyadong puno. We sat down on a table opposite each other while reading our menus.

"May napili ka na?" I asked Zac na binabasa pa din ang menu.

Umiling-iling ito. "Ano ba sa'yo? Ikaw na lang ang pumili."

"Masarap naman dito kaya tiyak magugustuhan mo."

I ordered us half-Southern spice chicken, amigo-sized barbeque ribs with sides of white rice, mashed potato, okra and buttered corn. Nagsalo kami sa isang mabigat na hapunan. Dinner was filled with nostalgic stories and laughter. Kinwento din niya ang ilan sa mga kapalpakan niya sa bago niyang trabaho.

"Hindi naman kasi siya nag-iingat!" He couldn't help but laugh at his story. Maski ako ay tumatawa sa pagitan ng aking pag kain. "Mabuti sana kung nag-excuse me siya. Hindi ko naman siya nakita!"

"Zacharias talaga! Ang lakas mo!"

An hour and a half later, we decided to leave the restaurant. Hindi ako makapag-book ng Angkas o Grab dahil sa dami din sigurong nagbu-book. I kept on searching for drivers hanggang sa paulit-ulit na lamang.

I groaned. "I give up! Mamaya na lang ako uuwi."

"Saan ka magse-stay?"

"Eh 'di sa apartment mo."

Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Sigurado ka? Masikip doon at hindi aircon."

Nakatikim siya ng sapok sa akin. "Hoy! Hindi naman ako maarte. At saka, ako lang 'to oh! Kaibigan mo!" I gestured to my chest. "Kaya halika na bago pa magbago isip ko."

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon