37: Love Thy Bekla

294 25 5
                                    

ANDRES

Come midnight, nagsi-uwian na din ang mga bisita. Hanggang alas dose lang din naman ang oras na naka-reserbang oras para sa okasyon. Lolo Jose, Uncle Arman, Uncle Nacio, and I were the last persons who went down from the roof deck. Umuwi na din ang iba naming kamag-anak maliban sa mga naka-check in dito sa hotel.

The elevator doors opened on the 19th floor. Uncle Arman gave us our keys.

"May free breakfast buffet bukas kaya agahan niyo ang gising." Sambit ng Uncle Arman.

Dagdag naman ng Uncle Nacio. "And we'll have lunch somewhere near bago ako bumyahe pauwi."

Tumigil kami sa tapat ng hotel room na binigay nila sa amin.

"Mauna ka na sa loob, 'Lo. Kukunin ko lang 'yung iba nating gamit sa sasakyan." Tumango naman ang Lolo Jose at sinamahan na siyang pumasok ng dalawa pa naming kasama.

Sa ikalawang palapag na parking ako tumungo kung saan naroon ang sasakyan. Mabilis ko lang din na kinuha ang mga pampalit namin na damit at bumalik na ng kwarto. Naka-upo na si Lolo Jose sa gilid ng kama habang may tinitignan sa kanyang cellphone.

Isinilid ko sa aparador ang mga damit namin. Kumuha ako ng jogging pants at shirt para pamalit ng Lolo Jose.

"'Lo, magpalit ka muna ng damit bago matulog." Inilapag ko sa kanyang tabi ang mga damit at bumalik sa aparador para kumuha naman ng mga ipampapalit ko.

Kumuha ako ng mga susuotin ko at sumaglit ng warm bath. Nagbihis ako ng muscle shirt at shorts. Paglabas ng banyo ay nakapagpalit na rin ang Lolo Jose. Nagpatuyo ako ng buhok gamit ang blower habang nahiga naman ng tuluyan ang Lolo.

"Apo,"

Pinatay ko ang blower at naupo sa gilid ng kama. "Bakit po?" Nagsimula na akong gawin ang skin care routine ko.

"'Yung kaibigan mo na 'yon..." Sandali itong tumahimik. "Kamukha niya 'yung taong matagal na nating hinahanap."

Umarko ng kusa ang aking kilay kasabay ng pagbaling ko ng tingin sa kanya. He was staring at nowhere, wondering. Hindi ko makalimutan kung paanong namangha siya nang makita si Jay kanina. At alam kong ang tinutukoy niyang kaibigan ko ay si Jay.

"Matulog ka na, 'Lo." Hindi ko na siya pinansin pang muli at nagpatuloy na sa aking ginagawa.

"Hindi ako nagkakamali, apo. Kawangis ni Juan Pablo ang kaibigan mo. Siya ang taong matagal na nating hinahanap!"

I couldn't help but sigh. "'Lo, malabong si Jay ang taong 'yon. Baka kamukha niya lang. Hindi naman po lahat ng lalaki ay iisipin nating may koneksyon kay Juan Pablo." Itinabi ko na ang mga kagamitan ko at tuluyang nahiga na sa kama. "Matulog na lang po tayo. Pagod lang 'yan."

Pinatay ko na ang ilaw na nasa tabi ng aking kama at sa kabilang direksyon humarap. We are all desperate to find that one person that would end this misery. Pero hindi tama na pati ang kaibigan ko ay kanyang pagdudahan.

At kung maaring siya nga, paano namin matatapos ang sumpa? Walang nakakaalam, hindi ba. Maaring nagkatagpo lang kami ngunit hahantong pa din ang lahat sa pagwawakas ng aking buhay.

JAY

I woke up to a gloomy Saturday morning. It feels refreshing to sleep for more than eight hours. And I have the energy to do errands for the day.

I brewed my coffee while I toast four wheat bread. I had my sunny-side-up eggs prepared as the toaster beeped. I sat on my chair as I munched on my breakfast. Nagtingin din ako ng ilang updates sa phone ko. Mula pagkauwi ko nang 11PM kagabi, dumiretso na agad ako sa tulog. I am that tired the whole week.

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon