ANDRES
Sa sikip ng aming pwesto, nauna akong magising. Ang katabi 'kong si Gabbi ay nakadapa't mahimbing ang pagkakatulog. Sa lakas ng aircon sa kwarto ni Jay, balot na balot kami ng makakapal na kumot. Nababalot ng kadilim ang kwarto na may kakarampot na liwanag na tumatagos sa gilid ng kurtina.
Maingat akong bumangon sa kama at hinakbangan sina Kiko at Jay na sa sahig piniling matulog. Sa tulong ng phone ko'y hindi 'ko naman natamaan ang dalawang mahina pang humihilik.
Tuluyan nang maliwanag nang makalabas ako ng kwarto. Pagsilip 'ko ng orasan, alas siyete pa lang umaga. Puyat na puyat pa ako pero kailangan 'kong umalis ng maaga dahil sa lakad namin ng Lolo. Ba't naman kasi inabot kami ng alas dos y media ng madaling araw... sa pagne-Netflix. Naisingit pa ang panonood sa gitna ng madugong pagsubok na aming pinagdadaanan.
"Siguro naman ayos lang mangialam sa kusina," Sambit 'ko sa sarili habang minamasid ang maliit na kusina.
Ipinatong 'ko ang phone 'ko sa isang tabi, naka-on ang Spotify, at umaalingawngaw ang You've Made Me Stronger by Ate Chona herself, Regine—Wooh!
Nilabas 'ko mula sa ref ang naitabi naming ulam kagabi. Buti't may natira pa. Naglabas na din ako ng mga itlog at bacon na amin ding binili kahapon. Wala din naman kasing ibang laman ang ref ni Jay kung hindi preserved meats. Eh, hindi naman namin pwede galawin ang kanya.
"Cause you've made me stronger by breaking my heart,
You ended my life and made a better one start..." Pagsabay 'ko sa kanta habang nagbabate ng itlog.
Sa isang banda, nagpakulo na ako ng tubig para sa kape. Isang malaking pack ng instant three-in-one coffee ang binili 'ko para handa sa puyatan. Hinanda 'ko na iyon sa lamesa para kanya-kanyang timpla na lang mamaya.
Paunti-unti nang napapalibutan ng amoy ng pinipritong bacon ang kapaligiran. Samahan mo pa ng tinitimpla 'kong kape. Para akong hindi puyat sa enerhiyang sumanib sa akin. O sadyang sa akin lamang natapat ang pagiging alipin ngayong araw.
"Kung maibabalik 'ko laaaang, ang dating ikot ng... mundo!
Ang gusto ko'y ako lagi na lang sa piling mo... Kung maibaba—Ay!" Nahinto ako sa pagkanta nang pag-ikot 'ko ay nakatingin sa akin ang bagong gising na si Jay, kinukusot pa ang mga mata.
"Morning!" Bati 'ko dito at isinalin na ang mga niluto 'ko sa plato. Nakalimutan 'ko yatang magtoothbrush. Nakakahiyang lumapit siya sa akin, maamoy niya morning breath 'ko!
"What's for breakfast?" Aniya habang papalapit sa kainan.
"Ininit 'ko 'yung ulam natin kagabi. I cooked eggs and bacon. Gutom ka na ba? Wait, I'll check on the rice." Mabilis 'kong sabi at tinignan ang nire-reheat 'kong kanin sa rice cooker.
Masyado naman akong nag-alala sa kanya. Girlfriend ka, Andres?
Pasimple akong tumungo sa lababo at nagmumog ng tubig. Wala naman akong makita na mouthwash kaya tubig-tubig na lang muna. Nasa likod 'ko na pala si Jay na nagtitimpla ng kanyang kape. At bumibirit pa rin si Ate Reg kaya itinigil 'ko na ang pagpapatugtog.
"Why'd you cut the music? Bring that up." Tanong niya.
"Baka kasi ayaw mo."
"No, I'm actually singing to it."
I can't believe some straight guy knows a Regine Velasquez song. How on earth that could be?
I did what he wished, turned on the music and had breakfast with him. Malakas na ang tugtugan namin dito ngunit nahihimbing pa din ang iba sa loob ng kwarto. Magkatapat kami ni Jay na abala din sa kanyang almusal. At ang nakakamangha pa doon, hina-humm niya ang kanta ni Regine.
BINABASA MO ANG
One Great Love (COMPLETED)
FantasyBawat tao na naririto sa mundo ay may mga kahilingan. Isa na rito ang mahanap ang kanilang 'one great love'. Lahat ay nais maging masaya. Ngunit nang dahil sa isang sumpa, nabibilang na ang oras upang mahanap ang taong imposible pa sa pagputi ng uwa...